YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: LhanzChapter 44
"Anak?"
Nagtalukbong siya ng kumot nang marinig ang boses ng Mama niya sa tapat ng pinto ng silid niya. He doesn't want his mother to see how wasted he is right now. Gulu-gulo ang buhok, namumugto at namumula ang mga mata dahil sa walang humpay niyang pag-iyak.
Kagabi pa siya umuwi sa bahay nila sa Pampanga. Doon kasi siya dumiretso pagkaalis niya sa hospital. At mula pagkarating niya sa bahay nila ay hindi pa siya lumalabas ng silid niya upang kumain man lang.
Sa buong magdamag at sa buong araw na iyon ay wala siyang ibang ginawa kundi ang umiyak at magmukmok dahil sa lungkot at matinding sama ng loob na nararamdaman sa mga nangyayari sa buhay niya at sa kanila ni Zean.
Nang maalala niya ang kalagayan ni Zean ay muli na naman niyang naramdaman ang kirot sa dibdib niya at muli na namang bumalong ang luha sa mga mata niya. Hindi na niya napigilan ang sarili. Lumuluhang isinubsob niya ang mukha sa unan na naging karamay niya sa buong araw at gabi.
God knows how much painful it is for him to accept everything. That pain is killing him these past few days. Aaminin niya, nasasaktan siya, sobra. Oo, alam niya, tanga siya at gago dahil sinaktan niya si Zean. Kung iniisip ng lahat ng tao na hindi siya nasaktan sa ginawa niyang desisyon, nagkakamali ang mga ito. He have his own reason. And damn that f*cking reason for ruining his life. Because of that reason, he let himself commit the biggest mistake of his life.
Oo nasasaktan siya kahit wala pa siyang naaalala tungkol sa kanila ni Zean. And no one knows that except him. At habang naaalala niya ang sakit ni Zean ay mas lalo lang iyon lumalala. Kung pwede lang sana kasi niyang ibalik ang panahon ginawa na niya. Pero wala na. Nangyari na ang lahat. Magsisi man siya ngayon ay huli na. Sobrang huli na.
Gusto sana niyang manatili sa hospital upang bantayan si Zean kagabi ngunit itinaboy at pinaalis lang siya nito. Wala siyang nagawa kundi ang lumabas at manatili sa labas ng silid nito habang tahimik na lumuluha. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nandoon, naghihintay na baka magbago ang isip nito at papasukin siya ulit. Umaasa siya na hindi siya nito matitiis ngunit tila siya binuhusan ng malamig na tubig at tila itinulos siyang kandila nang makitang nagmamadali at humahangos na dumating si Austin. Pumasok ang pinsan niya sa loob ng pinto ng silid ni Zean nang hindi man lang siya napapansin.
You heard it right. Yes. Pinsan niya si AJ, na mas kilala sa pangalang Austin ng nakararami.
He is the reason why he gave up and hurted Zean despite the feelings he have for her. Nang gabing binasted ito ni Zean ay lasing na lasing na nagtungo sa condo unit niya si Austin. He pleaded to him. Asking him to stay away from Zean. Ngunit hindi siya pumayag. Because he knew, deep inside his heart, he can't let her go. Dahil may puwang na ang dalaga sa puso niya kahit hindi pa niya ito naaalala. Noong mga panahon kasi na iyon ay tinatantiya niya ang nararamdaman niya dito at kay Sam. At sa aminin man niya o hindi, mas matimbang ang nararamdaman niya kay Zean.
Ngunit nang sabihin ni AJ na magpapakamatay ito kapag hindi niya ginawa at sinunod ang kahilingan nito ay nakaramdam siya ng takot. Knowing AJ. He's a suicidal freak.
And because of that, he was left with no choice but to do and grant AJ's wish. Kahit labag sa kalooban niya, he hurted Zean. Sinaktan niya si Zean at nagsinungaling siya dito para lang bumitaw ito sa kanya. God knows how much he wanted to embrace and comfort her when she cried in front of him. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit at gusto niyang bawiin ang mga sinabi niya ngunit hindi niya magawa dahil nasa isang tabi lang si Austin, pinapakinggan at pinapanuod sila. Gusto niyang bugbugin ang sarili pagkatapos nun. He felt bad. He felt irresponsible. He never wanted to hurt her but he was left with no choice.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Teen FictionTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...