Chapter 9

234 10 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz (I'm a girl..haha)

Chapter 9

"So ano na? Papatawarin mo na ba si Kristof?" pangungulit sa kanya ng tatlo.

"Oo na. Papatawarin ko na siya." pakli niya upang tigilan na siya ng mga ito. Kasi sa totoo lang, hindi na niya mabilang kung ilang beses nang tinanong iyon sa kanya ng mga ito. Para lang silang sirang plaka. Paulit-ulit na lang. At naririndi na siyang pakinggan iyon ulit.

"Very good!" tuwang-tuwang pumalakpak pa ang mga ito.

Napabuntong hininga na lang siya at pinaikot ang mga mata. Nakakahalata na siya. Parang gustong-gusto ng mga ito si Kristof. Gayunpaman ay ipinagkibit-balikat na lang niya ang isiping iyon.

Papasok na sila sa classroom nila nang bigla na lang may humarang sa kanya. Kumunot ang noo niya nang makita si Audrey at ang mga kaibigan nitong puro kolorete ang mukha. Tumaas ang kilay niya nang pamaywangan siya ni Audrey.

"Hoy malanding babae! Mag-usap nga tayo!" simula nito at naniningkit ang mga matang pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"What do you want?" lukot ang mukhang tanong niya at hindi nagpatinag dito. Sa totoo lang, kapag nakikita niya ito ay kumukulo ang dugo niya.

"Stay away from my boyfriend."

Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. At ano naman ang pinapalabas nito ngayon? Na inaagaw niya ang boyfriend nito? D*rn! Naghahanap ba talaga ng away ang babaeng ito?

"Hindi porke maganda ka, kung sino-sino na lang ang nilalandi mo. Pati boyfriend ko, idadamay mo pa diyan sa kalandian mo!" dagdag nito.

Naningkit ang mga mata niya sa mga sinabi nito.

"Hoy! Sumusobra ka na ha!" naiinis na singit ni Lea dito.

"I'm not talking to you so back off!" anggil ni Audrey dito.

"Baka nakakalimutan mo, ikaw ang pinakamalandi sa paaralang ito." sabad naman ni Aiza.

"Oo nga, baka nakakalimutan mo, nilandi mo si Mike." sabi naman ni Cheska. Marahil ang tinutukoy nito ay ang ex nito.

Tila handang lumusob sa giyera ang tatlo maipagtanggol lang siya. And she's happy to have a friend like them. Ngunit hangga't maaari ay ayaw niyang madamay ang mga ito.

"Ang kakapal ng mukha niyo! At kinakampihan niyo pa ang baguhang ito?" hindi makapaniwalang tanong ni Audrey.

"And what do you expect? Ikaw ang kakampihan namin?" taas ang kilay na tanong ni Aiza. "Duh! Mahiya ka naman! We're not even close at all my dear."

"Don't assume too much Audrey." pang-iinis na dagdag ni Lea.

"Enough guys, I can handle it." awat niya sa tatlo. Tumahimik naman ang mga ito. Gustuhin man siyang tutulan ng tatlo ngunit walang magawa ang mga ito kundi ang irespeto ang kagustuhan at desisyon niya. Hinarap niya si Audrey. "Ikaw, mag-ingat ka sa pananalita mo dahil kapag hindi ako makapagpigil eh kung ano pang magawa ko sa iyo." nanggigigil na simula niya. "Una sa lahat, hindi ko nilalandi iyang boyfriend mo dahil hindi ako ganon kadesperada! Pangalawa, kung nakikita mong lagi kaming magkasama, iyon ay dahil nakatira ako sa kanila. Pangatlo, kung ayaw mong magalit sayo si Tita Ayesa, puwes manahimik ka at baka isumbong kita. Pang-apat, kung ayaw mong mapuno ako, tigilan mo ko dahil kapag ako napuno baka totohanin ko iyang mga sinasabi mo. At pang-lima, kung ayaw mong maagaw at mawala sayo iyang boyfriend mo, puwes, itali mo siya sa beywang mo para hindi siya makawala sayo."

Umawang ang labi nito dahil sa sinabi niya marahil ay ngayon lang ito nasupalpal ng ganoon. Habang ang ibang nakarinig naman ay tila gustong tumalon at pumalakpak sa matinding tuwa. Hindi na siya magtataka kung bakit. Marahil ay hindi rin gusto ng mga ito ang ugali ng babae.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon