Chapter 43

147 3 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 43

(KRISTOF'S POV)

"Doc, how is she?" agad niyang sinalubong ang doctor na tumingin kay Zean nang lumabas ito galing sa emergency room.

Nang makita niyang mawalan ng malay si Zean dalawampung minuto na rin ang nakalilipas ay agad siyang tumakbo at dinala ito sa pinakamalapit na hospital. Alam niya, nawalan ito ng maraming dugo kaya ito nawalan ng malay.

Napabuntong-hininga ang doctor.

"Her wounds has stopped bleeding."

Napatango siya. Halos ay nakahinga siya ng maluwag at tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi nito.

"But I'm sorry to tell this, her condition is getting worst."

"Huh?" napamaang siya sa sinabi nito. "Her condition? What condition are you talking about? I.. I don't understand." naguguluhang sabi niya at napatitig sa lalaking doctor na kaharap.

"Wait, hindi ba ikaw yung kasama niyang lalaki last week?" nagtatakang tanong nito. Inayos nito ang suot na salamin at pinakatitigan siya. Kumunot ang noo niya. Ano bang pinagsasasabi nito? "Yeah right, that's not you." napatango-tango ito. "Come with me at my office. I have something important to discuss with you." Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito nang magsimula itong maglakad. "By the way, how are you related to my patient?"

"She's my.. ex-girlfriend.." halos ay bulong na lang ang pagkakasabi niya sa huling salitang binitiwan niya. Nang bitiwan niya ang salitang iyon ay tila ang bigat ng pakiramdam niya.

Natigilan ito at pagkatapos ay nananantiyang tinitigan siya nito.

"How about the other guy last week? How is he related to her?" usisa nito.

Sino ba ang tinutukoy nito? Si Austin? Siguro. Wala namang ibang kasamang lalaki si Zean maliban dito.

And one more thing, ibig bang sabihin niyon ay pumunta na sa hospital na iyon si Zean? Naguguluhang napatitig siya sa sa doctor.

"I don't know. But as far as I can still remember, he's courting her."

Napatango ito sa sagot niya.

"I thought he's her boyfriend."

He smirked at the thought.

"Have a sit Mr?" yaya nito. Noon niya napansing nasa loob na pala sila ng opisina nito.

"Lee, Kristofer Lawrence Lee, doctor," sagot niya at umupo matapos magpasalamat dito. "So, what are you trying to say a while ago? Pumunta siya dito sa hospital last week?" nagtatakang tanong niya dito. Tumango ito at pagkuwa'y napabuntong-hininga.

"She was brought here by that guy. Katulad ng nangyari kanina, she fainted and collapsed." simula nito. "We made some tests on her and based from the results of those tests, we found out that she's been diagnosed with stage 2 leukemia."

Parang bombang sumabog iyon sa pandinig niya. Pakiramdam niya'y tumigil na sa pagtibok ang puso niya.

Stage 2? Leukemia? She's sick? How could that possibly happen? Kailan pa? Kailan pa ito nagkaroon ng ganoong sakit?

Tila ayaw pumasok sa isip niya ang mga sinabi nito. It's something that unacceptable and unbelievable. He doesn't want to believe what the doctor is saying.

"And the problem here is that she doesn't want to undergo medication. I'm afraid, baka sa paglipas ng panahon, mas lalong lumala ang sakit niya."

"B-aka.. Nagkakamali po kayo ng interpretation. Baka.. Baka hindi po sa kanya yung result na nakita niyo." napailing iling siya. Trying to remove from his system what he just told him a while ago.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon