Extra Chapter

19.6K 302 16
                                        


UNTOLD PARTS OF THE STORY

*******

"Oh Lara? Heto ang pera. Ikaw nang bahala." At ibinigay ni Tita Mona ang mga nagkakapalang mga salapi.

"Okay po Tita. Puntahan ko lang po sila." sabi ko at iniwan si Madam sa loob ng kotse.

Pumunta ako sa likod ng restaurant kung saan ay nagkita kami ni Twisted kanina.

 

"Oh saan na 'yung bayad?" bungad ni Luna at inilahad niya ang palad sa harapan ko. Siya 'yung nagkukunwaring Jane kanina.

 

"Oh heto." inabot ko sa kanya ang 500 pesos.

 

"500 lang? Hoy kulang 'to! Ang hirap kayang magpalabas ng luha. Gawin mong 1000!" maangas na reklamo niya. May pagkatomboy kasi. Sayang maganda sana.

"Oh ayan." at dinagdagan ko 'yung pera niya.

"Nice!.. Ghe. Salamat!" paalam niya. At mahina akong sinuntok sa braso.

Napailing na lang ako sa inasal niya.

"Pst. 'Yung amin ate?" Sigaw ng grupo ng mga bagito.

"Oh heto. Hati hatiin niyo na lang.." sabi ko. At binigay ko 'yung parte nila.

"Ayos!! Oh mga pards. Tara na!" Sigaw niya sa mga kaibigan. Siya 'yung bagitong humalik sa dalagita.

"Galing pards ah! Nakahalik ka na! Magkakapera pa tayo." at ngumisi sila ng nakakaloko!

"Sshhsss.. Si Taliah oh.." bulong nung isa.

Lumapit 'yung bagito kanina. "Hi Taliah... Ahhrmmm.. Anong masasabi mo sa halik ko?" preskong tanong nito sa dalaga.

 

"Yung totoo Shen?... Ang tuod mong humalik! Ang tigas pa ng mga labi mo. Kasing kapal ng mukha mo!" sigaw ng dalagita at inirapan si Shen, siya 'yung humalik sa babae kanina sa restaurant.

 

"Hahaha..." tawa ng mga barkada niya. Napahiya naman 'yung bagito. At nagkamot na lang ng ulo.

 

"Woahhh... Shen! Patingin nga ng mga labi mo! Makapal daw! Tang ina! Hahaha..." kantyaw ng isang kabarkada nito.

Nakita kong papalapit 'yung dalaga at ningitian ko siya. Tantiya ko'y mga 16 pa lang ang edad nito.

"Ahmm.. Ate, 'yung TF ko po?" Magalang niyang tanong.

Ibinigay ko 'yung 1000 sa kanya.

"Ahh.. 1000 lang? Eh... First kiss ko 'yun tapos one thousand lang? Hindi nga ako dapat papayag 'dun! Wala naman sa usapan natin kahapon 'yun ah?"

I sighed. Tiningnan ko 'yung natitirang pera. Dapat sa akin na 'yun eh. Parte ko na lang ang natitira. 5000 pesos.

"Sige na nga.." At binigay ko sa kanya ang 5000 na dapat ay sa akin.
 

"Oh.. Sayo na lang 'yang parte ko." at ningitian ko siya.

 

"S-salamat ate..." lumuha ito bigla. Nahabag tuloy ako.
 

"Ang laking tulong po nito! Salamat po talaga!" at bigla niya na lang ako niyakap.

Kaya napangiti na lang ako ng lihim.

-------------------------

Next series:
Innocence#2: Tempting Ashery (Still in my draft)

Publish ko na lang kapag tapos na!

:) pls vote and support my story.

Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon