[Mia’s POV]
Hinarap namin ang council.
Ipinakita sa kanila ni ate Yuki ang seal na pagmamay-ari ng aming ina.
“Siguro naman wala na kayong reklamo kung imumungkahi ko na si Mia muna ang maging pinuno natin,” dagdag pa ni ate Yuki.
Nagkatinginan ang mga miyembro ng council. Napapangiti naman si Rj.
“Satoshi, anong masasabi mo dito?” tanong nila.
Nananatili namang tahimik si Satoshi.
Ako ang humarap sa kanya “Ang seal ang magiging patunay na hindi mo puwedeng basta na lang kunin ang pamumuno”.
“Hahaha!”
Biglang tumawa si Satoshi.
“Anong nakakatawa?” tanong ko.
“Mga wala kasi kayong isip! O sige, sabihin na natin na nasa inyo nga ang seal, nasa inyo ba ang kakayahan?”
“Wag ka ngang mayabang dyan” singit ni ate Yuki.
“Matalino si Mia, madali niyang mapag aaralan ang gawin ng isang pinuno,” dagdag ni Rj.
“At kailan pa yon?”
Hindi nakasagot si Rj. Nagbulong bulungan naman ang iba pang miyembro ng council.
“Para maging pinuno marami kang kailangan matutunan. Baka nakakalimutan nyo buong buhay ni Yano ang ginugol niya para lang mapag-aralan yon.
“Makakaya yon ni Mia, naniniwala ako sa kanya!” diin ni ate Yuki.
Pero kapansin pansin na hindi siya sinang ayunan ng lahat. Kahit ako, nakaramdam ako ng pagdududa sa aking sarili.
“Kapatid ko si Mia, anak siya ng dating pinuno, apo ng mga nagtatag ng clan na ito, kaya natitiyak ko na makakaya niya!” ulit pa ni ate Yuki.
“Ate Yuki…” nasabi ko.
“O sige, ganito na lang, “ saad ni Satoshi “Dahil anak ng dating pinuno ang babaeng yan, bibigyan ko siya ng pabor, iyon ay kung papayag ang lahat ng nandito.”
May nabuo muling mga bulungan.
“Ano, sang-ayon ba kayo?” tanong ni Satoshi.
“Sabihin mo nuna kung ano yon,” sabi ng isa.
“Bibigyan ko ng isang buwan ang babaeng yan para patunayan ang kanyang sarili.”
“Isang buwan?” ulit ko.
Lumakas ang ingay sa buong conference room.
“Satoshi, ipaliwanag mo ang ibig mong sabihin,” sabi ni Rj.
Ngiti ang itinugon ni Satoshi, sabay tingin sa akin.
“Alam mo ba kung paano naging ganap ang pagiging pinuno ni Yano?”
“Naging ganap?—kung hindi ako nagkakamali dumaan muna sia sa pagsubok ng Petal.”
“Tumpak! Kaya nga ikaw, bago ako sumang ayon na maging pinuno ka, gusto kong harapin mo muna ang Petal!”
Napangiti si Ate Yuki., pero mukhang napansin yon ni Satoshi “Pero dahil malapit ka sa isa sa kanila, ibang pagsubok ang ibibigay ko.”
“Sandale, anong ibig mong sabihin?” tanong ni ate Yuki.
“Gusto kong bumuo ka ng sarili mong grupo!”
“Ano?” reaksyon ko.
“Para magawa mo yon kailangan kang magsanay sa annex ng Yamato—“
![](https://img.wattpad.com/cover/894916-288-k871664.jpg)
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Action"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.