TLS-17

17K 363 4
                                    


When someone else's happiness is your happiness, that is love.

********

"N-nagseselos ka ba?" lakas loob kong tanong sa kanya. Baka nga nagseselos siya kaya niya sinuntok si Clein.

Nagseselos siya dahil nakita niya kaming dalawa. At nakita niya ang pambabastos ni Clein sa akin.

His face turned red. His eyes piercing in so much madness.

Bakit ba siya nagagalit?

"At bakit naman ako magseselos?" tanong niya.

Argg.. Bakit ba ayaw niyang aminin sa akin! Alangan naman na tungkol na naman ito sa babaeng 'yun?

"Si Lorraine na naman ba?" tanong ko.

He fake a smile. "Bakit di mo hulaan? Di ba diyan ka lang naman magaling?"
Sigaw niya. I smelled his breath at agad kong naamoy ang alcohol sa hininga niya.

Oo nga pala. Ako nga pala ang personal niyang dakilang manghuhula!

"Bakit ba kasi ang init init ng ulo mo?
At bakit ba naglalasing ka?" Bwesit na Twisted 'to.

"Pakialam mo ba? Pwede bang umalis ka na sa harapan ko? Nakakairita 'yang mukha mo!" He eyed me from head to toe.

"T-twisted.." bulong ko at uminit ang bawat gilid ng mga mata ko.

Bakit ba siya ganyan sa akin? Bakit ba lage na lang niya akong sinasaktan?

"Here..!" at may nilagay siya sa kamay ko. Tiningnan ko ito, at nakita ko ang iilang libong pera sa kamay ko.

"Get out of my face you whore! Ano? Hindi ba magaling sa kama si Clein kaya sa akin ka bumubuntot ngayon? Gusto mo rin bang kantutin kita?" insulto niyang sabi sa akin at parang tinutusok ng ilang karayom ang dibdib ko sa sobrang sakit.

Whore. Hindi ako nakapagtapos ng college pero alam ko ang ibig sabihin ng salitang 'yun.

How could he said those?

I slapped his face. Pero bakit ganoon? Hindi pa rin nababawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon?

Mas tumiim ang titig niya sa akin. At hinila niya ako bigla at isinandal sa gilid ng pinto ng kotse niya.

He attacked my lips. He kissed me but not in a passionate way. He's punishing me like there's something i've done that make him act this way.

I didn't respond on his kiss. He kiss me on my neck down to my collarbone. I sobbed, pakiramdam ko hindi lang niya ako ininsulto. Binaboy niya rin ang buong pagkatao ko.

He stopped kissing me and looked at me. Maya maya ay nagsalita siya.

"Get out of here. Bago pa ako may magawa sayo." sabi niya sa madiin at galit na boses.

"H-hindi ako aalis." determinadong sabi ko sa kanya.

Hindi ako aalis hanggat hindi niya sinasabi sa akin ang totoo.

Hindi ako aalis dahil alam kong may problema siya kaya siya naglalasing.

At lasing lang siya kaya niya nasasabi ang mga bagay na 'yun. Kaya niya ako ininsulto.

Tama! Lasing lang siya. Kumbinsi ko sa sarili.

"Talagang hindi ka aalis ha?" angas niyang sabi.

Hindi ako umimik at pinakiramdaman lang siya.

"You really want to know the truth?" he asked all of a sudden.

Tiningala ko siya.

"Fine! You left me no choice." he sighed defeated. But anger was still visible on his face.

"Galit ako hindi dahil sayo. At oo nagseselos ako!" sigaw niya at matiim akong tinititigan.

"A-no?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Nagseselos talaga siya sa amin? Bakit?

Posible kayang... May nararamdaman na rin siya para sa akin?

Posible kayang sa konting panahon na magkasama kami ay nahulog din ang loob niya sa akin?

Na mahal niya na rin ako?

"Nagseselos ako.. Selos na selos ako. Dahil nalaman kong inagaw niya sa akin noon si Lorraine. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon naming dalawa! At hanggang ngayon inaagaw niya pa rin ang pagmamay-ari ko na!"

Hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

Bakit ba masakit marinig ang katotohanan? Lalo na't galing pa mismo sa bibig ng taong natutunan ko ng mahalin?

Akala ko nagseselos siya dahil sa akin, dahil may pakialam siya sa akin, at dahil natutunan na niya akong mahalin?

Pero nagkamali ako. Hanggang ngayon si Lorraine pa rin pala.

Kailan nga ba ako pumasok sa puso niya? Ni hindi nga ako makakatok sa pinto nito dahil matagal ng may nakareserba sa loob nyun.

Lumambot bigla ang mukha niya at napalitan ito ng pag-aalala. Pinahiran niya ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.

Bakit ba ako umiiyak? This is childish!

May kung anong emosyon akong nakita galing sa mga mata niya.

Just by looking at his eyes. Parang binibigyan niya ulit ng pag-asa ang puso ko.

Nakakatawa. Masyado kasi akong umaasa, masyado akong nag-aassume.

Kaya ako nasasaktan, dahil pinagbigyan ko ang sarili ko. Dahil pinaasa ko ang sarili ko.

Wala siyang kasalanan. Dahil kahit kailan ay hindi niya ako pinaasa.

I sighed at binigyan siya ng masiglang ngiti. "Gusto mong maayos ang relasyon niyo ni Lorraine di ba?"

Tinititigan niya ako na para bang di makapaniwala sa sinabi ko. 'Yung tingin na para bang naguguluhan siya sa inaakto ko.

"Ano Twisted? I can help you, gusto mong e surprise natin siya ng date? Wait, what about dinner? Tutulungan kitang maghanda ng dinner niyo?" sunod-sunod na tanong ko. Na para bang baliwala lang sa akin ang mga sinabi, pang-iinsulto at 'yung ginawa niya sa akin kanina.

Nakita kong bumuntunghininga siya at tumango siya. "I.. I'm s-sorry." he whispered that reached my ears.

Malungkot akong ngumiti.

Nakapagdesisyon na ako. Gusto kong bumawe, mahal ko siya pero si Lorraine pa rin ang mahal niya. Hindi mo naman mapipilit ang isang taong mahalin ka rin pabalik.

Ayoko ng lokohin siya, nagawa ko na 'yun ng paulit-ulit.

I'm sorry Madam. But this time, i just want his happiness.

It was Lorraine all along. His only happiness.

And it will always be her.

*********

Vote. Vote.

:)

******** end of chapter *********

Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon