You have to believe there are kisses and laughs and risks worth taking.~°~
"Hindi ba sinabi ko na ayoko magpa take out!" Galit na sabi ko kay Jessica nang nasa dressing room na ako. Katatapos ko lang kasing sumayaw sa stage.
"Eh, iniipit ako ni Sir Zed eh! Kung di raw ako pumayag? Sisisantihin daw niya tayong dalawa. Tapos kalahati lang ng kita mo ngayon ang maiuuwi sayo."
Obviously ay tinatakot lamang kami ni boss Zed at ito namang bobitang 'to nagpapauto!
Malinaw na malinaw kaya ang pinermahan namin kanina. Tama siya noong sinabi niyang hindi ito basta basta lang na club. Bukod sa hindi illegal ay protected din ang mga dancers rito ayon sa nakasulat sa aming pinipermahang kontrata at nakadepende na lamang sayo kung magpapa take-out ka talaga to earn another extra cash. Pero wala ng pakialam ang may-ari ng club tungkol sa bagay na 'yun at kung sakaling may nangyaring masama naman sa'yo ay labas na ito.
Bakit ngayon pinipilit nila ako sa isang bagay na ayaw kong gawin?
Tapos iniipit pa nila si Jessica?
"Aiyysssttt.. Nasaan si boss?" Naabilidbarang tanong ko sa kanya.
"N-nasa VIP room." Sagot niya.
Kaya hindi na ako nagbihis pa at mabilis na naglakad palabas ng dressing room.
"Uy saan ka pupunta?" Tanong nito.
Binalingan ko siya.
"Saan pa ba? Kundi sa boss mo!" Naiinis na sigaw ko."Boss mo rin yun lokaloka!" sigaw din niya.
Nawala tuloy 'yung inis ko sa kanya at napangiti sa sinabi nito.
Napabuntong-hininga muna ako bago muling nagsalita ng malumaymay.
"Kakausapin ko lang." Sabi ko kay Jessica at tuluyang lumabas ng dressing room.Pagkalabas ko ay agad na sumalubong sa akin ang mga mapanuring titig. Ramdam ko mula sa mga mata ng mga customer na nandirito ngayong gabi ang matinding pagnanasa.
Shit. "B-bakit ganyan sila makatingin?" Tanong ko kay Jessica nang makita kong nasa tabi ko na pala siya at sinasabayan ako sa paglakad.
Dumaan kami sa bawat mesa ng mga costumers na kung susuriin mo ay parang nauulol.
It was like I was walking while singing "Pretty girls rock" kasi all eyes are on me when I walked in.
"Heller..teh! Aware ka naman siguro sa suot mo noh?" Narinig kong sabi niya at tinitigan ang suot ko.
Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala. Suot ko pa rin 'yung suot ko kanina habang sumasayaw. Naka boots ako at naka bikini ng red with glitters. Kaya kitang-kita ang buo kong katawan. Kumikinang 'yung suot ko ngayon kapag naiilawan na mas lalong nakaka-attract sa mga kalalakihan. Mabuti na lang pala at hindi ko pa natatanggal itong suot kong maskara. At kahit papano hindi ako natatablan ng hiya.
Nang marating na namin ang VIP room kung saan nandun sina Sir Zed at yung tinutukoy nitong dalawang kaibigan. Isa daw sa kanila ang may gustong e take-out ako.
"Boss." Sabi ko nang makapasok na kami sa loob.
Napakunot ang noo ko nang mahagip ng mga mata ko si Trynd na may kahalikang dalawang babae.
Anong ginagawa niya dito?
"Oh there you are. Come here you two... And join us here." Zed said.
I saw Trynd stopped kissing those girls at tumingin ito sa direction ko.
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
General FictionThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate