Chapter 7

297 16 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 7

"Tita?"

Napatigil sa pagbabasa ang Tita Ayesa niya at sinulyapan siya nang lapitan niya ito.

"Yes hija? You need anything?" tanong nito at itiniklop ang binabasa.

"Ahm tita.. Ano kasi.." nahihiyang napakamot siya sa batok. "Naiwan ko po kasi yung laptop ko sa bahay. Pwede pong pahiram ng laptop niyo? May gagawin lang po sana kasi ako." alanganing nginitian niya ito.

"Naku, naiwan ko sa office yung laptop ko. Ang mabuti pa, yung laptop na lang ni Kristof ang hiramin mo."

"Po?" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. As if naman pahihiraman siya ng suplado at malditong iyon.

"Sige na, puntahan mo na siya sa room niya."

"Sige po. Thank you Tita." pagkatalikod niya ay napangiwi siya. Malabo talagang papahiraman siya ng lalaking iyon lalo na at bwisit na bwisit ito sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya at umakyat sa hagdan. Habang naglalakad siya ay napapaisip siya kung hihiram siya sa lalaki o hindi. Baka kasi mapahiya lang siya kapag sinungitan na naman siya nito. "Hay huwag na lang!" naiinis na sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Ilang sandali pa'y natigilan siya nang makita si Kristof na prenteng nakahiga sa mahabang sofa sa upper living room ng bahay habang may kinukutingting ito sa tablet nito. Humahagikgik pa ang siraulong lalaki. Parang engot at ewan lang ito sa itsura at pinaggagagawa nito. Marahil ay may nakita itong nakakatawa doon. Ikinibit na lang niya ang balikat at nagpatuloy sa paglalakad. Mayamaya'y nadulas ang hawak nitong tablet kaya sumalpok iyon sa mismong mukha nito bagay na ikinatawa niya.

"Ouch! D*rn it!" sapo ang nasaktang mukhang pagmumura nito.

"Buti nga sayo." natatawang bulong niya at napatakip sa bibig.

"What are you laughing at huh?"

Nakangising napalingon siya sa lalaki at muntikan na siyang mapabunghalit ng tawa nang makitang pulang-pula ang mukha nito. Marahil ay napahiya ito dahil nakita niya ang nangyari dito. Tinaasan niya ito ng kilay. "Bakit? Masama ba? May batas bang nagsasabing bawal ang tumawa?"

"Hintayin mong maging presidente ako."

"As if naman may boboto sayo." pang-aasar niya dito at nginisihan pa niya ito.

Sumimangot ito at padabog na umupo sa sofa. Hindi na siya nito pinansin kaya nakangising iniwanan na niya ito doon. Naglakad na siya patungo sa silid niya nang maalala ang laptop. Natiplak niya ang noo nang wala sa oras. For sure ay talagang malabong papahiraman pa siya nito sa nangyari. Napabuga na lang siya at humiga sa malawak at malambot na kama.

Nang mahagip ng tingin niya ang lapis at notebook niyang nakalapag sa kama ay nakangusong mabilis niyang dinampot iyon. Wala sa sariling nag-scribble siya doon. Hanggang sa ilang sandali pa'y napagpasyahan niyang magdrawing na lang. Isa kasi iyon sa mga hilig niya. Ang magsketch, magpaint at magdrawing.

"Ano kayang idodrawing ko?" tanong niya sa sarili at napaisip ng pwede niyang gawing subject niya. Bigla na lang nagpakita sa balintataw niya ang gwapong mukha ni Kristof. Nalukot ang mukha niya. "At bakit ko naman siya idodrawing eh nabubwisit ako dun?" naiinis at nanggigigil na sabi niya. Nang may maisip siyang ideya ay natigilan siya at napangiti ng nakakaloko. "Pwede ko pala siyang gawing subject ko." napangisi siya at tumawa ng nakakaloko. Naiinis talaga siya sa hinayupak na lalaking iyon kaya gaganti siya dito sa pamamagitan ng pagguhit ng mukha nito.

Nagsimula na siyang magsketch sa page ng notebook. Inuna muna niya ang hugis at korte ng mukha nito. At habang gumagalaw ang mga kamay niya ay pilit niyang ikinakabesa sa isip ang mukha ni Kristof. Nang matapos ay isinunod niya ang spiky hairstyle na buhok nito. Nang matapos ay isinunod niya ang mga mata, ilong at ang labi nito. Ilang sandali pa'y natapos na rin niya ang ginagawa. Tinitigan niya ang naguhit niya. Nang makita niyang kuhang-kuha niya ang mukha nito.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon