TLS-15

18.1K 413 1
                                        


You can always tell how much you love someone by how much they can hurt you.

********
Twisted's POV

Bakit siya andito?

Nilingon ko si Miss Freaking Lara Fortune. Nakita kong parang biglang lumungkot ang berde niyang mga mata bago ko siya iniwan.

Agad kong hinanap si Lorraine at nakita ko siyang palabas na ng simbahan. Tumakbo ako.

Gusto kong magpaliwanag sa kanya. Na wala lang 'yun kanina. Na nadala lang ako. Na walang namamagitan sa aming dalawa ni Fortune.

Agad kong hiniwakan ang braso niya at iniharap siya nang maabotan ko siya.

"Lorraine, it's not what you think.. That was nothing." i explained.

"Huh?" luminga-linga ito sa paligid na tila ba naguguluhan ito.

"Please let go of my arms mister." mahinahon na sabi niya. She's too different. Tinititigan ko siya. Her eyes says it all. She's too innocent. Too fragile. Too kind.

I let go of her arms.

Nakita ko ang paghawak niya sa parteng hinawakan ko.

"I don't know you, Mister. Sorry, but i have to go now. My mom is waiting for me." mahinhin ang paraan ng pagkakasabi niya.

Huh? Mom?

Kanina pa siya nakaalis sa harap ko. Pero andun pa rin ako nakatayo habang minamasdan ang papalayong kotse na sinasakyan niya.

"T-twisted. Okay ka lang?" Narinig kong tanong ni Miss Freaking Lara Fortune.

Hindi ako umimik at nilampasan ko lang siya. Bumalik ako sa loob ng simbahan at magalang na nagpaalam kay Mother Sisa at sa mga bata.

Nang pauwi na kami tinatanong niya ako minsan. Pero hindi ko siya sinasagot. Tahimik lang ako habang nagdadrive.

Okyupado ni Lorraine ang isip ko.
Iba siya ngayon kesa nung huli ko siyang nakausap.

Bakit ganoon 'yung reaction niya?

She said before na matagal ng patay ang mama niya. At naninirahan siya kasama ang papa niya.

Nalilito na tuloy ako. Nilingon ko si Miss Freaking Lara Fortune. Nakita kong mahimbing na mahimbing ang tulog niya.

What did i do?

Why the hell i kissed you?

I kissed you. Pero bakit ganoon?
Wala akong makapang pagsisisi sa ginawa kong paghalik sayo.

I remember that she said something nang papunta pa lang kami kanina sa Simbahan.

"Magkikita kayo ni Lorraine mamaya at magkukunwari siyang hindi ka niya kilala. At iiwasan ka niya."

It happened. Nagkukunyari lang ba talaga si Lorraine? Pero, nakikita ko sa mga mata niya. Hindi niya talaga ako kilala.

Totoo ka ba talaga Miss Frica Lara Fortune?

Huminto ako sa tapat ng salon niya. Narinig ko ang mahina niyang paghilik.

I reach her face at banayad na hinaplos ito.
------------------------

This is Lara's Pov

*****************

Nagising ako nang may maramdaman akong mainit na kamay sa mukha ko.

"You fell asleep."bungad niya agad.

Kinikipat-kipat ko ang mga mata. Naramdaman kong nakahinto pala kami sa isang kalye. Tiningnan ko ang labas at napakunot noo.

"Bakit hindi mo agad ako ginising?" sigaw ko nang marealized na nasa harap na pala kami ng salon ko.

"I don't want to disturb you. Kaya hinintay na lang kitang magising." kibitbalikat na sagot niya.

"Okay. Labas na ako. Uhm... Salamat." sabi ko at binuksan ang pinto ng kotse.

"Uh.. " narinig kong sabi niya kaya nilingon ko muna siya.

"Y-yes?"

He sighed. "It was nothing."

Kumunot ang noo ko. Saka ko naaalala. 'Yung halik na pinagsaluhan namin kanina.

"The kiss. It was nothing." He continued.

Naikuyom ko ang mga kamao. Bumigat bigla ang pakiramdam ko pero hindi ko pinahalata. At pilit na lamang na ngumiti.

May namumuong luha galing sa gilid ng mga mata ko. Kaya bago pa niya ito tuluyang makita agad akong lumabas ng kotse niya at padabog itong sinara.

Narinig ko ang pag-alis niya bago pa man ako makapasok sa loob ng salon.

Agad kong pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.

Bakit masakit?

Agad kong pinahiran ang mga luha ko nang marinig ko ang boses ni Jessica.

Pumasok na ako sa loob nang salon at dumiritsu sa hagdaan. Nasa second floor kasi ang kwarto ko.

"Uy teh, andyan ka na pala? Ano? Kumusta ang lakad niyo? Naku ikaw huh! Masyado kang masekrito. Nagdate ba kayo ni pogi?" sunod-sunod na tanong niya.

Pero dinaanan ko lang siya at hindi ko siya sinagot hanggang sa marating ko na ang kwarto.

Agad akong sumampa sa kama at umiyak.

Bakit ba ako nasasaktan?

It's just a kiss. Nothing special, right?

Pero bakit hindi ako sang-ayon. Bakit mas masakit isiping wala man lang itong halaga sa kanya?

Umasa ako. Oo, umasa ako. Masyado ba akong assyumira?

'The kiss. It was nothing.'

Napailing-iling ako na tila ba ay hindi ito matanggap ng buong sistema ko.

Rejection. Masakit pala ang mareject. And worst, pinaasa at umasa. Nagpakatanga ako 'dun nang iwan niya ako para sundan si Lorraine.

I remember Lorraine. Bakit ba kailangan niya pang sumulpot 'dun?

Bakit kasi nandoon siya?

Nang maalala ko ang mga sinabi ko kay Twisted kanina noong papunta pa lang kami ay parang pinagsisihan ko pa na sinabi ko 'yun sa kanya.

"Magkikita kayo ni Lorraine mamaya at magkukunwari siyang hindi ka niya kilala. At iiwasan ka niya."

Tumawa ako habang umiiyak pa rin.
"Lord? Bakit niyo naman po tinotoo?" tanong ko at tumingin sa kisami.

Kung may makakakita sa akin rito. Iisipin talaga nilang lokaloka ako.

"Lord. Nasasaktan ako." bulong ko.

Humagulgul ako hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iyak.

--------

Pls vote.. Thanks.

Lovelotz,
Avrilidel

******** end of chapter*******



Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon