Chapter 37

257 6 1
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz

Chapter 37

Nang mga oras na iyon ay nasa art room siya ng university. Mag-isa lang siya doon dahil breaktime at vacant niya. Kadalasan kasi, kapag wala siyang klase ay doon siya naglalagi. That place used to be her sanctuary in the university. She spend most of her time painting some arts. And because of her compassion and dedication, her artworks made her very well-known in and out of the university. She's one of the most top artist sa university kaya karamihan ng mga ipinipinta niya ay naisasali sa iba't ibang competitions at exhibits.

Pinakatitigan niya ang ginagawa niyang art. Isang babae iyon. A girl full of sorrow, pain and sadness. Kung titingnan ito ng mga viewers, it is only a shadow of a dancing balerina. And only true artist can see the real message behind that painting. That painting shows what she really feel in her life. Her pains and the sadness caused by her broken and fading love. This past few months, wala siyang ibang ipininta kundi mga artwork at larawang punung-puno ng kalungkutan. Ganon kasi siya, painting used to be her outlet.

Staring at her painting made her feel sad again. Napabuntong-hininga siya at pilit iwinaglit sa isip ang lungkot na nararamdaman. She wanted to get over it. Kahit ngayon lang. Sana..

Pinilit niya ang sariling ngumiti at itinuloy niya ang pagpipinta. Makalipas ang ilang sandali ay narinig niya ang pagtunog ng cellphone niya sa bulsa kaya agad niyang sinagot iyon.

"Hello?"

"Hey, hindi ka ba maglalunch ngayon?" si Tasha. For sure ay kasama nito ang dalawa pa nilang kaibigan dahil naririnig niya ang tawanan ng mga ito sa kabilang linya.

"I'm not hungry. Sige na mauna na kayong kumain."

"Don't tell me nagpipaint ka na naman diyan sa art room? Mas inuuna mo pa iyan kaysa sa kalusugan mo. Gusto mo bang magkasakit?" panenermon nito.

"Hindi pa ako gutom."

"Lagi ka namang hindi gutom. Seriously? You always skipped your meals. Do you want to die?"

"Malabo pa iyan ate kaya relax ok?" natatawang sagot niya. "Kakain din ako mamaya. Don't worry.. Tatapusin ko lang ito, promise." she swore as she continue on painting the canvas.

"Siguraduhin mo lang. Ang payat-payat mo na kaya."

Lihim siyang natawa sa sinabi nito. Hindi man niya ito nakikita ay alam niyang nakanguso na naman ito.

"Oh sige na, kumain na kayo diyan. I'll eat later."

"Ok sige. Nga pala, may nagha-"

"Bye!" pagkasabi niya niyon ay pinatay na niya ang tawag. Hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita dahil sigurado siyang hahaba lang ang usapan nila. Busy pa man din siya. Gusto lang kasi niyang itutok ang atensiyon sa pagpipinta at hangga't maaari ay ayaw niyang magpaistorbo sa kahit na sino. Nagkibit-balikat na lang siya. Itinuloy na niya ang ginagawa at hindi pinansin ang balak sana nitong sabihin sa kanya. She hummed as she strike the brush in the canvas. Labis siyang nagienjoy sa ginagawa kaya habang umaawit siya ay napapaindak pa siya.

"Nice painting."

"Ay palaka!" dahil sa matinding gulat ay napatalon siya at biglang napaharap sa kanyang likuran kung saan nanggaling ang baritonong boses na narinig. Sa bilis ng mga pangyayari at dahil na rin sa mismong likod niya nakatayo ang lalaki ay dumikit sa damit nito ang mga paints na hawak niya. Natatarantang agad niyang inilayo iyon dito. "Oh my gosh! I'm so sorry!" natatarantang paumanhin niya. Mabilis niyang dinukot ang panyo sa bulsa at pinunasan ang mga paint na dumikit sa damit nito.

"It's ok."

Napatigil siya nang marinig ang boses na iyon. Tila biglang sumikdo ang dibdib niya. That voice.. She knew that voice very well. Kahit siguro nakapikit ang mga mata niya ay kilalang-kilala niya ito. Pero papaano nitong nalaman na nandoon siya? Could he be real? Or it is just part of her illusion?

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon