Chapter 9 *Jin's deepest Secret*

1.5K 27 1
                                        

[Jin’s POV]

Naging madali para sa amin ni Rina na talunin ang mga lalaking nanalakay, sa kasamang palad, hindi namin napaghandaan ang bagay na yon…

May nagbato ng mga smoke bomb.

Agad kong tinakpan ang ilong ko, halata kasing may kasamang pampatulog ang usok na yon.

Kaya lang…

DAGG!

Narinig ko na lang ang isang pagbagsak, nang lingunin ko, nakita ko si Rina.

“Rina!” agad akong tumakbo papunta sa kanya ngunit bago pa ko makalapit, nawalan na rin ako ng malay.

*LIWANANG*

Nang makakita ako ng liwanag, nakita kong nakatali ang magkabila kong kamay. Ganun din naman ang kalagayan ni Rina.

“A-ano ito?—Rina, okey ka lang ba, Rina!”

“J-Jin…”

Mukhang okey lang naman si Rina, pero hindi niya pa magawang magsalita siguro dahil sa dami ng nalanghap niyang usok.

Tumingin ako sa paligid.

May kadiliman sa lugar na kinaroroonan namin. Kung hindi ako nagkakamali, nasa dungeon kami.

“Sinong may gawa nito?” Iyon ang tanong ko sa aking isip.

Maya maya pa, narinig kong bumukas ang pinto.

“Ikaw?!”

Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nasa likod nito.

“Ikaw… Satoshi!”

Humarap sa akin si Satoshi ng may ngiti sa mga labi. Sa likod niya ay may mga kalalahikan na may hikaw sa kaliwang tainga—ibig sabihin mga alipin niya.

“Anong ibig sabihin nito, bakit nyo kami dinala rito!”

“Wag ka nang magkunwari dyan, Jin Seo… alam kong alam mo na ang dahilan!” –sagot ni Satoshi.

Napatingin ako kay Rina. Medyo mahina pa siya, pero siguradong naririnig niya kami.

“Ano na, Jin Seo!” --Satoshi.

“Pakawalan mo si Rina, wala siyang kinalaman dito!” giit ko.

Ngumiti lang naman si Satoshi. “Gagawin ko yon sa oras na sabihin mo ang mga nalalaman mo!”

Natigilan ako…

(Samantala, sa lugar na kinaroroonan ni Yano)

[Yano’s POV]

 “Kapag nagutom ka ulit, pindutin mo lang yung kulay pulang switch na nasa tabi mo,” sabi ni Kung fu lady. Doon ko lang napansin yung dalawang switch na naandon.

“Yung kulay asul na switch naman pindutin mo kung gusto mong magbanyo.”

Bigla kong pinindot yung asul na switch. Kasabay noon ang biglang pagluwag ng posas, natanggal ko ang kamay ko mula roon. (Ganun lang pala kadaling tanggalin yon 0_____0)

Napangiti ako at dali daling tumayo.

“At talagang gusto mo pa ring tumakas?” –Mei.

 “Babalik na ko sa pamilya ko, kaya kung puwede lang wag nyo na kong pigilan!” Palabas na ko ng silid, hawak ko na ang doorknob,

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon