TLS-1

31.6K 535 29
                                    

Be yourself. People don't have to like you, and you don't have to care.

~°~

7 days earlier

Kanina pa ako nakatayo rito sa loob ng train dahil rush hour. Nakikipagsiksikan ako dito sa loob ng sakayan ng mga lalaki dahil puno na 'yung kabila kung saan ay siyang pilahan ng mga babae at wala man lang maski isang umalok ng pwedeng maupuan. Hay nako! Gentledog nalang ang natitirang gentle sa mundo.

Speaking of 'dog', kumalam bigla 'yung tiyan ko. Kaya kinuha ko ang Jolly hotdog na nasa loob ng bag ko at kinagatan ito. Dahil sa sobrang gutom ay mabilis ko rin itong naubos.

Napausog ako sa may dulo nang huminto ang train sa isang station at mas lalo pa kaming nadagdagan dito sa loob.

"Ano ba!" sigaw ko sa taong kanina pa kumakalabit sa hita ko.

Tumigil naman ito, pero maya maya ay naramdaman kong may kumakalabit ulit sa bandang pwet ko na. Napapikit ako at lihim na umusog ng konti.

Pinakiramdaman ko ang paligid. Kung bakit naman kasi dito ko piniling pumwesto kung saan ay halos  napapagitnaan ako ng mga lalaki. Paano pala kung may mangtrip sa akin dito? Uso pa naman 'yung gang grope sa Japan. Baka sumabay na rin sa uso yung mga nauulol na Pinoy na nahihirapang maghanap ng chix dahil sa kawalan nila ng hitsura! Oh God! Nilingon ko ang mga lalaki sa harapan. Walang bago, mga ordinaryo lamang itong lalaki sa aking paningin.

Blame their genes! And blessed mine.

May God forgive me for I have sin. Again.

Maya-maya ay muli ko na namang naramdaman ang paggalaw ng kung ano sa likod ng aking pwet.

Oh Dear God!

Ito na ba iyong sinasabi nilang 'gang grope'? Magiging biktima na ba ako ng mga manyakis na mga unggoy na 'to?

Paisa-isa kong tiningnan ang bawat mukha ng mga lalaki sa paligid ko at pinagmasdan ang bawat galaw nila.

May nakanga-nga, mayroon ding mga pandak, may mataba, matangkad at mayroon ding nahuli ko sa akto na nangungulangot.

Napangiwi ako nang makita kong pinunas niya ito sa damit ng lalaking katabi niya.

Eeewwww.. so gross!

Muli ko na naman naramdaman ang paggalaw ng kung sino mula sa aking likuran. Sa tingin ko ay may isang mainit at parang nakaumbok na bagay ang nasa bandang likod ng pwet ko.

Nakaramdam ako ng nervous. Alam kong hindi lamang ito basta ordinaryong bagay lang, may bagay bang medyo matulis na mainit? At nagkataon pa talaga na nasa bandang pwetan ko pa?

Ito na ba yung karma ko? Ang ma-gang rape sa isang train?

Lihim akong napapikit at nagdasal ng taimtim.

Dear Lord, pls help me. I promise hindi na po ako mangloloko ng tao. Hahanap na po ako ng matinong trabaho!

Nahinto ako sa pagdarasal nang mas lalo pa akong napausog kaya mas naramdaman ko ang pagkaumbok ng 'ano' ng lalaking nasa likuran ko.

Napagpasyahan kong lingunin ang mukha ng kung sino mang bastos na unggoy na nasa aking likuran kaya pasimple kong pinihit ang aking ulo.

Ngunit dibdib lang nito ang aking nabungaran at nahalata kong medyo maluwag ang pagkakatali ng necktie na suot nito kaya kitang kita ko ang dibdib niya.

Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon