High School Time.
“Bakit hindi ka sa silid natin nagdiretso?” tanong ni Jin bago siya naupo.
Ibinagsak ni Yano ang mukha sa lamesa.
“Anong problema mo?” tanong ni Jin.
“Hoy Jin.”
“Bakit?”
Itinunghay ni Yano ang mukha. “Di ba sabi mo, mas maganda kung magkakaron na’ko ng girl friend?”
“Oo, bakit may nakita ka na ba?” Bigla siyang ngumisi.
“Ayoko sa mga taga Village III pero gusto kong subukan ang babaeng yon.”
Biglang tumahimik si Jin. Hinihintay ni Yano ang reaksyon niya pero wala. “Magsalita ka nga!” sabi niya sabay pitik sa noo ni Jin.
“Hindi ba ayaw mo sa mga taga Viilage III?”
“Oo, pero…”
“Ang dahilan kung bakit ka mag-gi-girlfriend ay para makalimutan mo si Erika. Kung siya ang magiging girl friend mo baka mas lalo mo lang siya hindi makalimutan.”
“Eh di huwag na,” mabilis na sagot ni Yano.
Medyo napakamot ng ulo si Jin. “Kung nagugustuhan mo siya, eh di sige ligawan mo.”
“Hindi ko siya gusto, susubukan ko lang.”
Yano’s POV
Panaginip. Bakit ko napanaginipan ang nangyari dati?
Iyon yung sandali na nagiging interesado ako kay Mia. Napakatagal na non. Napakatagal na.
“Boss Yano!” may tagasilbi na kumakatok. Tumayo ako para pagbuksan siya. “Ano yon?”
“May sulat po kayo.”
“Sulat?” Agad kong kinuha ang sulat. Kanino naman kaya ito galing?
Pagkasarado ko sa pinto, sinimulan ko nang basahin ang sulat. Namilog ang mga mata ko nang malaman kung kanino iyon galing, kay Mia.
Yano,
Patawad. Patawarin mo ko kung nasaktan kita. Gusto kong malaman mo na gusto kitang piliin. Wala akong ibang hangad kundi ang magkaroon ng masayang buhay kasama ka at si Hanabi. Ang kaso, mukhang matatagalan pa bago mangyari yon.
Gusto ko sanang humiling sayo, hindi bilang si Mia kundi bilang bagong pinuno ng Yamato clan. Gusto kung imungkahi ang tungkol sa pagkakaroon ng isang mapayapang tunggalian--sa pagitan ng mga angkan natin.
Upang walang madamay na sibilyan, sa tingin ko mas mabuti kung pipili ang magkabilang angkan ng kanikanilang mandirigma upang maglaban sa isang partikular na bagay. Maaring magmungkahi ang council nyo at ang council ng mga Yamato sa mga laban na iyon. Kung sino ang may pinaka maraming panalo, sila ang magwawagi. Kung kayo ang mannalo, ibibigay namin ang annex na inaasam ninyo. Kung kami naman, ang hangad lamang ng Yamato ay ang tuluyan nyong paglayo sa clan namin.
Hindi ko alam kung sasang-ayon kayo sa naisip kong ito, pero nakausap ko na ang Yamato council, payag sila kaya sana pumayag din kayo.
Napapangiti ako habang binabasa ang sulat. Hindi nagbanggit si Mia ng anomang bagay tungkol sa aming dalawa, pero alam ko na kung magtatagumpay ang naisip niya, may posibilidad na magkabalikan kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/894916-288-k871664.jpg)
BINABASA MO ANG
Kizuna: Alone
Action"Habang nasatabi ko si Yano hinding hindi ako matatakot." Iyon ang sinabi ni Mia, ngunit paaano kung magising siya isang araw na wala na sa tabi niya ang lalaking mahal? Maipagpapatuloy pa kaya niya ang buhay? Maraming lihim ang mabubunyag.