YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis(A/N: Maga-update na naman po ako.. sorry po kung ngayon lng ulit ako magpopost.. Parang kabute lang.. pasulpot-sulpot ganern.. hihi.. mejo busy kc ang inyong lingkod.. Reminder, make sure na wala kayong hawak na bagay maliban sa cellphone niyo.. Baka maibato niyo sa matinding inis.. haha anyways, goodluck sa pagbabasa.. Enjoy reading.. yun ay kung magi-enjoy kayo.. hahaha :-D
-Lhanz :-*Chapter 34
Nang maiwan silang dalawa doon ni Kristof ay muling nagdagsaan ang halo-halong emosyon sa dibdib niya. She's nervous, afraid, sad and hurt.
"You're the girl at the mall right? Sa may jewelry shop?" tanong nito nang mamukhaan siya.
"Y-yeah," kinakabahang sagot niya. Pakiramdam niya anumsng sandali ay sasabog na ang puso niya sa matinding kaba.
"So how's your head? Does it hurt?"
Umiling siya. Kung ano man ang masakit sa kanya, ang puso niya iyon.
Napatango-tango ito. "Let's dance then."
Nang hapitin siya nito sa baywang ay napasinghap siya. Kumakabog ang dibdib at walang kakurap-kurap na napatitig siya dito. Nang mga oras na iyon ay nabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Habang nakatitig siya dito nang mga oras na iyon pakiramdam niya'y nanghihina siya kaya nanginginig at nanlalamig ang mga kamay na napahawak siya sa balikat nito.
Nang marinig niya ang bagong kantang tinutugtog ng paborito niyang banda, The Rising Blue Angels, ay mariin na lang niyang ipinikit ang mga mata at sumabay sa pagsayaw ni Kristof.
"Big lights, people
Rushing to grow up before you know
Stop signs, denied
Everyone tells me I gotta go slow.""They're good." narinig niyang sabi ni Kristof.
Nagtatakang iminulat niya ang mga mata at nakita niyang nakatingin ito sa bandang tumutugtog sa stage. Napangiti siya nang makita ang dalawang vocalist ng banda at ang ibang miyembro niyon. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa mid-twenties na ang mga ito.
"Yeah, they're one of the most popular bands in the country now." pagbibigay alam niya. Napatango ito.
"Seems like the male vocalist likes the female vocalist." puna nito na ikinatawa niya. Marahil ay napansin nito iyon dahil panay ang titigan ng dalawa. "What?" nagtatakang tanong nito.
"Actually, Kuya Prince and Ate Francez are madly and deeply in love with each other. They're already engaged actually." kwento niya.
Napatango-tango ito. "Seems like you know a lot about them."
Napangiti siya ng malungkot. "I'm a fan." Talagang wala na itong maalala tungkol sa kanya. Kahit mga paborito niya ay nabaon na din nito sa limot. Nakaramdam siya ng lungkot sa isiping iyon.
"What's the sad smile all about?" tanong nito.
Umiling siya at pilit na ngumiti dito. "It's nothing don't mind me."
Napatango na lang ito. At dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata nito ay napayuko na lang siya.
"And it's gonna hurt sometimes
No matter what you do
But nothing can change my mind."Pakiramdam niya'y lalong lumala ang lungkot na nararamdaman niya nang marinig ang lyrics ng kanta.
Why does love need to be that painful? Pero bakit kahit sobrang sakit na, nagagawa pa rin niyang magpatuloy at umasa? Kung ganon lang sana kasi kadaling sumuko. Kaso hindi eh, kasi sa pagbitaw niya, katumbas naman niyon ay sobrang hirap at sakit ang dadanasin niya. Hindi niya kayang mawala si Kristof sa kanya. Hindi niya kaya kahit pa sabihing mas madali na lang ang sumuko at bumitaw. Sometimes the easiest way is not that easy at all.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Teen FictionTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...