Chapter 10

281 14 0
                                    

YOU ARE MY FIRST AND LAST
by: Lhanz Artemis

Chapter 10

Habang pauwi sila ni Kristof ay wala pa rin silang imikan.

Simula nang iwan niya ito sa clinic kaninang umaga ay parang bad mood ito. Sinusungitan at binubulyawan nito ang mga kaklase nila. Halos ay wala man lang ni isa sa mga kaklase niya ang kayang makausap ito ng matino. Gustuhin man itong kausapin at lapitan ng iba'y hindi nila magawa dahil sa takot ng mga ito ay napapaurong na lang ang mga ito.

Hindi na siya magtataka kung bakit ganon ito. Marahil ay dahil iyon sa naging desisyon niya. Napabuntong hininga na lang siya. Ang bigat-bigat ng kalooban niya. Parang siya kasi ang naaapektuhan sa mga ginagawa nito at sa mga nangyayari dito. Gustuhin man niya itong lapitan ngunit pinigilan niya ang sarili. Dahil kailangan niyang panindigan ang desisyon niya.

Dahil sa takot naman ni Audrey sa lalaki ay hindi ito pumasok at lumiban na lang. Dapat lang na matakot ito. Pasalamat nga ito dahil hindi ito naabutan ni Kristof kaninang umaga sa classroom dahil kung hindi, marahil ay ito ang unang pinagdiskitahan ni Kristof.

Nang maramdaman niyang huminto ang kinalululanan nilang sasakyan ay saka lang siya napalingon sa labas. Nakauwi na pala sila. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob. Nakita niyang nakaupo sa sofa si Tita Ayesa habang nanunuod ng tv.

"Oh dumating na pala kayo." napangiti ito nang makita siya ngunit dagli ding nawala ang ngiti nitong iyon. "What happened to your face?" nag-aalalang nilapitan siya nito.

"Po?" napamaang siya. Nang maalala ang sugat sa mukha niya ay napakagat-labi siya. Bakit ba kasi nakalimutan niyang takpan ang sugat niya? "Naku, wala po ito tita." nakangiwing sagot niya at pilit ang ngiting tinakpan niya ang pisngi ng kamay niya.

"Anong wala? Ano iyan?" salubong ang kilay na tanong nito at inalis ang kamay niyang nakatakip sa pisngi niya. Sinipat nito iyon. "Napano ito?"

"Wala iyan Tita. Nahulo-"

"Sinampal siya ni Audrey Ma." putol ni Kristof sa kasinungalingang balak niyang sabihin upang pagtakpan sana ang ginawa ng girlfriend nito.

"What?!" galit at hindi makapaniwalang bulalas ni Tita Ayesa. Nakalarawan ang matinding inis at disappointment sa mukha nito. "And you just let your girlfriend hurt her? Hindi ba't sinabi ko na sa iyong huwag mong papabayaan si Zean sa school niyo?" sermon nito kay Kristof. Napangiwi siya at naalarma dahil mukhang papagalitan pa ito ng mommy nito sa isang kasalanang hindi naman nito ginawa.

"Tita, wala pong kasalanan si Kristof sa nangyari. Wala po siya nung mangyari ang gulo." pagtatanggol niya sa binatang tahimik lang. "And one more thing, ok naman na ako tita eh. It's just nothing to me."

"No. I will never accept that as an excuse Zean." galit pa ring sabi ni Tita Ayesa.

"Pero tita."

"Umakyat ka na sa taas at pumasok sa kwarto mo Zean." utos nito sa kanya. "Mag-uusap lang kami ni Kristof."

"S-Sige po." sagot niya nang makitang desidido ang ginang sa gusto nitong mangyari. Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang utos nito. Habang umaakyat siya sa hagdan ay napalingon siya sa mga ito. Tiningnan niya si Kristof na tahimik na nakatitig lang sa ina nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman nang mga oras na iyon. But one thing is for sure, natatakot siya para dito dahil siguradong gigisahin lang ito ng mommy nito.

__ __ __ __ __

(KRISTOF'S POV)

Nang tuluyang makaalis si Zean ay saka lang siya hinarap ng ina. Nang makita niya kung gaano kaseryoso ang mukha ng mommy niya ay sinalakay siya ng takot at kaba.

YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon