Chapter 14

235 8 1
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 14

Pinakatitigan niya ang nasketch niyang mukha ni Kristof sa canvas at napangiti siya nang makitang kuhang-kuha na niya ang mukha nito at ang ngiti nitong iyon na gustung-gusto niyang titigan. Ipinipinta niya kasi ang mukha nito sa canvas.

"Zean?"

Natigilan siya at bigla na lang kumabog ang dibdib niya nang marinig ang boses ni Kristof sa labas ng pinto. Nang matauhan ay natatarantang hinakot niya ang mga paint, paint brush at canvas na nasa harap. Kandaugagang binuhat niya ng minsanan ang mga iyon at itinago sa loob ng banyo.

Hindi kasi nito pwedeng makita ang mga iyon dahil sa birthday pa nito iyon dapat makita. Naisip kasi niyang iyon ang ireregalo niya dito para naman maiba. Alam naman kasi niyang puro mga mamahaling gamit ang matatanggap nito buhat sa ibang tao. And one more thing, he already have everything. Gadgets, things, accessories. Kaya wala na siyang ibang maisip na iba kundi iyon lang.

"Zean?" muli itong kumatok sa pinto.

"I'm coming." sagot niya at mabilis na tumungo sa pinto upang pagbuksan ito.

"Hi." nakangiting bati nito nang mabungaran niya ito sa labas. "I'm just checking if you get home safe." anito.

"Yeah nakauwi naman ako ng safe." sagot niya. Hindi kasi sila sabay na umuwi kanina. Nahuli kasi ito sa school dahil nagpractice pa ang mga ito ng basketball. At sinamantala naman niya iyon para bumili ng kakailanganin niya sa pagpipinta niya. "Kakauwi mo lang?" usisa niya.

"Yeah." sagot nito. Mataman siya nitong tinitigan. Bagay na nagdulot ng katakot-takot na kaba sa kanya.

"W-Why are you looking at me like that?" kinakabahang tanong niya. "M-may dumi ba ako sa mukha?" tila naku-conscious na tanong niya at namumula ang mukhang kinapa niya ang sariling pisngi.

A boyish smile curved on his lips. "Halika nga dito." Before she knew it he's already standing in front of her. Napigil niya ang paghinga. Especially now that he's only an inch away from her. Pakiramdam niya'y lalong lumala ang lahat ng nararamdaman niya nang abutin ng kaliwang kamay nito ang baba niya. Halos ay mabingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya sa ginawa nito. What is he planning to do? Bago pa man siya makapagtanong dito ay may pinunasan ito sa pisngi niya gamit ang sariling panyo nito. "You're like a mess. What's these paint stain all about? Hmm?" nagtataka ngunit nakangiting tanong nito.

"Huh?" naguguluhang tanong niya. May paint stain ang mukha niya? Pakiramdam niya'y gusto niyang lumubog sa kinatatayuan sa matinding pagkapahiya nang mga oras na iyon. Ano na lang ang itsura niya sa paningin nito? Ayaw na niyang isipin dahil sobrang nahihiya na siya dito. Hindi naman nakaligtas sa paningin nito ang pamumula ng mukha niya.

"You're blushing." nakangiti at nagpipigil ang tawang panunukso nito.

"Sige tawanan mo pa ako." inirapan niya ito.

Tinawanan lang siya nito. Napamaang siya nang marinig ang tawa nito. His laugh sounds like a melody to her. Halos ay napigil na niya ang paghinga nang mga oras na iyon at tulalang napatitig dito. Bakit ba kasi lahat na lang ng ginagawa ng lalaking ito ay ang gwapo at ang lakas ng dating sa kanya?

"Don't worry even you have a lot of stains in your face," sinadyang nitong bitinin ang mga sinasabi nito. "You're still cute and beautiful." before she knew it he kissed her on her right cheek then left her in a state of shock.

D*mn. That was fast. Ang bilis naman ng lokong iyon.

Halos ay natulala siya sa ginawa nito. Tila unti-unti siyang nanghina nang mga oras na iyon. Nanginginig ang mga tuhod na tinungo niya ang kama niya at nanghihinang napaupo doon. Wala sa sariling nasapo niya ang kanang pisngi. Bakit pakiramdam niya ay nandoon pa rin ang mga labi nito?

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon