YOU ARE MY FIRST AND LAST
By: LhanzChapter 26
Ang huli nilang pinuntahang lugar ay ang Lourdes Grotto kung saan ay napagpasyahan nilang sabay silang magdadasal sa chapel niyon.
"Lord, you know my heart's desire." taimtim niyang dasal habang nakapikit ang mga mata. "You know how much I love this man beside me. Isa lang naman ang hinihiling ko, na sana siya na hanggang sa huli. Alam ko naman at ramdam kong sa puso ko, siya na talaga. Na siya na ang gusto kong makasama hanggang sa huli kong hininga. Na siya na ang lalaking kukumpleto sa buhay ko. Mahal niya ako ngayon, ramdam ko ang senseridad niya. Pero natatakot pa rin ako. Mga bata pa kami at marami pa ang pwedeng mangyari. Lord hinihiling ko na sana ikaw na ang bahala sa amin. Gabayan mo kaming pareho sa daang tinatahak namin. Pero sana gaano man katagal o kalayo ang paglalakbay na ito, marami mang pagsubok ang dumating sa amin, sana sa huli Ikaw pa rin ang gumawa ng paraan para matupad ang mga hiniling ko sayo ngayon. Mahal na mahal ko siya Lord. And I never want to loose him. Please guide us, amen."
Nang matapos ay iminulat na niya ang mga mata. Nakangiting nilingon niya ang binata at nakita niyang nakapikit pa rin ito at abala sa pagdadasal. Mabilis niyang dinukot ang cellphone sa bulsa at agad na kinuhanan ito ng larawan sa ganoong anggulo. Nangingiting ibinalik niya ang aparato sa bulsa nang saktong natapos din ito sa pagdarasal.
"Tara na?" nakangiting yaya niya. Tumango naman ito. Katulad kanina noong umakyat sila ay magkahawak-kamay pa rin silang bumaba sa hagdan.
"Alam mo, habang paakyat tayo dito kanina habang hawak ko ang kamay mo," anang binata. "Naisip ko na siguro marami tayong pagdadaanang pagsubok. Napagod at nahirapan man tayong pareho, walang bumitaw sa atin. Sana ganoon pa rin tayo hanggang sa huli."
Napangiti siya sa sinabi nito at pagkuwa'y hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay nito.
"Kahit masakit na, kahit nakakapagod na, hinding-hindi ako bibitaw. Hinding-hindi kita bibitiwan. Dahil lahat ng mga binitiwan mong pangako sakin sa araw na ito, nakaukit na siya dito," itinuro niya ang isip niya. "At dito." itinuro niya ang tapat ng puso niya. "And it will stay here forever."
Napangiti ito sa sinabi niya at pagkuwa'y hinalikan nito ang kamay niyang hawak-hawak nito.
"I love you Zean."
Tumingkayad siya at hinalikan ito sa noo. "I love you too Kristof. Always keep that in mind."
__ __ __ __ __
Malapit lang naman ang Lourdes Grotto sa bahay nila kaya napagpasyahan na lang nilang maglakad. Nang may madaanan silang nagbebenta ng ice cream ay agad silang bumili niyon. Habang kumakain sila niyon ay panay ang tawanan, kulitan at biruan nilang dalawa. Kapag nakokornihan siya sa mga jokes nito ay nagmimake face siya bagay na ikinatatawa naman nito. At dahil gustung-gusto naman niya itong tumawa ay lalo naman niyang pinaghuhusayan ang ginagawa niya kahit nagmumukha na siyang ewan. Wala na rin siyang pakialam. Gusto lang naman niya itong makitang masaya at tumawa ng ganoon. Bumabawi lang siya sa mga ginawa niyang pagpapaiyak dito noon.
"Ang cute-cute mo talaga." natatawang pinisil nito ang tungki ng ilong niya.
"Dati na." natatawang sagot niya.
"You actions are cute. But overall, you're amazingly beautiful."
Pakiramdam niya'y namula ang pisngi niya sa papuri nito. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kilig dahil doon. He really never failed to make her feel that and impress her. Marami na rin ang nagsabi sa kanyang maganda siya pero ibang-iba talaga ang dating kapag ito ang nagsabi niyon. Pakiramdam niya'y tinalo na rin niya si Rapuzel sa haba ng buhok niya.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY FIRST AND LAST (COMPLETED)
Teen FictionTeaser: Vhanezza Laureanne Marquez hated Kristofer Lawrence Lee the very first time she met him. Maliban kasi sa mayabang, maldito at supladito ito ay pinagkamalan pa siyang katulong. And she couldn't stand for that impression from him kaya naman ay...