Chapter 48

116 4 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

Chapter 48

Bahagya niyang inilibot ang tingin sa mga nadadaanang bahay habang patuloy na nagdadrive sa malawak at tuwid na kalsadang iyon ng subdivision na pinasukan niya. She saw a lot of differences in that place. Mas marami na ang malalaki at naggagandahang bahay doon. Mayroon na ding park, playground at gym. That subdivision has turned into a wonderful and a high class place to live in. Kaya hindi na siya magtataka kung bakit marami na ang nagpapatayo ng bahay doon, just like her parents.

Ilang sandali pa'y inihinto niya ang kotse sa tapat ng isang magara at malaking bahay. Pinakatitigan at pinag-aralan niya iyon. Kahit na sinong dadaan ay mapapatingin sa malaking bahay na iyon dahil agaw atensiyon ang glass wall ng naturang bahay.

"This must be the house.." bulong niya at napasulyap sa malaking bahay na katabi niyon. The house she used to lived in before. Matagal na panahon na rin ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay maganda pa rin ang structures niyon.

Napabuntong-hininga muna siya bago niya napagpasyahang lumabas ng kotse niya. Pagkalabas niya ay ramdam niya ang init ng sinag ng araw na tumatama sa balat niya. Amoy din niya ang sariwang hangin na dulot ng hanging umaga. That fresh air.. Nakangiting sinamyo niya ang hangin.

"At last! You're home Zean.." bulong niya sa sarili. Yes.. She's finally home..

Nakangiti at excited na tinungo niya ang gate. Huminga muna siya ng malalim bago niya napagpasyahang pindutin ang door bell.

Habang hinihintay niyang bumukas ang gate ay maraming idea ang pumasok sa isip niya. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng parents niya kapag nakita siya ng mga ito? Tatanggapin ba ulit siya ng mga ito? Itatakwil ba siya ng mga ito? At mapapatawad pa kaya siya ng mga ito sa ginawa niyang pag-iwan at pag-alis nang wala man lang paalam?

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at lihim na napadasal nang marinig ang papalapit na mga yabag sa loob. Sana lang.. Sana lang ay tanggapin siya ulit ng mga ito..

Nang tuluyang bumukas ang gate ay iminulat niya ang mga mata at agad na bumungad sa paningin niya ang tila naestatwang kasambahay nila na si Manang Liza. Tila nakakita ito ng multo habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa kanya.

Nginitian niya ito.

"H-Hindi na ba ako tanggap sa pamilyang ito Manang Liza?" naluluhang tanong niya. Pumiyok pa siya nang sabihin niya iyon tanda na nagpipigil siyang maiyak sa harap nito.

"Diyosko Zean! Salamat naman at bumalik ka!"

Nang makahuma ito sa matinding pagkagulat ay lumuluhang niyakap siya ng ginang.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Bata ka! Ang tagal-tagal ka na naming hininhintay!" sumisinghot na bumitiw ito sa kanya. "Ang mabuti pa, halika na sa loob. Sigurado, matutuwa ang parents mo kapag nakita ka nila! Halika na! Dali!" halos ay hindi na siya nakapalag at nakatanggi pa nang hatakin siya nito papasok sa loob ng bahay. "Ma'am Cathy! Sir Sebastian! Nandito na si Zean!" tuwang-tuwang sigaw nito habang papasok sila sa loob ng bahay.

Pagkapasok nila sa living room ay nakita niyang humahangos na bumaba ng hagdan ang Mommy at ang Daddy niya.Nakalarawan ang matinding tuwa at pagkasabik sa mukha ng mga ito habang nakatingin sa kanya. Nang makita niya ang mga ito ay hindi na niya napigil ang sarili. Umiiyak na sinugod niya ang mga ito ng yakap. God knows how much she missed her parents so much. Halos ay walang araw at oras na hindi niya naalala ang mga ito. Ang totoo niyan, nanatili siyang updated sa mga ito kahit na nasa malayo siya.

"Mom.. Dad.. I'm so sorry for everything.." umiiyak at paulit-ulit na sambit niya habang yakap yakap siya ng mga ito. Katulad niya'y umiiyak din ang mga ito. "I'm sorry kung umalis ako.. I'm sorry iniwan ko kayo nang wala man lang paalam.. I'm sorry kung naging selfish ako.. I'm really sorry.. I just.. I got scared of everything.. I got scared that I might hurt you.. I'm really sorry.. Sana patawarin niyo ako.. Patawarin niyo ako.."

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon