Chapter 33

154 6 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

(A/N: Hi!!!.. hihihi :-D namiss niyo ba ako?.. chos.. namiss ko magupdate kaya magaupdate na muna ako.. hihi namiss ko din kc magbasa ng mga comments niyo.. hihi muah! see u in the next chapter.. ;-)
-Lhanz <3

Chapter 33

"Hello mom?" bati niya sa ina nang tawagan siya nito.

"Where are you? The party is going to start now."

Napakagat-labi siya sa narinig at pagkuwa'y binilisan ang pagdadrive. "I'm on my way mom." sagot niya. Galing kasi siya sa pictorial niya sa Tagaytay kaya heto siya ngayon late na siya sa welcome home party ni Kristof. Ang mga kaibigan naman niya ay nauna na sa party. Anyway, ang mahalaga naman ay makakaattend siya at makausap niya si Tita Ayesa. Hindi niya alam kung ano ang mahalagang sasabihin nito but she's worried actually. Sa totoo lang ay kinakabahan siya na hindi niya maintindihan. "Malapit na ako Ma, don't worry."

"Ok, mag-ingat ka anak. I love you."

"I love you too mom."

Nang wala na ito sa kabilang linya ay itinutok na niya ang mga mata sa daan. Makalipas ang kalahating oras ay nakarating din siya sa tapat ng bahay nina Kristof. Sa hinuha niya ay maraming bisita dahil ang daming sasakyan na nakapark sa magkabilang kalsada. Mula sa labas ay dinig niya ang ingay na nanggagaling sa loob at kitang-kita niyang maliwanag ang buong kabahayan. The party must be an elegant one. She don't doubt about that.

Huminga muna siya ng malalim bago siya bumaba ng sasakyan. Habang naglalakad siya papasok ng bakuran ng mansion nang mga oras na iyon, pakiramdam niya'y mabibingi na siya sa lakas ng tibok ng puso niya.

Pagkapasok niya doon ay tumambad sa kanya ang napakagandang pagkakaayos ng paligid. Maliban doon ay kitang-kita niya ang mga maraming bisita na nakatingin sa isang direksiyon kaya napatingin din siya doon. Ganon na lang ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang makita sa maliit na entablado si Kristof na nakangiting nagsasalita. Napangiti siya nang makita kung gaano ito kagwapo sa suot nitong amerikana. Sa hinuha niya ay mas lalo itong gumwapo at tumangkad ngayon. Malaki na ang ipinagbago nito. He's really a man now.

"Thank you for your warm welcome. I'm so happy because your presence in this party made me feel that I'm welcomed. Yes, at last, I'm finally home. By the way, I want you to meet Samantha Sofia Perez."

Nawala ang mga ngiti sa labi niya nang tawagin nito ang isang babae sa entablado. Sumikip ang dibdib niya nang makita ang babaeng kasama nito sa mall ang tinutukoy nito. So, ipapakilala talaga nito ang babaeng iyon sa lahat ng taong naroon?

"My fiancee."

Pakiramdam niya'y gumuho na ang mundo niya at napigil niya ang paghinga sa sinabi ni Kristof. Finacee? He's planning to marry that girl? Hearing those words from him felt like whe was being stabbed by him. Papaano naman ang ipinangako nito sa kanya noon? Na papakasalan siya nito? Bakit lahat ng pangako nito ay kinalimutan at itinapon nito?

Ilang sandali pa'y naramdaman niyang may humatak sa kanya. Dala na rin ng panghihina ay nagpatianod na lang siya sa kung sino man iyon. Habang naglalakad siya papasok sa bahay nang mga oras na iyon lumuluha siya. Bawat paghakbang na ginagawa niya, katumbas niyon ay ang mga patak ng luha niya.

Ilang sandali pa'y pumasok sila sa isang silid.

"Hija."

Nang ikalat niya ang tingin ay lalo lang siyang napaiyak nang makita ang parents niya at ang parents ni Kristof doon. Tila nakahanap siya ng kakampi sa katauhan ng apat. Umiiyak na yumakap siya sa ina at kay Tita Ayesa.

"He's getting married with other girl. He doesn't love me anymore." umiiyak na sumbong niya.

"That's not true Zean."

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon