YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz ArtemisChapter 60
"WHERE have you been? I've been calling you for two days but you're not answering my calls and worst you even turned off your phone! Darn it!"
Napalunok siya sa matinding kaba nang marinig ang galit na galit na boses ni Austin nang sagutin niya ang tawag nito. Dinig na dinig din niya ang pagkabasag ng ilang bagay sa kabilang linya. Napigil niya ang paghinga dahil sa matinding takot. Hindi man niya ito nakikita nang mga oras na iyon ay alam niyang nagwawala ito sa matinding galit. And the idea scares the hell out of her.
"What now Zean! You owe me an answer to my f*ck*ng question!"
"I-I'm.. I'm s-so sorry," nanginginig at nanlalamig ang mga kamay na sagot niya. "Nag-out of town kami ng parents ko. Request kasi ni dad na doon siya magsi-celebrate ng birthday niya. And I forgot my phone dito sa bahay." Mariin niyang ipinikit ang mga mata sa kasinungalingan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. But something is telling her that it's better for her to lie. God knows she wanted to tell him na nagkabalikan na sila ni Kristof. That she wanted to break up with him. But she was afraid. Lalo na kapag naaalala niya ang ginawa nito kay Kristof noon. He already did it once. At nakakasiguro siyang posibleng gawin pa ulit nito iyon sa oras na hiwalayan niya ito. At doon na siya natatakot ng sobra. Hindi na niya alam kung papaano pa siya makakawala dito.
"Sana tinawagan mo man lang ako!" mukhang hindi pa rin humuhupa ang galit nito.
"I'm sorry.. Sobrang busy na kami noong nandoon na kami," muli ay pagsisinungaling niya.
"So, your parents are already there? I want to meet them now."
Halos ay napigil niya ang paghinga sa narinig. No, it can't be! Her parents dislike him so much. Knowing them sigurado siyang paprangkahin lang ito ng parents niya.
Mabilis siyang nag-isip ng maidadahilan dito.
"Austin.. Ano kasi.."
"What alibi are you going to tell me this time?"
Napigil niya ang paghinga sa sinabi nito. Mukhang nakakahalata na yata itong ayaw niyang ipakilala ito sa parents niya.
"I'm not that stupid Zean if that's what you think." Pinanlamigan siya ng katawan sa narinig. "Is there something you're not telling me?"
Naghihinala na nga yata ito. No, it can't be! Hindi pa siya handa ngayon. Hindi pa siya handang harapin ang mga maaari nitong gawin sa kanya at sa pamilya niya.
"I'll try to schedule your meeting with my parents."
"I want it today. Right now."
Tinakasan ng kulay ang mukha niya.
"O-Okay.. I'll tell it to my parents. I'll just send you our home address later, bye." Hindi na niya hinintay pang makasagot ito. She ended the call immediately. Nang wala na ito sa kabilang linya ay nanghihinang napaupo siya sa kama niya. Pakiramdam niya'y nauubusan siya ng lakas sa mga nangyayari. Everything is out of her control now. Napangiti siya ng mapakla. Kailan nga ba niya nacontrol ang mga nangyari sa buhay niya? She never did because truth is, she was been controlled by Austin for how many years. At halos ay hindi man lang niya napansin iyon. She used to be fooled by him before but she will never let that happen ever again.
Pero magagawa nga ba talaga niya iyon? Hindi niya alam. Hindi niya masisiguro lalo na at nalaman niya kung gaano ito katuso. He can be the evil anyone can be scared of.
Naguluguluhang napasabunot siya sa buhok. Naguguluhan na siya. Hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapaluha na lang dahil sa matinding problema.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Fiksi RemajaTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...