You really don't always have to be super nice. Sometimes you have to show your bad side so that you can sort out who can accept you at your worst.
~°~
"Po?"
"I was looking for someone who can do the job. But the question is, are you interested?"
Hindi raw siya naghahanap ng secretary. Pero ano 'to? Takas sa mental yata ang Ginang na 'to.
"Are you interested Miss Miss?" tanong niya ulit na para bang nalilito sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Miss Frica ..I mean Miss- Miss Frica Lara-..." nalilitong bigkas niya sa pangalan ko.
"Yes, I'm interested ma'am. And please call me with my surname na lang po ma'am." sagot ko agad.
Nakangiwing ngumiti muna ito.
Kinuha niya ang Cellphone niya sa mesa at narinig kong may tinawagan ito.
Maya maya lang ay may pumasok na babae na may dala dalang documents.
"Thanks Lucy." pasalamat niya sa babae. At inabot nito ang isang papel.
Tinanggap ito ng ginang at ibinigay ang isang pares sa akin. Agad ko naman itong tinanggap.
"A-ano po 'to Ma'am?"
"A contract." simpleng sagot niya.
"A-anhin ko po 'to?" tanong ko sa nanginginig na boses. Ewan ko kung bakit bigla yata akong nakaramdam ng nerbyos.
"Kainin mo." utos niya.
Ha? Nagbibiro ba siya?
Hindi yata eh. Ang seryoso ng mukha niya!
Parang hinihintay niya talagang gawin ko 'yung utos niya. Mataman niya kasi akong tinititigan.
Nang akmang kakagatin ko na sana ang kontrata bigla na lang siya humalakhak.
Confirmed! Takas sa mental 'to.
"Basahin mo yan... Kakainin mo rin talaga noh?" aniya na natatawa pa rin at tila ba tuwang tuwa sa ginawa ko.
Sabi niya kainin ko raw. Tapos ngayon tatawa siya.
Baliw talaga.
Kung sabagay wala pa akong lunch. Pwede na 'tong pananghalian, tamang tama nagtitipid din ako.
"Hey- " pukaw niya.
Kaya napalingon muli ako sa kanya.
"Huwag mong titigan, basahin mo muna ang mga terms and conditions. Wait. Naglunch ka na ba?"
Umiling ako bilang sagot. Actually kanina ko pa tinitiis ang gutom.
"Why dont we discuss it over lunch?" offer niya and i swear kuminang agad ang mata ko.
Pero nag-aalangan pa rin ako dahil wala akong dalang malaking pera.
Mukhang nabasa niya naman ang laman ng isip ko.
"Dont worry my treat." Aniya at agad akong tumango.
"Sure!" sagot ko agad at nauna pa akong tumayo.
----------------------
"Oh- dahan dahan lang..."Natatawang sabi ni Tita Mona. Sabi niya iyon nalang daw itawag ko sa kanya. Pero i prefer to call her madam sa isip ko.
"Ehk- ang sharap kashi T-tita .." sabi ko habang puno 'yung bibig ko ng pagkain.
She chuckled. "Ang sarap mong tingnan habang kumakain Lara." Oo nagkausap na kami kanina at napagpasyahan namin na Lara na lang itawag niya sa akin.
Ngumiti ako. "B-bakit di mo pa po ginagalaw ang pagkain niyo Tita Mona?"
"Actually kumain na ako kanina, kaya nung mag breaktime ang HR ako na muna pumalit." sabi niya sa mahinhin na boses.
"Hey Tita! What are you doin here?" Isang napakagwapong lalaki ang sumulpot sa gilid namin.
My jaw dropped. Grabe ang gwapo naman ng lalaking 'to. Kasing gwapo din nung lalaking nasa train the other day.
"And who's this girl ..." tumingin ito sa akin.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya at pagngiwi ng labi niya.
"Uh, this is Lara my personal fortune teller." Pakilala ni Tita Mona. Yes, i'm her personal fortune teller, kapag may nagtanong 'yun daw dapat isasagot namin.
"Really a fortune teller huh?" He exclaimed.
Agad akong nailang dahil sa paraan ng pagtitig niya. Ang ganda kasi ng mga mata niya.
Green-eyed din kasi siya. Nakakahipnotismo.
"Lara, this is Tryndamere Davidson. My son's bestfriend." Pakilala ni Madam monalisa.
"Hi Lara, just call me Trynd." pakilala nito sabay lahad ng kamay.
Nag-alangan naman akong tanggapin iyon. Ang gwapo niya kasi.
"I-umh... Lara." sabi ko at literal talaga akong napanganga.
"Uhm.. You have a..." He gestured something on his lips.
"You have something...uhm" at tinuro niya 'yung gilid ng labi niya.
"A-ano?"tanong ko. Narinig kong tumawa si Madam.
"Lara, may ano ka sa gilid ng labi mo."
Sabi ni madam.
Agad kong hinawakan ang gilid ng labi ko. Nakakahiya! May pagkain palang dumikit sa gilid ng bibig ko.
He smiled at me. "You're cute."
Cute? Really?
Cute lang?
"No, you're way more than that." Sabi niya ulit.
Mind reader?
"No, i'm not a mind reader. You spilled it out, silly." He chuckled.
Napansin kong kanina pa kami pinagmamasdan ni Madam.
"I like this girl Tita." Sabi niya pa at nilingon si Madam.
Ngumiti si Madam. "Same here Trynd. Well... Wow. You two." sabi ni Madam.
I saw in my peripheral vision that he raised his brow. "What about us Tita?" Trynd asked.
"Magkamukha kasi kayong dalawa. Ngayon ko lang din narealized na green din pala ang kulay ng mga mata mo Lara."
Oh? Coincidence?
[4]
---------------------------------------------------------
Please support by voting. Thanks!
Avrilidel
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
Fiksi UmumThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate
