Chapter 25

212 4 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

Chapter 25

Nang mga oras na iyon ay namamasyal sila ni Kristof sa Strawberry Farm sa La Trinidad, Benguet. Napagpasyahan kasi nilang maglibot at mamasyal para naman makapagbonding silang dalawa. Kanina ay namasyal na sila sa Mansion House, Mines View Park, PMA at Botanical Garden.

Sa totoo lang ay masaya siya dahil kasama niya ang lalaking mahal niya. At habang tumatagal ang oras ay nari-realize niyang hindi siya nagsisising binigyan niya ito ng pagkakataon dahil todo ang effort nito sa kanya. At sa bawat ginagawa nito ay wala siyang magawa kundi ang mahalin lang ito ng higit pa sa naramdaman niya noon dito.

"So, welcome to Strawberry Farm!" Habang naglalakad ay nakangiting humarap siya sa binata habang nakadipa ang mga kamay. Ngunit natigilan siya nang makitang hawak nito ang videocam recorder nito at nakatutok iyon sa kanya. "Hey! Stop doing that!" sikmat niya dito at tinakpan ang mukha gamit ang kamay.

"Come on babe." nakangiting sabi nito. "Pagbigyan mo na ako. Remembrance lang naman eh."

Nakangusong ibinaba niya ang mga kamay at taas ang kilay na napahalukipkip. Naghihinalang napatingin siya dito. "Kanina mo pa ba ginagawa iyan?"

Napangiti ito. "Yeah, kaninang umaga pa kaya."

Grabe. Kaninang umaga pa pala nito ginagawa iyon. Ni hindi man lang niya napansin. Napasimangot siya at pagkuwa'y inirapan ito. Ano na lang kaya ang itsura niya doon. Naku! Baka mukhang stress ang mukha niya doon. Kunwari ay nagtatampong tinalikuran niya ito. Nangingiting sinundan naman siya ng binata.

"Ang mabuti pa, yung paligid na lang ang kunan mo." aniya at inilibot ang tingin sa paligid. Ginawa naman nito ang sinabi niya. Itinutok nito ang videocam sa mga manggagawang naghaharvest ng strawberry. Nakangiting pinagmasdan niya ang binata. He just look so cute. And watching him that way made her smile. Inalis na lang niya ang tingin dito at sinamyo niya ang malamig at sariwang hangin. "Ang ganda ng paligid 'no?" nakangiting tanong niya dito. "It's very refreshing."

"Yes it is." sagot nito. Hindi siya nakatingin dito nang mga oras na iyon kaya hindi niya nakitang nakatutok ang tingin nito sa kanya. "It's the most beautiful view I've ever seen in my life."

"Good to know you're a nature lover now." nakangiting sagot niya.

"Nature lover?" ulit nito. Mayamaya'y bahagya itong natawa kaya salubong ang kilay na nilingon niya ito. Mabilis naman nitong ibinalik ang tingin sa hawak.

"What's funny?" naiiritang tanong niya dito.

"Wala." nakangiting sagot nito habang ang tingin ay nakatutok pa din sa hawak nito.

"Hmp! Bahala ka na nga diyan." nakasimangot na tinalikuran niya ito.

"Hi! I'm Kristofer Lawrence Lee! Welcome to Strawberry Farm!"

Napatigil siya sa paghakbang sa narinig. Sino bang kausap ng hinayupak na iyon? Salubong ang kilay na nilingon niya ito at para lang mapangiti nang makitang nakatutok dito ang hawak nitong videocam. Mukhang trip yata nitong ivideo ang sarili. Ikinibit na lang niya ang balikat at hinayaan ito sa trip nito.

Nang may makita siyang mga hinog nang strawberry ay agad siyang lumapit doon at pinitas ang mga iyon. Habang abala siya sa pagpipitas, abala naman ang binata sa pagbivideo sa sarili.

"Today is one of the best and happiest day of my life. It's a special day for me indeed. Wanna know why? It's because I'm with the woman I love. Wanna know and see her?" inilipat ng binata ang videocam sa direksiyon ng dalagang nakatalikod sa kanya at nagpipitas ng strawberry. Ilang sandali pa'y nakangiting humarap ang dalaga sa kanya.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon