YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: LhanzChapter 42
Nang imulat niya ang mga mata ay unang bumungad sa paningin niya ang nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa ilaw sa puting kisame. Ikinurap-kurap niya ang mga mata. Nang ikalat niya ang tingin ay nagtaka siya nang makitang puro puti ang nakikita niya sa loob ng silid na iyon. Kung hindi siya nagkakamali ay nasa isang pribadong silid siya sa hospital. Bakit siya nandoon? Naguguluhang inalala niya ang mga nangyari at natigilan siya nang maalalang nawalan siya ng malay.
"Mabuti naman at gising ka na."
Napalingon siya sa pinto nang marinig na may pumasok doon. Bahagya siyang napangiti nang makita si Austin. Naglakad ito palapit sa kanya at umupo sa kamang kinahihigaan niya.
"Kumusta na ang pakiramdam mo?" matamlay at malungkot na tanong nito.
"I feel better."
"T-That's good to h-hear.." Nanginginig ang boses na sagot nito. Pumiyok pa ito nang sabihin iyon.
Natigilan siya. Kunot ang noong napatingin siya dito. Nakalarawan ang matinding pagtataka sa mukha niya. Ano bang nangyayari? Bakit ganoon? Bakit parang ang lungkot nito? Pinakatitigan niya ang binata. Trying to read what's on his mind. Nagtaka siya nang mapansing tila naiiyak at naluluha ito. Tiningnan niya ito ng tuwid sa mga mata. Nang mapansin nitong nakatitig siya dito ay iniiwas nito ang tingin at napayuko.
Dahan-dahan siyang bumangon.
"Is there something wrong Austin?"
"W-wala.." mahina at garalgal ang boses na sagot nito.
Napatango siya sa sinabi nito. "Can I go home now?"
"You can't Zean. I'm sorry."
Kumunot ang noo niya. "What? But why?" nagtatakang tanong niya. Hindi ito kumibo at nanatili lang na nakayuko. Ilang sandali pa'y nagtaka siya nang yumuyugyog na ang mga balikat niyo. "Austin what's wrong? Are you ok?"
Gusto niyang matawa sa sitwasyon nila. Kanina ito ang nagtatanong niyon sa kanya. Ngayon naman ay siya. Weird life.
Ilang sandali pa'y nakaramdam na siya ng pag-aalala nang marinig itong humihikbi.
"Austin, why are you crying? May problema ka ba?" nababahalang tanong niya.
Sukat sa sinabi niya ay kinabig siya nito at niyakap ng mahigpit. Natigilan siya at hindi nakakibo. Umiiyak na isinubsob nito ang mukha sa balikat niya.
"Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo.. Bakit ikaw pa?.. Bakit?.. Bakit?"
"A-Austin? Bakit umiiyak ka diyan?" tanong niya nang makahuma. "May problema ka ba? At bakit ganyan ang mga sinasabi mo?"
"The doctor.. He.. He talked to me.."
Kumunot ang noo niya. "Kinausap ka lang naman niya. Bakit ganyan ka kung makaiyak diyan?"
"Because he told me something about you that I can't accept."
Natigilan siya sa sinabi nito. Hindi niya maintindihan ngunit bigla siyang kinabahan na hindi niya mawari. May dapat ba siyang malaman? Tinitigan niya ito ng tuwid sa mata.
"Anong sinabi ng doctor sayo?" kumakabog ang dibdib na tanong niya.
"He told me that.." lumuluhang napabuntong hininga ito na tila ba nahihirapan ito at nag-iipon ng lakas ng loob.
"Tell me Austin! May dapat ba akong malaman?" Hindi ito kumibo at patuloy lang na lumuluhang nakatitig sa kanya. "Austin answer me! What did the doctor told you?" bulyaw niya. Halos ay maghysterical na siya sa matinding kaba nang mga oras na iyon. "Answer me!"
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Novela JuvenilTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...