YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz ArtemisChapter 35
(KRISTOF'S POV)
"It's too unfair!"
Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang muling marinig ang mga katagang iyon kay Samantha. Sa totoo lang ay naririndi na siya sa mga ipinagsisintir nito. At aaminin niya, malapit na siyang mapuno dito. She's acting like a freak child for goodness sake! At hindi na siya natutuwa doon.
"Why did your parents asked that woman to stay in your house instead of me? Ako ang fiance mo Kristof! It should have been me! Not that girl!" patuloy pa rin ito sa mga palatak nito.
He clenched his jaw. Hangga't maaari ay ayaw niyang patulan ang pagiging isip bata nito ngunit malapit na talaga siyang mainis dito. Konting-konti na lang talaga. Pilit siyang huminga ng malalim upang paginhawain ang sarili at itinutok ang tingin sa kalsada. Nang mga oras kasi na iyon ay ihahatid niya ito sa hotel na tinutuluyan nito.
"Ang hindi ko maintindihan sayo, bakit hindi mo magawang kontrahin ang parents mo!? For pete's sake Kristof! Grow up! Have a bone! You're old enough to stand and decide for your own!"
"What do you want me to do? Kontrahin ang parents ko? They are my parents Samantha and I respect them!" hindi na siya nakatiis sa matinding inis na nararamdaman. Sandali itong hindi nakaimik sa mga sinabi niya. Kung pwede lang niya itong itapon palabas ng kotse niya ginawa na niya huwag lang niyang marinig ang mga sinasabi nito.
"Pero sana isipin mo naman ako! I am your fiancee Kristof! Ako ang makakasama mo in the future hindi ang pare-"
"Enough!" naiinis na pigil niya sa mga sinasabi nito. "Spit the shit out! I don't care if you're my fiancee! They are my parents Samantha and you can never change that no matter what you do or say! Don't ever push me to choose between you and my parents. You won't like my answer." Natahimik ito sa mga binitiwan niyang salita. Ilang sandali pa'y narinig niyang sumisinghot ito. She's doing it again. Nagdadrama na naman ito para magmukha itong kaawa-awa. Napabuntong-hininga na lang siya at naiinis na itinutok ang tingin sa daan.
"It's too obvious that your parents dislike me. What's wrong with me Kristof?" humihikbing tanong nito. Hindi siya kumibo. Hindi na lang niya pinansin ang mga sinasabi nito. "Bakit hindi nila ako magustuhan para sayo? Tell me! What's wrong with me?!"
Nanggigigil na tinapakan niya ang preno ng sasakyan at inihinto iyon sa tapat ng hotel.
"Ano ba!" bulyaw nito sa kanya. Mukhang wala sa oras ay umurong ang mga inipon nitong luha. "Magdahan-dahan ka naman!" maktol nito.
"Get out." tiim bagang at madiing utos niya dito. Umawang ang mga labi nito. Marahil ay hindi ito makapaniwala sa mga trato niya ngayon.
"Aren't you going to open the door for me?" angal nito.
"I'm not in the mood to do that for you. At wala akong balak pagbigyan ang mga kapritso at kaartehan mo because honestly, you're getting into my nerve. You have your own hands right? So, use it for yourself."
"How dare you!" hindi makapaniwalang bulyaw nito sa kanya.
"Yeah! How dare me and damn you for acting like a freaking child!"
Lalong umawang ang mga labi nito sa mga sinabi niya. Nang makahuma sa matinding gulat ay naluluha at naniningkit ang mga matang tinitigan siya nito.
"I can't believe this! You're treating me this way just because of that girl?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Ano bang meron sa babaeng iyon? Tell me!"
"I don't know! Ok?!" galit na galit na sagot niya. "And I don't understand why you're acting like you're threatened of her!"
"Sino ba namang hindi matithreatened sa kanya?! She's your ex-girlfriend!" walang kapreno-prenong sagot nito.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Teen FictionTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...