Chapter 14 * Missing Piece*

1.3K 20 3
                                    

[Rj’s POV]

Dahil sa sobrang pag-aalala ko, binisita ko si Mia.

BULL’S EYE!

Sunod sunod na tinamaan ni Mia ang mga target. Talaga nga namang ang husay na niya sa archery.

“Hmm?” Ibinaba niya ang hawak na bow nang mapansin niya ako. “Rj?”

Ngumiti ako sabay kumpas sa kanang kamay.

Ngumiti rin naman siya bago lumapit sa akin.

“Anong ginagawa mo rito, mag oobserba ka ba uli?”

“Ang totoo nagpunta ko rito para alamin ang lagay mo, nabalitaan ko kasi na puspusan ang ginagawa mong pagsasanay”.

“Oo, para maging karapat dapat ako. Gusto kong maging bahagi ng mga tatalo sa Aburame.”

Napangiti na lang ako, isang pekeng ngiti.

Paano kung malaman ni Mia na bahagi na si Yano ng Aburame? Siguradong masasaktan siya.

“Uy, Rj!”

“Ah---”

“Bakit parang natutulala ka, may iba ka bang iniisip?”

“W-wala naman… namangha lang ako kasi napakahusay mo na Archery.”

“Naku, hindi naman, kumpara kay Yano wala pa rin akong sinabi at tsaka yung senior ko na si Su, ang husay rin non.”

“Ganun ba…”

“O, bakit parang ang tamlay ng boses mo?” Hinawakan niya ang noo ko. “Para kang may sakit pero wala naman…”

“Ahahaha!” Napatawa na lang ako, mas lalo tuloy nagtaka si Mia, kumunot na ang noo niya.

“Mia?”

“Ano yon?”

“Naalala mo pa ba yung educational tour natin?”

“Educational tour? Alin yon, yung nagpunta tayo sa kweba?”

Tumango ako.

“Oo naalala ko pa yon, paano ko makakalimutan yon eh naligaw ako non, ang tanga ko!”

“Siguro nga, pero dahil sa pangyayaring yon, alam mo bang may nalaman ako tungkol sayo?”

“Ha?”

“Nung nawala ka kasi--- nung nawala ka…”

[Flash back]

Nangyari to nung araw bago kami pumunta sa bahay nina Mia.

(Refer to Kizuna (Bond Between Us) Hit 5)

May Educational Tour ang lahat ng first at second year.

Dahil ako ang student council president ako ang naging punong abala sa nasabing tour. Actually isang buwan ko yong inasikaso, lalabas kasi kami ng bayan ng Tama. Nung una akala ko hindi iaaprove yung tour pero pinayagan din naman sa kondisyon na sisiguraduhin kong walang mangyayaring gulo.

Tiwala naman ako na hindi magiging pasaway ang mga estudyante, takot na lang nila, isa pa may mga kasama kaming teachers.

Pupunta kami sa bundok.

Kizuna: AloneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon