Chapter 52

138 5 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

Chapter 52

“ZEAN where are you na ba?” naiinip na tanong ni Cheska nang sagutin niya ang tawag nito. Nang mga oras na iyon ay nagmamaneho siya patungo sa isang kilalang restaurant na napag-usapan nila kanina. Kaninang umaga lang kasi ay tinawagan niya ang mga kaibigan niya at ganon na lang ang iyak at tuwa ng mga ito nang malaman ng mga itong buhay siya at bumalik na sa Pilipinas. Mahaba-habang sermon din ang natanggap niya sa mga ito lalo na kay Tasha na tinawanan lang niya. Alam naman kasi niyang epekto lang iyon ng matinding pangungulila at tampo dahil sa ginawa niyang pag-iwan sa mga ito.

“I’m already here at the parking lot.” Agad niyang ipinarada ang sasakyan sa parking lot at mabilis na umibis ng sasakyan. Nasa labas pa lang siya ngunit kitang-kita niya mula sa loob ng wall glass ng restaurant ang mga kaibigan niyang napatayo mula sa pagkakaupo nang makita siya. Nagmamadaling pumasok siya sa loob at halos ay takbuhin na niya ang mga ito.

Tumitili sa matinding sayang sinalubong siya ng yakap ng tatlong kaibigan.

“Namiss ko kayo. I’m really sorry kung iniwan ko kayo dati,” lumuluhang sabi niya habang yakap-yakap ang mga ito.

“Namiss ka din namin ng sobra. My goodness Zean, kung alam mo lang halos mabaliw na kami kakahanap sayo.”

Bahagya siyang natawa sa sinabi ni Leah.

“Anyway, past is past now Zean, Kung umalis ka man noon, naiintindihan ka namin.”

“Yeah, Cheska was right. Ang mahalaga lang naman ngayon ay bumalik ka na. Anyway, kumusta na ang kalagayan mo?”

“I’m totally fine.” Nakangiting umupo sila sa upuan na nakalaan para sa kanila. “I know you won’t believe me but I was healed from my sickness. It’s such a miracle.”

“Mabuti naman kung ganoon. Anyway, kailan ka ba talaga bumalik? Di ka man lang nagsabi, e di sana nasundo ka namin.” Si Leah.

“Just yesterday. Actually, hindi ko na pinasabi ang pagdating at pagbalik ko dahil gusto ko kayong sorpresahin. So ano, kumusta kayo habang wala ako? Kwentuhan niyo naman ako.” Ungot at panlalambing niya sa mga ito. “Namiss ko ang kadaldalan niyo.”

“Hayun, successful na kami sa career namin. Si Leah, licensed at master teacher na and by next year baka mapromote na siya as principal.” Kwento ni Cheska.

“Wow, I’m so happy for you.” Masayang niyakap niya ang kaibigan.

“Thank you.”

“And si Tasha naman, siya na ang nagmamanage ng family business nila. And you will never believe this, 3 years na silang mag-on ni Jyzer?”

“Really?” hindi makapaniwalang napatingin siya kay Tasha na ngayon ay namumula na ang mukha. “So, talagang p-in-ursue ka ni Jyzer. Ayieehh kakakilig naman kayo. So kailan ang kasal?” panunukso niya na lalong ikinamula nito. Natawa siya sa reaction nito. “Gosh Tasha! Sa tagal nating nagkasama, ngayon lang kita nakitang nagblush. Umamin ka nga, ginayuma ka ba niya?”

“Luh siya! Hindi ah! Actually, matagal ko na siyang gusto,” amin nito.

“Noong umamin nga sa kanya si Jyzer noon, kontudo pakipot pa siya. Buset!” nagtawanan sila nang buskahin ito ni Cheska.

“Tse! Inggit lang kayo!”

“How about you?” tanong niya kay Cheska.

“Heto, business woman na din. Ako ang nagmamanage sa family business namin.” Nakangiting kwento nito.

“And you will never believe it, ikakasal na siya kay Henry Josh Hernandez.”

“Henry Josh?” nagtatakang ulit niya. The name sounds familiar pero hindi niya alam kung saan niya narinig iyon.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon