[Enrico’s POV]
Ano bang kailangan niya sa akin? Bigla na lang siyang dumating sa gitna ng pagsasanay ko at sinabing sumama ako sa kanya. Hindi naman talaga ako dapat sasama, pero wala na akong nagawa dahil tinakot ako ng mabangis na asong kasama niya.
Nasa passenger seat yung aso habang si RJ Dela Vega naman ang nagmamaneho.
Nakakairita ang Rj na ito.
“Ano, hindi mo pa rin ba ipapaliwanag ng mabuti kung bakit mo ko inabala? Saan ba tayo pupunta?”
“Huwag kang mag-alala, malapit na tayo. Pagdating natin doon, siguradong maiintindihan mo na ang alahat, Enrico.”
Napataas ako ng kilay. Ayokong ayoko talaga na tinatawag akong Enrico.
“Hoy ikaw, huwag mong sabihing kasali ka sa council. Makakatikim ka na sa akin kapag tinawag mo kong Enrico. Jennifer ang pangalan ko.”
Bigla siyang ngumiti. “Sasabihin mo pa kaya yan kapag nakita mo siya.”
“Ano?”
Napakunot ako ng noo, pero naintindihan ko rin ang lahat nang marating namin ang isang rest house.
“Ang lugar na’to…”
“Pamilyar ba sayo?”
Bakit dito niya ako dinala, hindi ako puwede dito.
[RJ’s POV]
Biglang umatras si Enrico. Balak niya pa atang tumakbo kaya hinawakan ko ang braso niya.
“San ka pupunta, gusto mo ba na gisingin ko si Rolla?”
“Bakit mo ba ko dinala dito? Malapit na ang laban ko, kailangan ko pang magsanay.”
“Bakit ba parang takot na takot ka, pamilyar ka ba sa lugar na’to?”
“Hindi ako takot!” Hinatak niya palayo ang kamay niya. “Aalis na ko.”
“Ayaw mo bang kamustahin si Takeru?”
Natigilan siya.
“Kung hindi ako nagkakamali, dati mong kasintahan ang Aburame na yon, hindi ba?”
Humarap siya sa akin. “Paano mo nalaman, paano mo nalaman ang tungkol dito?”
“Wala akong hindi alam.”
“Huh!” tugon niya. “Hindi ko talaga maintindihan kung bakit mo ako dinala dito. Oo tama ka, dati ko ngang kasintahan ang isang yon, pero niloko ko lang siya. Iniwan niya ako nang malamn niya na hindi naman talaga ako babae.”
“Hindi ako interesadong making sa kuwento mo. Isinama lang talaga kita dito para mahuli nag taong yon.”
“Huhulihin mo siya, para saan?”
“Hawak niya si Mia.”
“Ano?”
[Takahashi’s POV]
“ANONG SINABI MO?!”
Sobrang sakit sa tenga ng sigaw na iyon ni Boss Mito. Kitang kita ang tensiyon sa mukha niya matapos niyang malaman ang pagkawala ni Mia.
“Hanapin mo siya, hanapin mo siya ngayon din!”
“Pero boss, nagsimula na ang laban. Baka makatunog si boss Yano kapag kumilos tayo.”
![](https://img.wattpad.com/cover/894916-288-k871664.jpg)
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Ação"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.