NAKAPIKIT ang mga matang nagdarasal ng kung anong gawa-gawang orasyon si Lara habang hawak-hawak ang mga kamay ng binatang kanina pa nahihiwagahan sa ginagawa ng babae.
"Umhhh....ahh...uhm..sara-..."
"Tsk." narinig kong reklamo ng lalaki.
"Uh.. K-kailangan pa ba talagang.." Naiilang na sabi ng binatang nasa aking harapan.
Pikit mata ko itong tiningnan.
"Hindi ba sabi ko, wag kang magulo? Ayan tuloy nabitin! Malapit na ko eh!" sabi ko at padabog na binitawan ang mga kamay niya.
"A-ano?" Napakunot ang noo nito at masamang tinititigan ako.
"I- i mean...makikita ko na sana eh! I-iyong hinaharap mo!" Sabi ko at tinititigan 'yung ibabang parte ng katawan niya na nahahalata kong kanina pa yata nakaumbok.
Nakita kong tumungo siya at marahil ay tinitingnan din nito iyong umbok sa parteng ibaba ng katawan niya.
"What?" He roared angrily.
Nagpanic ako dahil sa tono ng pagkakasigaw niya. Mukhang hindi nito nagustuhan ang huling sinabi ko. Is it my fault if he's too attractive? Isa lamang akong marupok na babaeng madaling matukso. Lalo na at isang masarap na putahe ang nakahain sa aking harapan.
Shocks! Shit! Ang landi ko!
At kahit nga galit ang hitsura nito ngayon ay hindi pa rin ito nakakabawas sa taglay nitong kagwapohan. He's somehow looked like a frustrated handsome prince kaya nga lang jerk.
"Uh... Ibig kong sabihin iyong future mo! Tama! Yung future mo!" pagtatama ko at iginalaw-galaw pa ang mga kilay.
Mukhang naniwala naman ito kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Pwede bang ulitin na lang natin?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya.
Ano daw? Uulitin namin? Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pagkailang, dahil literal na malandi ang utak ko. Kaya iba tuloy ang dating nito sa isip ko nang sinabi niya 'yun.
I caught his stares and I couldn't help myself but feel tense.
Nakaka-intimidate ang kagwapohan nitong taglay. Ang baritonong boses nito ay nakakaakit sa pandinig. At ang labi niya na animo'y kulay rosas ay parang laging nang-aakit. How does it feel if I get to kiss that alluring lips? Napatingin ako sa dibdib niya, ano kaya ang pakiramdam na yakapin ng isang mala-adonis katulad ng lalaking 'to?
Bago pa man ako tuluyang mawala sa sariling pantasya ay mabilis akong kumurap at pasimpleng ipinilig ang ulo. Damn it! Did I just lose my senses?
Get a hold of yourself Lara!
"H-hindi na pwede!" Mabilis kong turan. "Ubos na ang oras mo." Saka ako tumayo at akmang tatalikod na sana ako nang magsalita ito.
"Fine! How about gagawin kong times two 'yung binayad ko kanina. So ano deal?" sabay lahad niya ng nagkumpil kumpil na salapi sa ibabaw ng mesa.
Napalingon ako ng mabilis dahil sa tinuran niya at binigyan siya ng isang napakatamis na ngiti.
Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Sure!" mabilis pa sa kabayong sagot ko at umupo muli sa harap niya.
Pagkaupo ay kinuha ko ang mga kamay niya saka face to face kaming magkahawak ng mga kamay at inulit namin ang ginagawa naming meditation kanina.
Asa kayo! Akala niyo naman kung anong kalandian ang ginagawa ko noh?
Pero sa totoo lang, napakapogi nitong costumer ko ngayon, pwede sanang pang-ulam.
Dapat sana Tarot Cards ang gagamitin ko ngayong araw. Hindi ko naman iniexpect kasi na ganito pala kagwapo ang anak ni Madam. Kaya para makatsansing naman ako kahit pasimpleng hawak lang sa malalambot niyang mga palad ay kunwari meditation muna kami ngayon!
Bwahahaha -evil laugh here!
"A-are you okay?" tanong niya bigla at nakita ko ang pagtaas ng isang kilay niya.
Nginitian ko muna siya bago sumagot.
"Yes, i'm super okay! Bakit?" Nakangiti ko pa ring tanong sa kanya.
"You looked like an evil witch laughing seconds ago!" sabi niya.
Ano raw?
Unti-unti na nagsink-in sa isipan ko ang sinabi niya. Namumula ang mukha ko sa hiya at lihim akong napamura.
Nagkunwari akong walang narinig at ngumiti ng ubod tamis. "Now! Where were we?"
[ End of Prologue ]
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
General FictionThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate
