Once you choose hope, anything is possible.~Lara~
"Argh..." Nakakainis kulang pa din ang naipon ko.
"Oh problema mo?" Ani Jessica na kararating lang.
"Kulang pa rin kasi itong naipon ko. Tapos mababawasan ko pa 'to para pangbayad ng upa ngayong buwan." Naiiyak na saad ko sa kanya.
"Kung sana kasi tinanggap mo na 'yung inaalok ko sayo. Sasayaw ka lang naman."
"Kahit anong racket papasukin ko 'wag lang ang sumayaw na naka bra at panty sa sinasabi mong club."
"Echoos mo talaga girl. Ang galing mong gumiling pero hindi mo ginagawang hanapbuhay. Panloloko nga ng tao nasisikmura mong gawin, itong sasayaw ka lang tapos magkakainstant pera ka na aayaw ayaw ka pa. Pangmayaman ang Club na yun. Saka nakadepende lang naman sayo kung magpapa take out ka."
"Ah basta. Susubukan kong maghanap ng matinong trabaho."
"Mabuti pa nga, pero 'yung inaalok ko sayo, pag-isipan mo pa rin 'yun."
"Aalis na muna ako, ikaw na muna bahala dito sa salon." Paalam ko sa kanya.
May sarili kasi akong maliit na salon, iniwan sa akin ni Papang nang nagpasyahan nila Mamang na umuwi na lang sa probinsya namin sa mindanao. Bukod dun, may connected na maliit na kwarto din dito kung saan ginagawa kong racket ang panghuhula. Doon ko dinadala ang mga taong nagpapahula sa akin.
Agad akong pumara ng jeep nang makalabas na ako sa eskineta.
Mula nang mapahiya ako kahapon sa loob ng train, hindi na ako sumakay ulit dun at nagjeep na lang ako pauwi kahit tatlong ride pa ang sasakyan ko.
Agad kong pinuntahan ang bawat hiring na nabasa ko sa dyaryo at nagpasa ng resume. Meron ding direct interview pero sa kasamaang palad. Hindi ako qualified dahil college graduate ang hinahanap nila. Hanggang second year college lang kasi ako, nahinto ako noong nagkasakit ang bunso namin.
Eto na lang ang last chance ko. Kahit malinaw na nakasaad dito na College Graduate ang hinahanap nila. Nagbabasakali pa rin ako.
"Ah.. Good morning po Ma'am." bati ko sa isang babaeng naka uniform.
"Yes Ma'am?" Nakataas ang kilay nito.
Sinabi ko sa kanya na isa ako sa mga applicants na mag-aapply din bilang secretary.
Tinuro niya sakin kung saang floor at agad kong nakita ang iilang mga aplikante na nakaupo na rin sa waiting area.
Kinuha ng isang babae 'yung resume ko.
Oh my God! Ang gaganda ng mga damit nila. Pormal na pormal. Ako lang yata ang nakasandal at nakamaong pants ng itim dito.
Unti-unti kaming tinawag for interview. Ang iba ay tapos na, pero pinaghintay din sila for results. Mabilis lang pala ang takbo ng interview dahil wala pang 3 minutes nakita kong nagsilabasan na agad ang mga aplikante na nauna pa sa akin.
Pinagmasdan ko sila at di ko maiwasang di makaramdam ng panliliit sa sarili.Umupo ako sa bandang likuran ng waiting area at dahan dahan kong sinisilip ang mga resume nila.
May nakita ako na Business Management iyong natapos. May nurse, mayroong Information Technology, mayroon ding Teacher.
Mayroon ding CPA. Grabe teh! Uuwi na lang kaya ako?
Tumayo ako at lalabas na sana nang marinig kong tinawag ang pangalan ko.
Andito rin lang naman ako. Why not try it coconut?
"Good morning po Ma'am." bati ko agad nang makapasok na ako sa office ng HR.
"Actually, it's 12:15 na." sabi ng Ginang.
"A-ahaha... Ganun po ba? Pasensya na po ma'am wala po kasi akong relo. He-he-he." Kiwing ngiti ko sa kanya pero ni hindi man lang ito ngumiti kahit konti.
"Uh, G-good afternoon po pala."binati ko siya ulit.
"Okay. Good afternoon too. You may take your sit." agad akong tumalima at umupo sa harap ng mesa niya.
Focus Lara! Focus!
"So, Your name is..." Pagsisimula nito agad nang makaupo ako while still looking at my resume.
"Miss Frica Lara Fortune po." ngiting putol ko sa kanya.
Tumingin siya sakin gamit ang mga mata niya at pinagmasdan ako.
Eye to eye contact Lara!
Eye to eye!
Kaya nakipagtitigan din ako sa mga mata niya.
Agad kong tsi-neck ang mata ko baka kasi may morning star nang makita kong tumungo ulit siya sa binabasang resume.
"Okay. I was confused with your name. Is the Miss here..." pinutol ko agad siya.
"Miss is my first name ma'am. It's not a status."
Tumingin ulit siya sakin. "Okay, but you're..."
Pinutol ko ulit siya. "Single?"
Nakita kong tumango siya.
"Yes Ma'am. Single and ready to mingle." at ngumiti ng matamis.
"O-kay. So i have read your resume that you-" pinutol ko na naman siya.
"That I'm only a college level ma'am?"
Nakita ko ang pagtitimpi niya. Pero tumango ulit ito.
"Yes ma'am." nakangiti ko pa ring sagot. Minimaintain ko pa rin ang eye to eye contact namin.
"Are you aware that we-..." di ko na siya pinatapos ulit. Naku baka kutusan na ako nito.
"That your company was looking for a College Graduate ma'am?" nakapaskil pa rin ang ngiti sa mga labi ko.
Tumango ulit ito pero halata na ang inis sa mukha.
"Yes ma'am. But my instinct tells me that you're also looking for someone who can do the job."
Nakita kong nagbago ang facial expression niya at tila para itong nagagalak sa sinabi ko.
"You're right. I was really looking for someone who can do the job. But..." aniya. And this time hindi ko siya pinutol dahil siya na mismo ang pumutol sa nais niyang sabihin.
"But?" tanong ko nang hindi pa rin siya nagsalita.
Tumawa ito. As in humahalakhak ito.
Naiwan naman akong nakatanga.
Anong nakakatawa?
Tumigil na ito sa pagtawa pero nakangiti pa rin ito.. Ngayon ko lang narealized na maganda ito at halatang mayaman. Mukhang hindi ito basta ordinaryo lang na ginang na nagtatrabaho sa kompanyang 'to. Hindi pala kasi ito nakauniporme nang katulad nung mga employee sa labas.
"Pasensya na hija. Akala ko kasi, dudugtungan mo ulit ako. Kaya kusa na akong huminto sa pagsasalita." Nakangiti ito habang nagsasalita.
"I'm Tricia Monalisa Orlando Fate. I'm the CEO's mother." pakilala niya at agad kong naramdaman na mabait ang Ginang na 'to.
Pero ano raw? CEO's mother?
"H-ho? A-anak niyo po ang CEO-?
"Yes. And i wasn't really looking for a secretary." aniya sa natutuwang boses na para bang nasa "wow mali pa rin" ako?
"Po?"
Hindi nga ako kumain ng tanghalian para mag-apply dito. Tapos sasabihin niyang hindi talaga siya naghahanap ng secretary?
Ano to? Joke time lang ng mga mayayaman?
[3]
-
--------------------------------------------------------
Please vote.... Napataas ang UD ko ng konti. Kaya pinutol ko na.Avrilidel
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
Ficção GeralThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate