Chapter 2

409 14 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 2

Matapos niyang isilid ang mga mahahalagang gamit niya sa loob ng maleta ay isinara na niya iyon. Malungkot siyang napaupo sa gilid ng kama at pagkuwa'y ikinalat ang tingin sa loob ng kanyang malawak na silid. Labis na namamahay ang matinding kalungkutan sa kaibuturan ng puso niya. She won't deny the fact that she will miss her room so much.

Napabuntong-hininga siya at pabagsak niyang inilapat ang likod sa kanyang kama. Nakapikit ang mga matang idinipa niya ang mga braso. She will miss her bed, the smell of her room, the paint of her walls and everything.

Her parents is sending her somewhere in Pampanga. They want her to stay with their bestfriend. Hindi niya maintindihan ang mga magulang sa desisyon ng mga itong papuntahin siya doon. Ang sabi lang naman ng mga ito ay kailangan niyang pumunta doon dahil may aayusin daw ang mga itong mahahalagang bagay. Kung anuman iyon, iyon ang hindi niya alam. Ang ikinaiinis lang niya, hindi sasama ang mga ito sa kanya.

She really don't get her parents. Hindi niya maintindihan ang mga ito kung bakit kailangan pa siyang papuntahin doon. Maganda naman ang bahay nila sa Baguio at nandoon ang ilang negosyo ng parents niya, their restaurants, hotels and apartments. Kaya ngayon ay hindi niya mapigilang magtampo sa mga ito dahil sa desisyon ng mga ito.

Ilang beses niyang ipinagpilitan sa mga magulang na ayaw niyang pumunta doon ngunit sa huli ay wala din siyang nagawa. It's really hard to break their words when it comes with their decisions and plans.

"Zean."

She heard her mom's voice outside. Napatingin siya sa pinto nang sundan iyon ng mga marahan at sunud-sunod na katok. Alam na niya kung ano ang ipinunta nito doon kaya naman ay nakasimangot at nababagot na tinungo niya ang pinto upang pagbuksan ito.

"Are you ready sweetie?" nakangiting bungad nito. Hindi siya kumibo. Tila nabasa naman nito ang nararamdaman niya. Napabuntong-hininga ito. "Anak, we're doing this for your own good. Hindi ka naman papabayaan doon nina Tita Ayesa mo." inakbayan siya nito at hinalikan sa ibabaw ng ulo. She's refering to her bestfriend.

"Bakit kasi kailangan ko pang pumunta doon? I really don't understand you." himutok niya. "Papaano na lang ang pag-aaral ko?"

"Iyan ba ang pinoproblema mo?" nakangiting tanong nito. "Don't worry naprocess na ang papers mo para sa bagong school na lilipatan mo. Actually, pwede ka nang pumasok bukas."

She rolled her eyes. Hindi halatang pinaghandaan ng mga ito ang lahat. And she hate it.

"Come on," hinatak na siya nito palabas ng silid niya. "Lisa pakibaba na ang mga gamit niya." baling nito sa kasambahay nilang nasa hallway. Agad namang tumalima ang inutusan nito.

Nang maabutan nila ang dad niya sa malawak nilang sala ay hindi na naman niya mapigilan ang sariling magtampo.

"Dad why do you have to do this? Why are you sending me away?"

"Just do what we told you to do."

"Hindi ka namin pinapalayo." pagtatama ng mommy niya. "We really need to fix something here. Something you shouldn't be involve with. Don't worry we will get you back as long as we fix it."

"Ano ba kasi iyan? Bakit hindi niyo masabi-sabi sakin ang tungkol diyan?"

"It's complicated and we doesn't want you to get worried so just be contented of what we told you." anang dad niyang si Sebastian.

"Come on Zean, you need to go, baka gabihin pa kayo sa daan."

Bumagsak ang balikat niya. Mukhang hindi na talaga magbabago ang isip ng mga ito. Napabuntong hininga na lang siya. Naluluhang yumakap na lang siya sa dalawa. Sa totoo lang ay hindi niya mapigilan ang sariling mag-alala. It seems like they're hiding something from her. Is it about business? She don't know. Mukhang wala namang balak ang mga itong sabihin sa kanya ang tungkol doon dahil katulad nga ng sinabi ng mga ito ay ayaw ng mga itong madamay siya.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon