YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz ArtemisChapter 56
(A/N: This is it pancit! It's one of the most awaited part of this story.. Kung bakit?.. You need to find it out yourselves.. So brace yourselves and enjoy reading guys.. 😊
"HEY, are you okay?" nagtatakang tanong ni Tasha nang mapansing nitong hindi siya mapakali.
Kanina pa kasi siya palakad-lakad at ilang beses siyang napasulyap sa wall clock. Malay ba niya sa sarili niya. Tila hindi siya makaanak na pusa. Hindi naman niya akalain na kanina pa siya pinapanuod ng kaibigan niya.
Ngumiti siya ng pilit sa kaibigan. "Y-Yeah, I'm okay." Huminga siya ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili.
Tinaasan siya nito ng kilay at bahagyang natawa. "Kanina ka pa hindi mapakali. Parang kinakabahan ka na hindi ko maintindihan. Tinalo mo pa yata si Cheska sa wedding jitters niya eh."
Napasulyap siya sa kaibigan na masayang nagpapamake-up sa make-up artist nito na kasama ni Designer Kim. She looks so happy while wearing that beautiful bridal gown. Napakaganda ng kaibigan niya. Marahil ay kinakabahan naman ito ngunit mas halata ang excitement at sayang nararamdaman nito. Sino nga ba naman ang hindi makakaramdam niyon sa pinakaimportanteng araw na iyon? Ikakasal ito sa taong mahal nito. For sure, Cheska and Henry must be very happy.
Siya kaya? Kailan kaya niya mararamdaman ang pakiramdam na iyon? Nang maalala niyang iyon ang dahilan kung bakit siya umuwi, para kunin ang blessing ng mga magulang niya upang magpakasal kay Austin, hindi niya maintindihan ang sarili pero wala siyang maramdaman na excitement sa isiping iyon. Kung noon ay desidido na siyang pakasalan ang binata ngunit ngayong nandoon na siya ay tila nagdadalawang-isip siya. Sa anong dahilan? Iyon ang hindi niya alam. Napabuntong-hininga na lang siya.
At some point, hindi niya maiwasan ang sariling makaramdam ng inggit sa mga kaibigan. Because they'll be marrying the person they love and dreamt for years. Samantalang siya heto, naligaw na ng landas ang buhay at puso niya palayo sa lalaking pinangarap niya. Pakiramdam niya'y tila nanghina siya at nakaramdam ng lungkot sa ideyang iyon. Tulalang napatitig na lang siya sa hawak-hawak na bouquet.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ang pagmimake-up at pag-aayos sa kanila. She's wearing a long yellow dress at napakaganda ng pagkakafit niyon sa kanya. Habang ang buhok naman niya ay naka-bun at nadedesinyuhan iyon ng flower headdress. She's even wearing a pair of white high heels shoes.
"You look stunningly beautiful.." nakangiting puri sa kanya ni Cheska habang nakasakay sila sa bridal car patungo sa simbahan kung saan idadaos ang kasal nito at ni Henry. Ang iba kasing bridesmaid ay sa ibang van na sumakay. At dahil siya ang maid of honor nito ay siya ang kasama nito.
"Thank you.. and you look amazingly beautiful.." nakangiting puri niya dito. "I'm so happy for you Cheska. And I wish all the best for the both of you."
Masayang niyakap siya nito. "Salamat Zean." Nang humiwalay ito sa yakap niya ay ginagap nito ang mga kamay niya. "Actually, kanina pa kita inoobserbahan, you look so sad. Can you tell me why? Imposible namang nalulungkot ka dahil ayaw mo akong ikasal at dahil hindi ka masaya para sakin."
"Why should I not be happy for you? Alam niyo naman na iilan lang kayong mga kaibigan ko. And as a good friend to all of you, what I want for you guys is to be happy. I want the best for all of you."
"Then why?" nagtatakang tanong nito.
Napabuntong-hininga siya. "It's because.. I just remember the past. It felt like it's all coming back.. And it hits me... Bigtime.."
Pinisil nito ang palad niya.
"Do you still love Kristof?"
Sandali siyang hindi nakaimik sa tanong nito.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Teen FictionTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...