YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: LhanzChapter 11
"Oh hija saan ka pupunta?"
Natigil siya sa balak na paglabas sa pinto nang marinig ang tanong na iyon ni Tita Ayesa.
Balak niya kasing mamasyal ngayon tutal ay naboboring naman siya doon. Wala kasi siyang makausap at magawa lalo na at sabado ngayon, walang pasok. Busy naman ang Tita at Tito niya. At si Kristof, lumabas at umalis kanina pa. Kaya magsosolo flight na lang siya sa pamamasyal.
"Mamamasyal lang Tita." sagot niya at nginitian ito.
"Ng mag-isa? Di mo pa kabisado ang lugar namin hija baka mawala ka." tila nag-aalalang sabi nito. "Why don't you try to call Kristof to acompany you?"
"Naku wag na Tita. Maaabala ko lang siya." nakangiwing sagot niya. "Don't worry Tita I can handle this. I have my phone with me. Maggogoogle map na lang po ako."
"Pero paano kung may mangyari sayo?" she's still worried. Bagay na ikinangiti niya.
"Don't worry, I can take care of myself Tita." she gave her an assuring smile.
Napabuga ito at walang nagawa kundi ang hayaan siyang mamasyal nang mag-isa.
"Bueno, mag-ingat ka hija. Just call me kung may problema ha?"
"Yes Tita, bye po." paalam niya at hinalikan muna ito sa pisngi bago niya ito tinalikuran. Nakatalikod na siya noon kaya hindi na niya nakita ang nawiwiling ngiti sa mga labi ng ginang. Na tila ba nasisiyahan ito sa kanya.
Nagsimula na siyang maglakad palabas ng bahay at tinalunton ang malawak na kalsada ng subdivision. Habang naglalakad siya nang mga oras na iyon ay nawiwiling napalinga-linga siya sa mga nadadaanang malalaking bahay.
Base sa mga nakikita niya ay hindi niya maikakailang mukhang mayayaman ang mga nakatira sa subdivision na iyon.
"Miss takbo!"
Ilang sandali pa'y napahinto siya sa paghakbang nang marinig ang malakas na sigaw na iyon sa harapan. Nagtatakang napatingin siya doon at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang isang malaking aso na tumatakbo papunta sa direksiyon niya. Mukhang nakawala yata ito. Nakaramdam siya ng takot nang mga oras na iyon. Dahil sa matinding pagkataranta niya ay hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. She wanted to run away but she can't move her feet and body. Gusto rin niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa. Para siyang naparalisado nang mga oras na iyon. Dahil sa bilis ng mga pangyayari ay mariin niyang ipinikit ang mga mata at itinakip ang mga braso sa mukha. Halos ay tumigil na sa pagtibok ang puso niya nang mga oras na iyon dahil sa matinding nerbiyos at takot. Habang hinihintay amg susunod na mangyayari ay abot-abot ang dalangin niya.
Ilang sandali pa'y narinig niya ang pag-iyak at pag-ungol ng hayop. Maliban doon ay wala naman siyang maramdaman kaya dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Halos ay tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag nang makitang tumakbo pabalik ang malaking aso papunta sa amo nitong lalaki.
"Muntik na ako doon ah." Napabuga siya at agad na pinunasan ang pawis na namuo sa noo niya.
Ilang sandali pa'y naramdaman niyang may dumapo sa paa niya kaya nagtatakang napatingin siya sa paanan. Kumunot ang noo niya nang makita ang isang bola doon. At saan naman nanggaling iyon? Ano ba talagang nangyari?
"Are you okay?"
Biglang kumabog ang dibdib niya nang marinig ang tinig na iyon sa likuran niya. Dahan-dahan siyang lumingon sa likod at hindi nga siya nagkamali nang makita si Kristof na nakasuot ng jersey at basang-basa ng pawis. Lumapit ito sa kanya at pinulot ang bola sa paaanan niya. Nagtatakang napatitig siya dito at pilit na pinagtagpi-tagpi ang mga nangyari. Imposible kayang..
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Teen FictionTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...