YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz(A/N: Gusto ko nang ifastforward itong story para dun na tayo sa magandang part (college life) kaso hihihi.. hindi pa pwede.. Marami pa kasing dapat mangyari.. Kaya tiis-tiis na lang muna tayo.. hahaha :-p enjoyin na lang muna natin pagiging bata nila hahaha :-D
Chapter 13
Habang nagsusulat siya nang mga oras na iyon ay hindi niya maiwasang mapangiti. Tumigil siya sa pagsusulat at pasimpleng sinulyapan si Kristof na nakayuko at nagsusulat sa isang sticky note na kulay yellow green at hugis puso. She really can't help but smile especially remembering the happy moments and memories they have shared together.
Nilibot nila ang buong mall, nagfoodtrip sila, naglaro sa Quantum at pumunta din sila sa amusement part. And she won't deny the fact that she really enjoyed his company and presence. Ang cute at ang saya kasi nitong kasama. Dahil sa pagsasama nilang iyon ay unti-unti niyang nakita ang totoong ito.
Kanina nga ay nagulat siya nang tawagin nito ang mga batang namamalimos sa gilid ng daan. Binilhan nito ang mga iyon ng pagkain at binigyan din ng pera. Hindi niya lubos akalain na kaya nitong gawin iyon sa iba. Pakiramdam niya'y parang gusto na niyang maniwala sa sinasabi ng ibang tao tungkol dito. Na mabait ito at maawain sa ibang tao.
Isa lang ang narealize niya, he is a kind hearted person. Maliban doon ay mapagbigay din ito at hindi madamot. At hindi naman niya maikakailang nagustuhan niya ang ugali nitong iyon. Isa lang ang sigurado niya, iilan na lang ang lalaking kagaya nito at masaya siyang nakilala niya ang isa sa mga lalaking iyon.
Gwapo ito, matalino, talented at mabait. Halos nandito na yata lahat ng ugaling gusto ng isang babae. Sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa isang Kristofer Lawrence Lee?
Napangiti na lang siya at lumipat ang tingin niya sa sinusulat nito habang sumisimsim ng drink niya sa straw.
"Hey, huwag kang gumawa ng nobela." pang-aasar niya dito nang makitang ang haba na ng ginawa nitong sulat.
"Hey! No cheating!" angal nito at tinakpan ang papel na sinusulatan nito.
"Asa! I never cheat!" sagot niya at pinaikot ang mga mata. Naiiling na itinuloy na lang niya ang pagsusulat.
Napagod kasi sila sa pamamasyal at kakalakad kanina kaya naman ay napagpasyahan nilang pumasok sa Moonleaf upang mag-snack at magpahinga. Kung hindi siya nagkakamali ay bagong branch iyon at kakaopen lang kaninang umaga.
Kaya naman heto sila ngayon, nagsusulat ng notes para idikit sa wall ng nasabing tindahan.
Ilang sandali pa'y natapos na sila sa pagsusulat kaya naman ay nakangiting lumapit sila sa wall.
"Ready?" malawak ang ngiting tanong nito.
"Ready." nakangiting sagot niya. They came up with a decision a while ago na sabay nilang ididikit at babasahin ang sinulat ng isa't isa. Ngunit nang maalala niya ang laman ng sulat niya ay biglang nagbago ang isip niya. "Wait, pwedeng ako na lang ang unang magbabasa tapos ikaw ang mahuhuli?" hiling niya.
"Bakit? Eh di ba nag-usap na tayo kanina?" salubong ang kilay na tanong nito.
"Sige na please?" nakangiting pakiusap niya. Gusto lang kasi niyang makita ang magiging reaction nito sa sinulat niya.
Napabuga ito tanda ng pagsuko. "Fine. Ok ako na ang unang magdidikit ng sakin." anito at nang tanguan niya ay idinikit na nito ang papel na hawak nito. "You can read it now." tila kinakabahang tumabi ito upang bigyan siya ng daan.
"My pleasure." nakangiting sagot niya at lumapit sa wall upang basahin iyon. Habang binabasa niya iyon ay hindi mapakaling nakatingin lang sa kanya ang lalaki. Tila inaalam nito ang magiging reaction niya.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Teen FictionTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...