YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz ArtemisChapter 61
"A PENNY for your thoughts?"
Napalingon siya sa kanyang likuran. Napangiti siya nang makita si Kristof na nakapamulsang nakatayo sa kanyang likuran. Apat na hakbang ang pagitan nito sa kanya.
"Hey.. Nandiyan ka pala.."
Lumapit ito at umupo sa tabi niya. Nang mga oras na iyon ay nakatambay siya sa gilid ng swimming pool at nag-iisip.
"Hatinggabi na. Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong nito.
"I can't sleep. How about you? Hatinggabi na ah, bakit nangangapit-bahay ka pa?" Tinaasan niya ito ng kilay.
Bahagya itong natawa sa tanong niya. Niyakap siya nito mula sa likuran at idinantay ang mukha sa balikat niya. Nakaramdam siya ng kapayaan at katahimikan dahil sa ginawa nito.
"Namimiss kasi kita."
"Sus." Napangiti siya ng bahagya sa narinig. Nakaramdam siya ng kilig sa sinabi nito. And there's no need to hide it. On the first place, she missed him too.
"And one more thing, nakita kitang nakatambay dito. I don't want to make you feel alone so I decided to come here."
Tila may humaplos sa puso niya sa sinabi nito. She was touched with his words.
"Kanina mo pa ba ako pinapanuod?"
"Hmm.. Medyo.."
"Stalker.." natatawang sabi niya na ikinatawa nito.
"Sort of.. So, tell me what's bothering you."
Napabuntong-hininga siya. "A lot of things."
"Are you worried because of Austin's threat?"
Muli siyang napabuntong-hininga nang maalala iyon. Sa totoo lang ay doon talaga siya labis na naaalala. Natatakot siya sa maaari nitong gawin sa pamilya niya.
"I'm scared of what he's capable of." Muli ay nakaramdam na naman siya ng takot.
"Zean.. I promise you.. Hangga't nasa tabi mo ako, he can never harm anyone. I will never let him do that. Huwag mo na muna siyang problemahin. On the first place, you're not alone in this battle because I'm always with you. I will always be here for you. I will never leave you alone. You should keep that in mind."
Pakiramdam niya'y gumaan ang pakiramdam niya at nawala ang lahat ng pasanin niya sa mundo dahil sa sinabi nito.
"Thank you.. dahil sa kabila ng lahat nandito ka pa rin sa tabi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka."
Hinalikan siya nito sa ibabaw ng ulo niya.
"I love you Zean.."
"I love you too Kristof."
_ _ _ _ _ _ _
"ATE ZEAN!"
Mabilis niyang tinungo ang pinto ng kanyang kwarto nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Melissa. "What's the matter?" nagtatakang tanong niya nang mabungaran niya ito sa labas ng silid niya.
"Ate si Gray.. Ayaw pumasok sa school."
Kumunot ang noo niya. "Why?" nagtatakang tanong niya.
"Hindi ko alam ate. Noong pinuntahan ko siya sa silid niya, umiiyak siya sa sulok at ayaw niya akong kausapin."
"What? Bakit anong nangyari?" mabilis niyang tinungo ang silid ni Gray.
"Hindi ko alam ate." Sumunod ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Teen FictionTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...