YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz ArtemisChapter 32
"BAKIT umiiyak ka na naman?" nag-aalalang tanong sa kanya ni Tasha. Pagkarating nila kasi ni Austin galing sa mall ay hindi na siya tumitigil sa kakaiyak dahil sa matinding sakit at sama ng loob na nararamdaman. Pakiramdam niya'y wasak na wasak ang puso at mundo niya sa mga nangyari.
"Ano ba Zean, sumagot ka naman, nag-aalala na kami sayo. Ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Cheska.
"Sabihin mo nga sakin, may ginawa ba sayo si Austin?"
Umiling siya.
"Naman pala. Oh e bakit umiiyak ka ng ganyan?" taas ang kilay na tanong ng mga ito.
"He's back."
"Ano?"
"I saw him?"
"Sino?"
"Si Kristof."
"What?! Saan?!"
"Sa jewelry shop." lumuluhang sagot niya at hinarap ang tatlo. "Ang nakakasama lang ng loob, he acted like hindi niya ako kilala. Ang sakit ng ginawa niya. Umuwi siya nang biglaan tapos makikita ko na lang na may kasama siyang iba. Ang sakit. Wala pa kaming formal break up pero may iba na agad siya. Ang unfair niya! Nasasaktan ako sa ginagawa niya." tila may punyal na bumaon sa puso niya habang sinasabi niya sa mga kaibigan ang hinanakit niya.
"Mahal mo pa rin siya?"
Tumango siya sa tanong ni Cheska. "Ang buong akala ko, ok na ako. Akala ko nakamove on na ako. Masaya na ako eh. Di ko na rin siya naaalala. Pero ganon pala, makaharap mo lang siya, makita mo lang siya. Babalik at maaalala mo lahat ng bagay na pilit mong kinalimutan. Yung sakit, mga masasayang alaala at yung pagmamahal na akala ko wala na, nasa isang sulok lang pala. Naghihintay na magising sa pagbabalik niya."
"Pero babalik pa ba siya? May iba na siya Zean," naluluhang sabi ng mga kaibigan niya. Tila pilit ipinapaintindi ng mga ito na wala na silang pag-asa at doon siya nasasaktan ng sobra.
"At iyon ang masakit. Siya ok na, masaya na siya, nakalimot na, samantalang ako, nandito pa rin, nasasaktan, umiiyak, nahihirapan, naghihintay at umaasa pa rin sa mga pangakong binitiwan niya."
Hanggang ngayon pala ay nasa prosesong iyon pa lang siya. At hindi niya alam kung kaya ba niyang umahon sa pagkakalugmok na iyon lalo na at bumalik na ang nagpapahirap sa kalooban niya.
"So, anong balak mo?"
"Hindi ko alam kasi mahal ko pa rin siya," naguguluhang napasabunot siya sa buhok. Kung solusyon lang ang pagiging baliw, matagal na niyang ginustong maging baliw. Ano nga bang dapat niyang gawin? Kailangan na ba talaga niyang kalimutan si Kristof lalo na at may mahal na itong iba? Handa na ba talaga siyang gawin iyon? "Hindi ko alam. Hindi ko alam."
__ __ __ __ __
Malungkot siyang nakatitig sa kisame nang wala sa sariling dumako ang tingin niya sa isang box sa may side table. Nang maalala ang laman niyon ay naluluhang dinampot niya iyon at binuksan ang laman. Sunud-sunod ang pagpatak ng luha niya nang makita ang singsing na ibinigay ni Kristof sa kanya noon bago ito umalis patungong France. Tila binibiyak ang puso niya nang haplusin niya iyon. Habang pinagmamasdan niya iyon ay tila unti-unti siyang bumalik sa nakaraan.
NAKARAMDAM siya ng lungkot nang unti-unting umusad ang kotse ng mga Lee. Nauna nang naglakad papasok ng bahay ang parents niya habang siya ay nanatili pa ring nakatayo doon. Pinagmamasdan ang papalayong sasakyan.
"I will miss you Kristof," lumuluhang bulong niya. Akmang tatalikod na siya nang makitang tumigil ang kotse at lumabas doon si Kristof. Mabibilis at malalaki ang mga hakbang na naglakad ito palapit sa kanya. Ilang sandali pa'y naramdaman na lang niyang nakapaloob siya sa sa mga bisig nito. Lalo naman siyang napaiyak dahil doon. "Mahal na mahal kita Kristof. Parang hindi ko kayang aalis ka." halos ay magusot na ang suot nito sa higpit ng yakap niya dito.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Teen FictionTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...