YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz ArtemisChapter 49
Nasa daan pa lang si Kristof ay hindi na siya mapakali. Hindi niya maintindihan ang kanyang mga nararamdaman nang mga oras na iyon. Nanginginig siya sa matinding excitement at kaba, naiiyak siya sa matinding saya at nahihirapan siyang magfocus sa pagdadrive. Kung kaya nga lang niyang magteleport ay baka ginawa na niya makarating lang agad sa bahay ng mga Marquez, at makita lang ulit niya agad si Zean.
Ito na ang pagkakataon niya para makasama ulit ito at sana lang ay ito na ang tamang panahon para sa kanila. Para dugtungan ang naudlot nilang istorya. At sana lang, hindi pa huli ang lahat sa kanilang dalawa.
Nang maiparada niya ang sasakyan sa tapat ng bahay ng mga ito ay kumakabog ang dibdib, nanginginig ang mga tuhod, nanlalamig ang mga kamay at tila nahihirapan sa paghingang pumasok siya sa loob.
Maaaring hindi niya kontrolado ang mga mangyayari at ang mga nangyari pero bahala na. Hindi niya alam kung ano ang mga nangyari dito. Kung ayos ba ito. Kung kumusta ang buhay nito sa mga nakalipas na taon. O kung may babalikan pa ba siya. Sana.. Sana meron pa siyang puwang sa buhay nito. Sana ay gabayan siya ng Diyos sa anumang balitang bubungad sa kanya. Maganda man o hindi.
Kakapasok pa lang niya sa gate ay natanaw niya ang isang bulto ng babaeng may kausap sa cellphone. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nito nakita. Base pa lang sa tindig, pangangatawan, galaw at height nito ay kilala niya kung sino iyon. Kilalang-kilala niya. His heart knew who it was.
Dala ng matinding saya, pagmamahal, pagkamiss at pananabik niya dito ay malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang kinaroroonan nito. Habang palapit siya dito nang mga oras na iyon ay mas lalong nagiging malinaw at mas lalo niyang nakikilala ang presensiya nito.
Yes.. She's totally back..
Hindi na niya napigilan ang samu't-saring emosyong nararamdaman nang mga oras na iyon. Tahimik na lumuluhang pinakatitigan niya ito. God.. He missed this woman so much.
Matapos itong makipag-usap sa kausap nito sa cellphone ay humarap ito. Natigilan si Zean nang makita siyang nakatayo sa likuran nito. Tila nagulat ito nang makita siya dahil ni hindi man lang ito nakaimik. Mukhang hindi nito ini-expect na pupuntahan niya ito.
Hindi na niya napigilan ang sarili. Lumuluha at nanginginig ang katawan na kinabig niya ito. Niyakap niya ito ng mahigpit.
"Thank God.. You're back Zean.. You're back.." umiiyak at paulit-ulit na usal niya habang yakap-yakap ito nang mga oras na iyon.
"Yeah.. I'm back.. Kristof.."
Lumuluha sa matinding sayang binitiwan niya ito. Sinapo niya ang maliit nitong mukha at buong pagsuyong pinakatitigan niya ito.
Ngayong bumalik na ito, at ngayong kaharap na niya ito, pakiramdam niya'y muli na naman siyang nabuo. Maaaring nabuhay siya sa loob ng anim na taon nang wala ito. Pero sa loob ng anim na taon na iyon ay para lang siyang patay. He felt empty without her. Ngunit ngayong bumalik na ito, he felt his emptiness and his wounds have been healed, fixed and filled.
"Ang tagal kong naghintay sayo. Bakit ngayon ka lang bumalik?" lumuluhang tanong niya. "Halos masiraan na ako ng ulo nang umalis ka. Kung saan-saan kita hinanap. But I can't find you.. I was very worried with you. Sabi nila sakin noon, sumuko na daw ako dahil hindi ka na babalik. But I didn't because deep inside my heart, I know you'll come back home. And I was right."
"I'm so sorry if I made you worried."
Bahagya siyang napangiti sa sinabi nito.
"It's ok.. Ang mahalaga, bumalik ka na. Zean.." ginagap niya ang mga kamay nito at hinawakan iyon ng mahigpit. "Alam kong marami akong pagkukulang at pagkakamali noon. I'm so sorry kung nasaktan kita ng ilang ulit. Patawarin mo ako sa mga nagawa ko.. Patawarin mo ako.. Maaaring hindi ko deserve ang kapatawaran mo pero sana bigyan mo ulit ako ng isa pang pagkakataon na maitama lahat ng pagkakamali ko. Please Zean.. Please come back to me.." nagsusumamong pakiusap niya.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Teen FictionTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...