[Yano's POV]
Matapos kong malaman ang masakit na katotohanan, nagpasya akong makipagkita sa kanya
-sa aking ina.
"Lady Kumi, Lady Kumi- tingnan nyo po kung sino ang kasama ko"
Ang sakit sa tenga ng boses niya. Kung bakit ba kasi sa dinami rami ng tao siya pa ang una kong nakita, pero di bale na, kaya ko naman tiisin, ang mahalaga dinala niya ko sa babaeng ito.
"Salamat Mei, sige iwan mo muna kami."
"Sige po, sige Yano!"
[Mei’s POV]
Kinindatan ko siya bago umalis pero hindi niya ko pinansin. Hindi sa nagkakagusto na ko sa kanya, syempre alam ko pa rin na may asawa na siya pero sino ba kasi ang hindi hahanga sa boss ng Yamato clan- ah hindi na pala siya Yamato, Aburame na siya. Napaka matipuno niya, at napakagwapo.
[Yano’s POV]
"Alam mo na siguro ang sadya ko."
Tumingin lang siya sakin, isang nakakaawang tingin. Kung ibang tao ako ,siguradong nadala nako sa kanya, nakakainis!
"Puwede ba, tigilan mo yan sumagot ka na lang!"
"Kaligtasan lang naman ng anak ko ang gusto ko, kaya ako nakipagsagwatan sa Aburame ay dahil ayokong lumaki siya sa clan."
"Iyon ba ang dahilan kaya hinayaan mong kunin ko ang lugar niya?."
"Iyon lang ang nakita kong pagkakataon para makalayo kaming mag-ina na hindi inaalala si Yagiri, kaya lang..."
"Kaya lang ano?"
"Nawala siya."
"Nawala?"
"Tinanong ko ang mga Aburame kung nasaan ang anak ko, sinabi nila na nahuli raw sila kaya naman inakala ko na ikaw pa rin ang anak ko. Sinubukan kitang kunin pero pinagbawalan na ko ni Yagiri. Kailan ko lang nalaman na nilinlang nila ko, naipagpalit nila kayo, buhay ka samantalang may posibilidad na patay na ang anak ko."
Wala na pala ang tunay na Yano, tsk.
"Iyon lang naman ang gusto kong malaman." Tumalikod na ko.
"Bakit ka pa ba interesadong makilala ang anak ko? Ikaw na ang kinilalang Yano Matsumoto, kung buhay pa ang anak ko balewala na rin dahil nakuha mo na ang lahat- ikaw na ang kinilala na anak ni Yagiri, ng ama niya!"
Ang mga salita niyang yon ang nagpatibay sa pasya ko na harapin ang taong yon, si Yagiri Matsumoto
[Mia’s POV]
Tumatakbo ako.
Ang alam ko may mga humahabol sa akin, at kapag nahuli nila ko katapusan ko na.
Takbo, takbo!
"Ah!" Tuluyan na kong bumagsak. Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa. Papalapit na ang mga kaaway, papalapit na sila, bitbit ang kanilang mga katana.
"Aaaahh!" sigaw ko.
"Ah!" Sa wakas nagising na ko.
Simula nang mag training ako dito sa bundok, lagi ko nang napapanaginipan ang ganon. Dala siguro to ng matinding pagod. Sobra sobra kasi ang ibinigay na training sakin ni senpai Su matapos siyang kausapin ni Satoshi.
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Ação"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.