TLS-22

19.2K 370 10
                                        

Life is not about waiting for the storm to pass, it's about learning to dance in the rain.

********

Twisted's Pov

Urg. Hinilot ko ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Napilitan kasi akong umuwi last night. Tumawag kasi si Trynd, may problema siya. Kaya pinuntahan ko siya kagabi sa Mi Casa.

Trynd found his father. Si Tita Jillian, yung mama ni Trynd. Sinabi nito kay Trynd 'yung totoo nang mahuli daw niya itong may kausap sa isang restaurant. Yung kausap daw ni Tita ay 'yung papa niya. Katulad ko lumaki din siyang walang ama. Ang pagkakaiba nga lang sa aming dalawa ay namatay si Dad noong 12 years old pa lang ako. Samantalang siya, simula't sapol wala siyang kinalakihang ama.

Nalilito ako sa estorya ng buhay niya. Basta ang alam ko lang ngayon, hindi niya matanggap na bigla na lang itong sumulpot sa harap niya at kilalalanin siyang anak.

I sighed. Nanginginig ako. Mukhang lalagnatin ako. Naalala ko ang nangyari kagabi. Tsk. Lihim akong napangiti. Hindi ko iniexpect na gagawin ni Colgate yun.

Ano na kayang ginagawa ni Colgate ngayon?

Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. Pero agad din akong nakaramdam ng lungkot.

Tama ba 'yung ginawa ko?

Masyado akong nagpadalos dalos sa nararamdaman ko. Hindi ako sigurado sa feelings ko para sa kanya.

Ayokong maging unfair sa kanya.

Ayoko lang masaktan siya.

----- flashback -------

"Fuck. Ngayon na?" mura ko habang kausap ko si Trynd sa cellphone at bigla na lang akong pinatayan ng linya.

"B-bakit? May nangyari ba?" tanong niya bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala. Why do she care about Trynd a lot?

Nakaramdam ako ng panibugho.

"Nahalata ko lang, bakit ba masyado kang nag-aalala kay Trynd?" lakas loob kong tanong.

"S-syempre kaibigan mo siya. H-hindi ko rin alam. Basta, nag-aalala lang ako para sa kaibigan mo."

Huh? Nag-aalala siya? At hindi niya alam kung bakit?

Tang.ina! Hindi naman sila close ah?

"Ano raw ba ang nangyari sa kanya?" tanong niya.

I frowned."Nothing. I gotta go." malamig na sagot ko at naglakad patungo sa pinto ng kwarto niya.

"G-galit ka ba?" Tanong niya at tumayo rin siya nang palabas na ako ng kwarto niya.

"Huh! Bakit naman ako magagalit?" tanong ko pabalik.

"Kung ganon.. Nagtatampo ka?" lumapit siya at tumingala sa akin.

"At bakit naman ako magtatampo?"

"So.. Nagseselos ka?" tanong niya at hindi agad ako nakaimik.

Teka? Nagseselos ba ako? Kinapa ko ang dibdib ko.

Naiinis ako dahil nag-aalala siya kay Trynd. May gusto ba siya sa kaibigan kong 'yun?

"Oo! Nagseselos nga ako! Happy now?" I mocked her and left her. Bumaba na ako ng hagdanan.

"Wait! Teka! S-sinabi mong nagseselos ka?" tanong niya ulit at hinarap ako. Nasa baba na kami ngayon. Nasa pintuan ng salon niya.

Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon