You can close your eyes to the things you do not want to see, but you cannot close your heart to the things you do not want to feel.
**********
Twisted's Pov
Shit! Kainis naman. Bakit ganyan siya makatitig sa akin? Kanina ko pa nahahalatang panay ang pagtitig niya at minsan nahuhuli ko pang ngumingiti siyang mag-isa.
Baliw yata ang babaeng 'to.
Nagkibit balikat na lang ako at kumain. Magkatabi kaming kumain ngayon at hindi ko maiwasang hindi mailang sa kanya.
Paano kasi, asikasong-asikaso niya kasi ako. Siya ang naglalagay ng kanin at mga ulam sa pinggan ko. Really?
Napagkamalan pa nga kaming magsyota dahil sa ginagawa niya. Tapos parang tuwang-tuwa pa ito.
Napailing na lang ako nang tapos na kaming kumain.
Nasa lababo ako ngayon at pilit na tinatanggal ang karneng sumisiksik sa pagitan ng ngipin ko.
Kanina humingi ako ng toothpick baka sakaling meron sila. Pero naubos na raw sabi ni Mother Sisa.
So here i am, struggling hard to take that piece of meat out of my teeth.
"Aisshhh.. Nakakainis." sabi ko.
"Oh, ano ginagawa mo dyan?" tanong ni Miss Freaking Lara Fortune. Yes, i called her that on my mind. She doesn't know it anyway. I can't even say her name everytime we talked. I don't know why, i just dont feel like calling her using her name.
"Eh, ikaw? what are you doing here?" tanong ko rin pabalik.
"Uh...." She showed her hands. May dala pala siyang toothbrush at colgate? Tsk. Naalala ko tuloy 'yung nangyari sa restaurant.
Bakit ko nga pala sinisinghot 'yung hininga niya nun? May pa pikit-pikit pa ako ng mata. Yun pala toothpaste lang pala ang gamit niya. Akala ko pa naman nagma-mouth wash 'tong babaeng 'to?
"Girl scout ka pala noh?" tanong ko.
"Gusto mong magtoothbrush? Mukhang kanina ka pa nahihirapan sa pagtanggal ng kung ano sa ngipin mo?" sabi niya.
"Teka..." sabi niya ng di ako umimik.
"May extra-toothbrush akong dala rito." at may hinalukay ito sa loob ng bag niya. Medyo natagalan ito, bakit naman kasi parang ang daming laman yata ng bag niya?
"Oh, heto." at ibinigay niya sa akin ang isang toothbrush.
"Sure kang hindi mo pa 'to nagagamit?" paniniguradong tanong ko.
"Yes! I'm super sure!"at ngumiti siya.
Napasimangot ako. Anong nginingiti niya? Tuwang-tuwa pa rin siguro siya na napagkamalang girlfriend ko? Parang 'yun lang. Tsk.
"Echooz mo, para namang di mo pa natitikman ang laway ko! Sarap na sarap ka pa nga..." Bulong niya na dinig na dinig ko naman.
"Ano?" tanong ko at akmang kukuha na sana ng dala-dala niyang toothpaste kanina nang pinigilan niya ako.
"Wag yan!" sigaw niya. At may kinuha siyang sachet na..ano nga ba 'to? Bakit andami naman yata?
May nilabas kasi siyang sachets. At talagang binilang niya pa huh?
Isang dosenang sachet ng.... Hapee? Tapos may marka pang 5 pesos.
"Wait! Ano yan?" naguguluhang tanong ko.
"Toothpaste mo." aniya at nakita kong kumuha siya ng isang sachet at ibinalik 'yung iba sa bag.
"Oh, di ba ito 'yung paborito mong toothpaste?" aniya at binuksan ang isang sachet ng hapee.
"Ano? Kailan ko naman sinabing paborito ko 'yan? Hindi ko nga alam kung safe ba yan? At saka.. Theodent ang ginagamit kong toothpaste." mahabang lintaya ko.
"Theodent?" tanong niya na para bang ngayon niya lang ito narinig sa buong buhay niya.
Seriously? Saang lupalop ba ng mundo nanggaling ang babaeng 'to?
"P-pero.. Di ba sabi mo noon sa restaurant? Tinatanong kita 'nun kung anong favorite toothpaste mo? Tapos sumagot ka ng hapee." sabi niya pa at napakagat labi ito.
Napatingin ako sa labi niya. Napalunok ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Shit. Ngayon ko lang napagtantong isang pulgada na lang pala ang layo ng mukha namin sa isa't isa.
Naamoy ko ang hininga niya. I gulped. Bakit ganito ang epekto niya sa akin?
Naakit akong halikan ang namumula niyang labi.
Dahan dahan kong tinawid ang pagitan ng mga labi namin ngunit nang halos maramdaman ko na ang dampi niyon ay iniwas niya ang mukha niya sa akin.
I felt a sudden stinged of pain. I felt rejected! Bakit ayaw niya? Huh! Inaayawan niya ako?
"U-uhmm... W-wala pa akong sepilyo." she was stuttering.
Mataman ko siyang tinititigan nakita kong napayuko siya. She blushed.
She didn't reject me after all.
Lihim akong napangiti at kinuha ang toothbrush ko sa kamay niya.
"Akin na." sabi ko sa masiglang boses.
"A-ang alin?" nakatingalang sabi niya.
"Tsk." at kinuha ang hapee toothpaste na hawak hawak niya at nilagyan ko ng konti ang toothbrush na binigay niya.
Nakita kong naka-nganga lang siya sa tabi ko habang nagsesepilyo ako.
I raised my eyebrow at nilakihan siya ng mata habang nagsesepilyo pa rin.
In fairness okay din pala ang toothpaste na 'to.
Nakita kong nagtoothbrush na rin siya.
Nagkatitigan kami sa harap ng salamin habang pareho kaming nagsesepilyo.
Nauna ako sa kanyang natapos kaya pinagmamasdan ko na lang siya habang nagsesepilyo pa rin siya.
Nang natapos na siya ay agad ko siyang kinabig at hinalikan siya sa labi.
Hindi siya nanlaban at hinalikan ako pabalik. I kissed her torridly and bit her lips, i sucked it up and down. I push my tongue inside her mouth. And she gladly obliged.
There is something on her lips. It's familiar. Parang natikman ko na ang labing ito, pero hindi ko matukoy kung saan at kailan.
I moaned when she bit my lips too. Her lips is soft and tender. I can taste the coolness on her lips. But that doesn't affect the temperature of my body. It was the total opposite of it.
I'm burning. I'm raging on fire. Her lips is so sweet and i don't trust myself. For i lost my conciousness because i want to be inside of her. Right here. Right this moment.
We heard someone gasped. Kaya tumigil kami sa paghahalikan at parehong nilingon ang taong nasa labas ng pintuan.
"I'm so sorry. So sorry..." hingi ng despensa nito. Agad nanlaki ang mga mata ko. She's a little different from the last time i saw her kaya hindi ko agad siya nakilala.
"L-lorraine?" I whispered.
**********
Pls vote. Thanks!
:) avrilidel
********†end of chapter†*******
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
Ficción GeneralThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate
