TLS-13

19.9K 425 5
                                        


It's not about who hurt you and broke you down. It's about who was always there to make you smile.

†*******

"Oh..saan ka pupunta at ang daming laman ng bag mo?" tanong ni Jessica.

"Secret..."panunuya ko sa kanya at ngumisi ako.

Maya maya ay naririnig ko na ang busina ng kotse ni Twisted. Sinabi niya kasi na susunduin na lang niya ako ngayon, dahil may pupuntahan kaming charity event. Sinilip ko siya at nakita ko na ibang kotse ang dala niya ngayon.

Mga mayayaman nga talaga parang damit lang kung magpalit ng kotse. Kahapon itim na porche ang gamit niya. Ngayon isang ford ranger na kulay itim din ang gamit niya.

"Saan nga pala tayo pupunta ulit?"tanong ko nang nasa byahe na kami. Nasa front seat ako nakaupo. Noong una nahihiya ako umupo rito kaya sa backseat sana ako uupo. Kaso sinigawan niya ako, pinagmukha ko raw siyang driver ko.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin 'yung sinabi niya sa bar na 'I knew it... It's you!'

Nalilito pa rin kasi ako.

Alam niyang ako 'yun? Teka, kailangan kong e confirm 'to.

"Uhm..." panimula ko.
Teka paano ko ba 'to sisimulan? Ang awkward naman yatang pag-usapan.

Nakita kong nilingon niya ako saglit bago niya ibinalik ang tingin sa kalsada.

Nakagat ko ang labi ko at nag-isip.

Nang mahagip ng tingin ko 'yung train. Tama!

Light bulb!

"U-uy.. Twisted! May train oh!" turo ko sa train na kasalukuyang huminto.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Oh? Ngayon ka lang nakakita ng train?" di makapaniwalang tanong niya.

"A-ah... Hindi ah. Ilang beses na nga akong sumakay niyan."

"Oh. Really? Ako isang beses lang yata." sabi niya.

Hala? Isang beses? Ibig sabihin, first time niyang sumakay ng train noong nagkasabay kami?

"Talaga? Gusto mong sumakay tayo ulit nyan?" tanong ko.

He didn't say anything at nakita kong ngumiti siya.

Hala? Ngumiti siya? Shit. Pangalawang beses ko lang yata siyang nakitang ngumiti! Mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko.

Hindi kaya? Alam niyang ako 'yun at naalala na niya?

"M-may naalala ka ba?" nagagalak na sabi ko.

Nilingon niya ako na nakangiti pa rin.
"Bakit?"

"Uh, nakangiti ka kasing mag-isa." sabi ko at ngumiti rin.

"Uh, aherrm...yeah.. I just remember someone." sabi niya pero nawala na 'yung ngiti sa labi.

Nagsisisi tuloy ako kung bakit sinabi ko pang ngumingiti siyang mag-isa.

I nodded my head."S-sino?"

"Someone you don't know." tipid niyang sagot.

Base sa sagot niya. Hindi niya alam na ako 'yung babaeng yun sa train.

"Uh, o-okay..." sagot ko. May nadaanan kaming isang bar.

Light bulb ulit!

"Twisted... May bar oh? Nakapunta ka na ba ng bar?" tanong ko.

Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon