If you love two people at the same time, choose the second one.
Because if you really loved the first one, you wouldn't have fallen for the second.**********
Twisted's PovBakit niya ba ginagawa 'to?
Ayaw niya ba talaga sa akin? Gwapo naman ako, hot, at mayaman. At mas magaling ako kesa dun sa gagong Clein na 'yun.
Nasa harap ko ngayon si Lorraine at kasalukuyan kaming nagdidinner. Naiinis ako nang maalala ko ang lalaking 'yun. Si Clein. Naiinis ako hindi dahil sa ginawa nilang panloloko ni Lorraine.
Kundi dahil sa lahat ng babae bakit si Colgate pa. Bakit hindi na lang sila magkabalikan ni Lorraine ulit?
Pinakiramdaman ko ang sarili. Wala akong makapang sakit.
Masyado akong nakulong sa nakaraan. I thought i still love her. Pero, nabubuhay lang pala ako sa ideyang 'yun. Dahil 'yung totoo matagal na pala akong nakalaya sa nakaraan namin.
Yumuko ako at nagtipa ng message. I texted her.
To: Colgate
Hey. Uh, i just want to say thanks.
Agad kong narinig ang message tone ng phone ko. Binasa ko agad ang minsahe niya.
From: Colgate
No worries. Just enjoy your dinner. :)
I raised my eyebrow. Really?
Ugh. Nakakainis siya. Bakit ba ang manhid manhid niya?To: Colgate
I appreciate it. But you should be dining us here. The more the merrier, right?
Bago pa ako sumubo ulit. Narinig ko ang message tone. Kaya kinuha ko agad 'to at di inalintana ang babaeng nasa harapan na kanina pa ako minamasdan.
From: Colgate
It's a romantic dinner para sa inyong dalawa. Okay na ako dito.
Nang mabasa ko ang reply niya. Agad ko siyang nilingon. Nasa isang mesa kasi siya nakaupo malapit sa entrance. Ngumiti siya sa akin kaya ningitian ko rin siya pabalik.
Magrereply na sana ako nang nagsalita si Lorraine.
"Sino ba 'yang katext mo? Ano bang problema mo Pierce? Akala ko ba okay na tayo?" sunod-sunod niyang tanong.
Naririndi ako sa kanya. I sighed. "Someone special." tipid kong sagot.
"W-what? Pierce..please. Akala ko ba we're fine already?" mangiyak-ngiyak na tanong niya.
Tsk. Kung dati nadadala ako sa mga drama niya. Ngayon, iwan ko, parang nauumay na ako sa kadramahan niya.
She's obviously faking it, bakit nga pala masyado akong nagbubulag bulagan noon at 'di ko nahalata na magaling lang talaga siyang umarte?
Napailing na lang ako. "I said we're fine." i answered her in a cold voice.
"Then, bakit ka ganyan? Ano ba talaga Pierce? You're being cold to me. Sabihin mo nga sa akin. May iba ba?" Tumaas na ang tono ng boses niya kaya napalingon sa amin ang ibang customers.
"Let's talk this over later. For now, ihahatid na muna kita pauwi."
"What? You're so impossible Pierce!" aniya sa galit na boses.
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
General FictionThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate