When silence between two people is comfortable, you know you have found love.**********
Lara's povHanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na andito siya ngayon sa loob ng kwarto ko.
Shit! Pinagmasdan ko ang paligid ng kwarto ko! Gusto ko na tuloy batukan ang sarili ko!
Medyo makalat kasi ang kwarto kaya dali dali kong kinuha 'yung mga panty at bra na nasa hanger at inilagay sa loob ng drawer. Pati mga jacket at cardigan ko, mabilis ko 'tong ipinasok sa closet. Namataan ko ang mga kalat sa sahig. Kaya pinulot ko ang mga 'yun at itinapon sa trash can.
'Yung posters niyang 5R ang size na nakadikit sa dingding. Dali dali ko 'tong tinanggal at nilagay sa drawer ng study table ko.
Yung mga magazine nga pala kung saan may mga photos niya. Agad kong niligpit ang mga 'yun.
At tae! Yung magazine kung saan siya ang ginawang cover of the month of June! At 'yung page na nakabrief siya. Andun nakadikit sa kisame!
Tiningala ko ang kisame!
Wag lang sana siyang tumingala!
Bweset na Jessica kasi 'yan! Kasalanan niya 'to!
"G-gusto mong magkape muna?" tanong ko.
Tumango siya. Teka, iiwan ko siya sa kwarto? Naku! Hindi pwede.
"Uh.. Gusto mong sumama sa labas? Ipagtitimpla lang kita ng kape."
Nagdadalawang isip pa ito bago tumango. Dinala ko siya sa labas ng kwarto kung saan may munting kusina at isang maliit na hapag kainan ko.
Agad akong kumuha ng stool sa baba at dinala 'yun sa taas at pinaupo siya dun. He sat down and leaned on the table.
Kumuha ako ng mug at nagtimpla ng coffee.
"Umiinom ka ba ng instant coffee?"
"Y-yes .." nanginginig siya sa lamig.
Nilapag ko sa harap niya ang mug.
He sipped. "What kind of coffee is this?" tanong niya.
"That's Nescafe Creamy White. Paborito ko 'yan." sagot ko at ngumiti.
He smirked at nakita ko ang biloy sa pisngi niya. "Masarap."
Nang maubos na niya ang kape pinapasok ko na siya sa kwarto. Ayoko namang mangisay siya sa sobrang lamig sa labas. Wala din kasi kaming sala.
"Heto, magbihis ka muna." inabot ko sa kanya ang pinaglumaang Tshirt at pants ni Papang. Iwan ko kung kakasya sa kanya.
Nakita kong nakasimangot siya.
"Where the hell did you get these? Kaninong mga damit 'to?""A-ah... Wag kang mag-alala kay Papang ang mga damit na yan. Isuot mo muna yan, andun 'yung Cr sa baba. Doon ka magbihis."
Nakataas ang isang kilay niya. "Dito na lang ako magbibihis."
"A-ano? Sa Cr na lang." sabi ko.
Agad kong tinakpan ang mukha ko at napatili nang bigla na lang niyang hinubad ang Tshirt at pants niya. Mabilis akong tumalikod.
I heard him chuckled.
"Why Colgate? Ngayon ka lang ba nakakakita ng katawan ng lalaki?"
"Ugh.. B-bilisan mo na nga lang magbihis!" sigaw ko.
"Okay." narinig kong sagot niya. Naramdaman ko ang paglapit niya sa likod ko." Open your eyes and face me." He commanded. Ginawa ko naman ang sinabi niya.
Pagharap ko ay ang hubad niyang dibdib ang nabungaran ko. Shit! Siniseduce niya ba ako? Bakit hindi pa siya nagbibihis.
"A-anong..g-ginagawa mo? B-bakit nakah-hubad ka p-pa?" I stuttered dahil sa sobrang nerbyos.
Uminit bigla ang pisngi ko at habol ko ang bawat paghinga. Para akong nauubusan ng hangin dahil sa presensya niya. Kumakalabog ang dibdib ko, walang tigil ang bilis ng pintig nito.
"Hindi nagkasya eh." tipid niyang sagot at mataman akong tinititigan.
Napanga-nga ako. Tae! Bakit ba ang gwapo gwapo mo?
Kakalimutan na kita dapat eh!
Pero ano itong ginagawa mo?
Bakit mo ba ginagawa 'to?
.
Gusto kong itanong lahat yan sa kanya. Pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Tila pipi akong nakatayo sa harapan niya."Uhm.. Sige.. Wait! Pupuntahan ko muna si Jessica. Baka sakaling may tshirt siyang kakasya sayo."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas agad ng kwarto. Nasa connected room ng salon lang kasi si Jessica. Yung ginagamit kong kwarto sa panghuhula. Kinatok ko ang pinto niyon at kunwari inaantok na Jessica ang nagbukas 'nun.
Papanhik na sana ako sa kwarto niya nang harangin niya ako.
"Teka! Dyan ka lang! Ano bang kailangan mo?" tanong niya nanlalaki ang mata nito na para bang may tinatago.
Tinaasan ko siya ng kilay. Kimi naman itong ngumiti.
"Hihiram lang sana ako ng malaking Tshirt?"
Ito naman ang nagtaas ng kilay. She smirked. "Wait here." sabi nito at sinaraduhan ako ng pinto.
Wait here? Infairness nag-improve 'yung accent niya.
Ilang sandali lang ay bumukas muli ang pinto at inabot niya sa akin ang isang oversized Tshirt na kulay Black. At isang panlalaking stretchable short.
"Thanks." matapos kong magpasalamat bumalik agad ako sa kwarto.
"Heto muna suotin mo. " Inabot ko sa kanya ang mga 'yun na hindi siya tinitingnan.
He chuckled. Tumayo siya at naghubad ng pants. Sinuot niya marahil ang short na ipinahiram ni Jessica.
Ilang sandali lang ay natapos na rin siyang magbihis.
Pareho kaming tahimik at pinakiramdaman ang bawat isa.
"Magtitigan na lang ba tayo rito?" tanong niya at sabay kaming ngumiti.
I sighed. Ano ba kasing ginagawa niya rito?
"Hindi ka pa ba uuwi?" i know it's rude. Pero wala kasi akong ibang maisip na itanong.
"I will spend the night here. It's still raining outside." may awtoridad sa boses nito.
"What? Teka? Hindi pwede!" mabilis kong sagot.
He clenched his jaw. "Basta. I will sleep here. Either you like it or you'll like it!"
Huh? Di ba dapat ang kasunod 'nun ay 'or not'?
Do i have any choice?
************
Please vote. Thanks
*********end of chapter*********
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
Narrativa generaleThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate