Chapter 63

160 5 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

Chapter 63

(A/N: I have a very important announcement guys.. I just want to let you know that, we only have 3 chapters left.. Yes you read it right. Magtatapos na ang kwentong ito.. And aside from that, this chapter will unveil all the twists of this story. So, I just hope that you enjoy reading this chapter.. Yun ay kung magienjoy kayo.. 😂✌
-Lhanz

"GRAY?"

Mula sa pagkakatulala niya sa hawak na larawan nilang tatlo ng mommy at daddy niya ay inilipat niya ang tingin kay Tita Melissa na nagtatakang nakatitig sa kanya.

"Bakit ang tahimik mo? May problema ka ba?"

Umiling siya at muling napatitig sa larawan na hawak. Naalala niya ang araw kung kailan kinuha ang litratong iyon. They look so happy that time. Larawan sila ng isang masayang pamilya ngunit bakit ganoon? Bakit tuluyan nang nagbago ang lahat? Bakit hindi na sila masaya?

'Nagbago nga ba ang lahat o manhid ka lang?' tanong ng ibang bahagi ng isip niya.

Natigilan siya. Manhid nga ba talaga siya para hindi maramdaman ang lahat? Manhid nga ba siya para hindi niya maramdaman na may mali sa pamilya nila? O baka naman alam niya ngunit mas pinili niyang magbulag-bulagan lang sa mga nangyayari?

Napabuntong-hininga siya.

"How's mommy?" tanong niya kay Tita Melissa.

Napabuntong-hininga ito. "Hayun, malungkot pa rin siya."

Tila may mumunting-kurot siyang naramdaman sa puso niya dahil sa narinig.

Mula nang papiliin niya ang mommy niya ay wala na itong ibang ginawa kundi ang umiyak. Pinili siya nito at si Daddy Austin ngunit hindi man lang nito magawang ngumiti. Ni hindi man lang nito magawang magsaya. Mas pinipili nga nitong magkulong at magmukmok sa silid nito kaysa sa makasama sila ng daddy niya.

Ilang beses niya itong sinubukang lapitan kanina ngunit hindi niya magawa. Tila may isang malaking pader ang nakapagitan sa kanilang dalawa. Wala siyang magawa kundi ang tahimik na silipin ito mula sa pinto ng silid nito. Sa tuwing pinupuntahan niya ito sa silid nito nang palihim ay iyon lagi ang nakikita niya. At habang dinig na dinig niya ang mga hikbi nito, at habang kitang-kita niya kung paano yumugyog ang balikat nito sa paghagulgol ay alam niyang nasasaktan ito. At hindi niya maiwasang makaramdam ng habag dito dahil doon. Nasasaktan din siyang makita itong nagkakaganoon dahil siya ang pinili nito.

Oo, siya ang pinili nito. Ngunit bakit hindi niya magawang magsaya? Hindi niya magawang matuwa. Akala niya magiging masaya siya kapag siya ang pinili nito ngunit nagkamali siya. Mas masakit palang makita ang kanyang ina na umiiyak dahil sa kanya. Mas masakit palang makitang nasasaktan ito dahil siya ang pinili nito. Mas pinili nitong masaktan upang maging masaya siya. She sacrificed her happiness for him. And now his mom is crying. His mom's heart is hurt and breaking into pieces because of his greediness. At mas lalo siyang nasasaktan dahil sa ideyang iyon.

Mali ba ang ginawa niya? Mali bang pinapili niya ito? Naging makasarili na ba siya katulad nung lalaking ikinuwento ni Tita Melissa sa kanya kagabi? Naging makasarili ba siya dahil inuna niya ang sarili niya kaysa sa maging masaya ito? Tila may kumurot sa puso niya sa mga katanungang iyon.

Pero ginawa lang naman niya ang alam niyang tama. Iniwasan lang naman niyang masaktan nito ang daddy niya na walang ibang ginawa kundi ang mahalin sila. Pero bakit ganon? Bakit pakiramdam niya'y mali ang ginawa niya?

Ilang sandali pa'y pilit na bumalik sa alaala niya ang mga ngiti, tawa at masayang mukha ng mommy niya noong kasama nito si Tito Kristof. Ni kahit minsan ay hindi niya nakitang ganoon kasaya ang mommy niya sa piling ng dad niya. Bakit? Bakit ganon? Bakit mas nagiging masaya ito kapag kasama nito ang lalaking iyon? Bakit hindi nito magawang maging masaya kapag ang daddy Austin niya ang kasama nito?

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon