YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz ArtemisChapter 47
"Hey bro!"
Napatigil siya sa pagpipirma ng mga papeles nang bigla na lang dumating si Jyzer. Nandito na naman ang pampabuwenas niyang kaibigan. Taas ang kilay na pinasadahan niya ng tingin ang kaibigan. He's wearing a three piece suit. Iyon nga lang naka-rubber shoes ang gago at kinulang pa ang tela ng slacks nito. Kaya hayun bitin. At ang buhok nito, matatakot kahit ang butiki na mahulog doon dahil nakatirik iyon na parang yelo. He rolled his eyes. Saan ba nanggaling ang taong ito at ganon kung manamit? Nagpapauso? Saan ba nito nakuha ang fashion style na iyon? Napailing-iling na lang siya. Kahit kailan talaga ay wala pa rin itong ipinagbago.
"Wazzup dude? Nabalitaan kong umuwi ka na galing sa Brunei." malawak ang ngiting lumapit ito sa table niya. "Wanna give me a hug? I missed you bro!" He spread his arms.
Nanggigigil na tiningnan niya ito ng matalim. Sinasabi na nga ba niya, pinuntahan lang siya nito para pistihin siya. Hindi ba halatang badtrip siya para gatungan pa nito?
"Lumayu-layo ka sakin Jyzer dahil baka hindi ako makapagpigil maitusok ko sayo itong signpen ko." banta niya dito at ipinakita dito ang hawak niyang signpen. Agad naman itong napaurong sa sinabi niya.
"Whooaahh! So it's true. Badtrip ka nga tulad ng sinabi sakin ng secretary mo." naiiling na sumalampak ito ng upo sa upuang nasa harap niya.
"What brought you here? Hindi ba dapat nasa company ka ng pamilya mo?" tinaasan niya ito ng kilay. Katulad niya'y CEO din kasi ito ng kompanya ng pamilya nito.
"I don't want to kill myself with work. Come on dude, I also need time to unwind."
Lalong tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. "Unwind? Here? In my office?"
Bahagya itong natawa sa sinabi niya. "Eh siyemre namiss ko ang bestfriend ko. So, noong malaman ko kay Tita na dumating ka na galing sa Brunei, pinuntahan na kita dito sa lungga at bilangguan mo."
Lungga at bilangguan? Hindi na niya napigilan ang sariling matawa sa sinabi nito.
"Baliw!"
"Tatawa-tawa ka diyan. Nagsasabi lang ako ng totoo," pagdadahilan nito. "By the way, nasaan ang pasalubong kong chicks?"
"Siraulo!" natatawang binato niya ito ng ballpen. "Business meeting ang pinuntahan ko."
"Tsss! Hindi ka talaga maaasahan pagdating sa ganyan." napailing-iling ito.
"Talagang hindi but I have a better idea." nakangiting isinara niya ang folder na nasa harap at tumayo. "Let's go and grab something to eat."
"Gusto ko iyan! Basta libre mo ah!"
Napailing-iling siya. Hangga't kailan talaga ay napakakuripot nito. Nang may maisip siya ay napangiti siya ng nakakaloko.
"Yeah, shoot! My treat and I'm sure you'll love it."
__ __ __ __ __
"Damn you Kristof!" nagngingitngit na pagmumura ni Jyzer sa kanya. "Napakahayop mo! Wala kang puso!"
"Why? What's the matter? Is there something wrong?"
Habang ito ay hindi na maipinta ang mukha, siya naman ay halos mamatay na sa kakatawa sa reaksiyon nito.
"Sa dinami-dami ng restaurant at kainan, bakit dito mo pa ako dinala?"
"Libre na nga, nagrereklamo ka pa." natatawang sagot niya at inilapag nila ang kanya-kanyang tray na naglalaman ng kanilang pagkain sa isang bakanteng mesa. "And one more thing, bakit ba? Masarap naman ang mga pagkain dito sa dilaw na payaso ah."
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Teen FictionTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...