TLS-19

18.3K 324 7
                                        


No one but a woman in love ever sees the maximum of men's greatness.

********
Twisted's POV

Hinihilot hilot ko ang magkabilaang sentido ko. Nasa opisina ako ngayon working with some documents, but i can't focus. Lagi kong naiisip si Colgate.

Inihatid ko siya kagabi. After i confessed. Nahihiwagahan ako sa kinikilos niya. Andun na ako eh! Sinabi ko nga di ba? Inamin ko na nga di ba?

Nagseselos ako! Selos na selos ako!

Pero bakit ganun? Umiyak lang siya. Ano ba 'yun? Hindi 'yun ang iniexpect kong magiging sagot niya.

I know I'm a big jerk. I kissed her with anger. Gusto ko lang siyang parusahan dahil hinayaan niya ang gagong yun na hawakan siya. At higit pa dun ang ginawa ko, and worst, i even insulted her.

I dont fucking care kung ilang beses na nilang ginagawa 'yun ni Clein!

That asshole! Im gonna kill him

Hinding hindi ako papayag na mahawakan niya ulit si Colgate!

Then all of a sudden, ngingiti siya at sinabi pa niyang tutulungan niya ako sa dinner? Geez! Nakakalito talaga ang mga babae kahit kailan!

"Good morning sir. I would like to remind you that you have a lunch meeting with a client today." paalala ni Ruby. She's my secretary.

"Okay. Thanks." tiningnan ko ang oras. It's almost 11:40 ng umaga.

Tumayo na rin ako para puntahan ang client sa isang napagkasunduang restaurant.

Nakita ko ang paglapit ng waiter sa akin. "I have a reservation under my name. Mr. Fate." pakilala ko.

Tumango ito at inihatid ako sa isang mesa kung saan may nakaupo ng isang foreigner kasama nito si Mr. Cojuangco. One of my investors.

"I hate late comers." bungad niya agad.

"I believe... I arrived on time." At tiningnan ko ang malaking orasan sa loob ng restaurant. At nakita kong kaka-12noon lang.

"Okay. Mr. Fate, he is the client i'm talking about. Mr. Larry Trundle Fortune."

"I'm so glad to finally meet you Mr. Fortune." napaisip ako. Pero saglit lang 'yun at isinawalang bahala ko na lang.

"Same here. Mr. Fate." anito at umupo.

The whole lunch meeting went well, as planned. We have him invests in our company. He's a millionaire at marami rin siyang business like hotels and restaurants sa ibang bansa. But I'm richest. Dahil hindi lang mga resorts and condominium ang mga pag-aari namin. I also owned an airport and planes from other countries.

Bumalik ako ng opisina mga past 1pm na. Marami akong inasikasong mga papeles. Panay naman ang text sa akin ni Lorraine. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nerereplyan. Nakakairita siya. I don't even miss her. Sometimes, i regretted the day that i accept her. But too late for that. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay kausapin siya mamaya, to clear things out. That I've tried, but we just dont clicked. That's it.

"Hello?" sagot ko sa telepono nang nagring ito.

"Sir, may naghahanap po sa inyo sabi niya siya daw si Miss Fri-"

Hindi ko na siya pinatapos. "Papasukin mo." nangingiting saad ko.

Well, well, namimiss niya ba ako?

Paano niya pala nalaman 'tong opisina ko?

Ngumisi ako. Looks like my Colgate did some research.

Inayos ko ang buhok ko at nagkukunwaring buzy sa mga papeles sa mesa ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Hi...T-twisted. Buzy ka ba?" tanong niya.

I raised my eyebrow.  "Obviously..?" masungit na sagot ko.

"Uh... Sige babalik na lang ako mamaya." narinig kong sinabi niya.

Agad ko siyang nilingon.

"No!" sigaw ko. Bakit ba kasi hindi ako nag-iisip?

"I mean.. Y-you can wait here. Just sit there." sabi ko. Nakita kong tumalima siya at umupo sa sala.

Sinusulyapan ko siya paminsan-minsan. At nakita kong mataman lang siyang nakatitig sa mga paintings na nakadisplay sa loob ng opisina ko.

Gusto kong sabay kaming magdinner mamaya.

Lihim akong napangiti at parang naging madali lang sa akin ang lahat ng tinarbaho kong mga papeles.

I like the feeling that she's patiently waiting for me. I like the attention. I like watching her while i'm working some papers. She's like a charger. Naging energetic ako bigla dahil sa presensya niya.

"H-hindi ka pa ba tapos?" narinig kong tanong niya.

Sumulyap muna ako sa kanya bago ko siya sinagot. "Konti na lang 'to."

"U-uh.. Okay."

"Ano nga pala 'yung sadya mo?" tanong ko at nakita kong napasinghap siya.

Ngumiti siya sa akin. "Di ba sabi ko tutulungan kitang magkaayos kayo ni Lorraine?"

Napasimangot ako sa sinabi niya. Tsk. Hanggang ngayon iniisip niya pa rin 'yun?

"Well, nagpahanda kasi ako ng romantic dinner niyo para mamaya.'' masayang sabi niya.

Parang may mabigat na bagay na dumaan bigla sa dibdib ko.

Bakit niya ba ginagawa 'to?

She's pushing me away!

Ayaw niya ba sa akin?

I clenched my jaw. "Okay." walang emosyong sagot ko.

Ngumiti siya. "Sige, etetext na lang kita mamaya 'pag okay na ang lahat."

Matagal ko siyang tinitigan. Bakit di niya maramdamang ayaw ko?

Akala ko ba manghuhula siya?

"Tsk." i responded.

"S-sige, aalis na ako." Pamamaalam niya.

"Wait."sigaw ko at huminto naman siya.

"How can you text me? Do you even know my number?" I frowned.

Nilingon niya ako at nakita kong masaya siyang ngumiti. "Oo naman! Hiningi ko kay Tita Mona kanina."

Tita Mona? Napakunot ang noo ko. Si mama? "Uh.. okay. Thanks. Colgate." pasasalamat ko. I would like to add 'thanks for visiting me' and for brighten' up my day.

"You're welcome.... Hapee!" She responded and give me a genuine smile pero bago pa siya tuluyang makaalis ng opisina ko ay may sinabi ulit siya. "Sana nga magka-ayos na talaga kayo ni Lorraine."

Is this what you really want, Colgate?

********

Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon