The love of a family is life's greatest blessing.
********
"A-ano po 'to Madam.. I mean T-tita?" bakas sa mukha ko ang pagtataka habang tinitingnan ang mga litrato sa harap ko.
Andito kami ngayon sa isang restaurant. Kung saan ay nagkita kami ni Madam Monalisa.
"That woman in the photos... She's Lorraine."sabi niya.
Pinagmasdan ko ang bawat litrato na binigay ni Madam sa akin. Ang ganda ng babae sa litrato. Hugis puso ang mukha niya. Napakaamo na animo'y isang anghel na nahulog sa lupa.
Kung hindi lamang sa mga pinaggagawa nito sa litrato iisipin kong ang bait bait niya sa personal. But who am i to judge right?
Kaso may kuha siyang nakalambitin sa isang matanda. Pamilyar sa akin 'yung matanda. Parang nakita ko na 'to pero hindi ko lang matandaan kung saan.
"That's Senator Pamilton. Lorraine is one of his mistress." aniya na para bang nababasa niya ang takbo ng isip ko.
Nanlaki ang mata ko. Sayang... Ang ganda niya pa naman.
Tapos naging mistress siya ni Senador Pamilton? Teka, Pamilton? Juan Pamilton? Ayun! Kaya pala pamilyar ang mukha nito dahil sa poster nito na nakadikit sa isang pader sa harap ng salon ko kung saan ay nangangamoy lansa dahil sa araw-araw na pagdidilig ng mga kalalakihan 'dun.
Sa kabilang litrato naman ay nakikipaghalikan siya sa isang lalaki sa isang mesa na sa tingin ko'y nasa loob ng isang bar.
Madilim kasi at mas nakafocus lang kay Lorraine ang kuha ng litrato. Kaya natatabunan ang mukha ng lalaki. Pero may tattoo ito sa braso. Parang hugis A.
Ang isang kuha naman ay may kasama na naman siyang ibang lalaki na sa tingin ko ay nasa mga middle 40's.
Pinagmasdan ko ang lalaki dahil parang nakita ko na siya somewhere. Masyadong pamilyar 'yung mukha niya at sa tingin ko ay hindi ito pilipino dahil sa green nitong mga mata.
"You see, Lara. She dated many men, she's a leech. She can't settle to one man." Sabi niya na nagpakunot ng noo ko.
Anong meron sa Lorraine na 'to?
At ano naman paki ko sa babaeng 'to?
At bakit niya pinapakita sa akin ang mga litratong 'to?
"I showed you that pictures, hoping that you could change your mind and reconsider my offer." sabi niya pa.
"W-wait po... Ano naman pong kinalaman ng babae 'to sa offer niyo sa akin na trabaho?" sabi ko.
"I offered you a job to act as a real fortune-teller to my son, di ba? And guide him with false signs, or anything that will ruined his impression to that woman, pero hindi ko sinabi sayo na first love niya 'yan at hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya sa babaeng 'yun...Lara. Now, nalaman kong gustong makipagbalikan ng babaeng 'yun sa anak ko."
"Ano pong kinalaman ng babaeng 'to? Besides, you only offered me to be his fake fortune-teller.."
"That woman is Lorraine, she's my son's first love. I didn't tell you the real details, because i don't know if you can be trusted, not that i dont trust you, but paparazzi's everywhere and besides naghahanap pa ako ng proof."
Napanga-nga ako sa sinabi niya. Si Twisted na gwapo na, mayaman pa. Mr. Perfect na nga itong maituturing.
First love niya ang babaeng 'to? At hanggang ngayon di pa rin siya makamove-on?
Kaya ba ganun siya? Masyadong seryoso at halatang suplado? Ni hindi nga ngumingiti.
Kung sabagay ang ganda ganda din kasi ng babaeng nasa larawan.
I felt a sting of pain on my chest. Hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naramdaman 'to.
Napailing-iling ako. Hindi ko dapat na maramdaman 'to.
"Please, Lara." she held my hand.
"I'm begging you, as a mother. I want only the best for my son. And the only way i can help him move on is to open his eyes, na ang babaeng 'yun ay hindi nararapat para sa kanya."
"Bakit di niyo na lang po sabihin sa kanya ang totoo."
"Lara, my son is not just a man who can forget and forgive easily, hindi mo rin siya madaling mapaniwala. Siya 'yung tipong nata-trapped sa nakaraan. If he can't see and experienced the truth, he will not learn to move on. I'm saving his heart... As long as Lorraine can fool him and can control his mind. He will always be her slave." Madamdaming saad ni Madam. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa. She's a mother kaya hindi ko siya masisisi. Dahil gagawin nito ang lahat para sa ikabubuti ng anak niya.
I dont know why, but i have a feeling that i have to do this.
I sighed. "Sige po.. Madam. Payag na po ako. Pero may kondisyon po ako."
"Say it dear..." she said and smiled.
"You said before po susweldohan niyo po ako sa gagawin ko?"
"Yes Lara. It's in the contract , hindi mo ba binasa? Nilagay ko 'dun. I will give you 15k every month. And a sum of a half million, if you succeeded."
"Pwede po bang ..baguhin 'yung nakasaad sa kontrata." suhestyon ko.
"Sure.. Anything Lara. Kung may gusto kang idagdag...."
"Wala po akong idadagdag. Yung 15k every month nga po ay sobra-sobra na. Tatanggalin ko lang po sa usapan ang half million."
"But why? Okay..Lara. So what is it?" she asked. Nakuha niya siguro na may ipapalit ako 'dun.
"May kapatid po ako... May sakit siya. Alam ko pong may organization po kayo...para sa pagpapagamot ng mga batang may malulubhang sakit."
Tumango-tango ito. "Ako na ang bahala sa lahat ng gastusin sa pagpapagamot ng kapatid mo Lara."
Ngumiti ako. "Salamat po Madam."
"Ahermm.. Tita ..Lara. " at ngumiti ito."So it's a deal?"
"Yes Tita." sagot ko.
Kaya ko kayang baguhin ang takbo ng love story ni Twisted?
Can i deceive him?
Can i change his heart?
Kaya ko 'to di ba?
Even if i had to play along.
Even if it will break me.
**********
I know. Lame chapter..
Pleaseeee Vote!
Thanks.
Avrilidel
***********end of chapter*********
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
General FictionThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate
