Chapter 50

128 4 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
By: Lhanz Artemis

Chapter 50

Nang mahimasmasan siya sa pag-iyak sa bakuran ng mga Marquez ay napagpasyahan na lang niyang maglakad palabas doon. Mabibigat ang mga paa at naninikip ang dibdib na tinungo niya ang kotse niyang nasa labas.

Habang tinatahak niya ang daan palabas ay muli na namang bumalong ang mga luha niya at sunud-sunod na tumulo ang mga iyon sa kanyang mga mata.

Kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha ay ang pagbabalik ng mga alaala nilang dalawa. Ang mga pangakong nabaon na sa limot. Ang pagmamahalan nila na hindi na mabibigyan ng isa pang pagkakataon. Ang mga masasayang pangyayari sa buhay nila na mananatiling alaala na lang. Mga alaalang kahit kailan ay hindi na muli pang madudugtungan, dahil tuluyan nang nagwakas ang mga iyon.

Mas mabuti nga sigurong umalis na lang siya doon tutal ay wala naman na siyang puwang sa buhay ni Zean. Wala na siyang karapatan pang manatili doon. Dahil sa totoo lang ay lalo lang siyang nasasaktan kapag nagtagal pa siya sa lugar na iyon. Ayaw na niyang ipagpilitan ang sarili niya dito tutal ay may iba na ito at meron nang ibang nagmamay-ari dito. Masakit man sa kanya ang lahat ng nangyari ay dapat niyang tanggapin iyon. Siguro nga, hindi sila ang nakalaan at itinadhana para sa isa't-isa. At wala na siyang magagawa para kontrolin at kontrahin pa iyon.

Ilang sandali pa'y natagpuan na lang niya ang sariling umiinom sa isang bar. Pilit na nilulunod at nililibang ang sarili sa alak. Sakto namang tumawag sa kanya si Jyzer kaya agad naman niya itong tinawag papunta doon. He's not in the mood to talk over the phone right now.

"Hey Bro! Wazzup?"

Hindi niya pinansin si Jyzer nang sumulpot ito sa tabi niya.

"So, ano? Did you just called me here to watch you drown yourself with that liquor and just ignore me?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Are you kidding me?"

Sa ikalawang pagkakataon ay hindi pa rin niya ito pinansin.

"Hey dude, that's enough."

Tinabig niya ang kamay nito nang akmang aagawin nito mula sa kanya ang iniinom niyang alak.

"Hayaan mo na lang akong magpakalasing. And one more thing, why don't you just join me instead?"

Kumunot ang noo nito. Marahil ay nagtataka ito sa inaasta niya. Hindi naman kasi niya ugali ang uminom ng alak.

"Come on, join me."

"No thanks, baka patayin ako ni Tasha kapag nalaman niyang umiinom ako." Nakangiwing iling nito.

"She will never know about it, trust me," panunulsol niya.

Tatlong taon nang magkarelasyon ang dalawa. At some point, he can't help himself to get jealous with them and with their relationship. As time goes by, they're getting stronger and stronger, kahit pa na maloko ang kaibigan niya.

"Kahit na, malalaman niya pa din. Alam mo namang hindi ako marunong maglihim dun."

He rolled his eyes. "Feeling honest ka, to think babaero ka naman. Remember puro chicks ang lagi mong hinahanap sakin sa tuwing magkikita tayo."

"I was just kidding you know. Mahal na mahal ko kaya 'yon, lalo na at may balak na akong magpropose sa kanya."

Natigilan siya sa narinig. So, balak na palang mag-settle down ng dalawa. Lalo siyang nakaramdam ng inggit at pagkayamot sa nalaman. Magkakaroon na ng happy ending ang love story ng mga kaibigan niya. Samantalang siya ay heto naiwang mag-isa habang ang babaeng mahal niya ay nagkaroon na ng happy ending sa iba.

"Huwag mo akong painggitin! Bwisit!" naiinis na tinungga niya ang hawak na bote. "Damn! My life sucks and I hate it! Can I just die?"

Nagsalubong ang kilay nito. "Bakit ganyan ang mga sinasabi mo? What's the matter with you?"

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon