Don't worry when i fight with you,
Worry when i stop, because it means there is nothing left for us to fight for.
******
Lara's Pov
"Are you done packing your things?" Trynd asked me. He seems so excited. Parang siya 'yung aalis.
Itinigil ko na ang kabaliwan ko kay Twisted. Hindi na rin ako naghahatid ng lunchbox sa office niya, dalawang linggo na rin ang nakakaraan. Nililibang ko na lang ang sarili ko habang nandirito pa ako sa Pilipinas at nag-out of town kami ni Trynd, pumunta kaming palawan at nag stay kami ng tatlong araw dun. Pumunta din kami sa boracay and stayed there for four days. Sinama ko naman si Trynd nang bisitahin ko sila Mamang at Papang na siyang nagpalaki sa akin. Si bunso naman matagal ng naoperahan dahil sa wakas ay nakahanap na rin kami ng heart donor.
Bukas, early in the morning ang flight ko patungong Paris.
Kaya i invited Jessica at pumunta kami sa isang bar kung saan walang Trynd at Zed.
We drank a lot and enjoyed the night. Kasama namin ang boyfriend niyang si Kevin. Kaya okay lang kung maglalasing kami.
"Fy, uwi na tayo. Lasing na lasing ka na eh." anyaya ni Kevin sa kasintahan na ngayo'y naghihilik na sa upuan.
I laughed. "Tara." Sabi ko at pinagtulungan namin si Jessica na isakay sa loob ng kotse.
Lasing na rin ako pero nasa tamang huwesyo pa rin naman.
Sinabi ko kay Kevin na ihatid ako sa Fate's Condominium.
"L-lara? Baka mapapagalitan ako ni Trynd nito." sabi niya pa ng bumaba na ako sa kotse niya.
Nasa harap na ako ngayon ng building.
"J-just dont tell him. Kay?" I'm desperate. I want his forgiveness. Gusto ko bago man lang ako umalis ng Pilipinas ay mapatawad niya man lang ako.
"Okay. Just call me if you're in trouble." Ani Kevin.
Tumango ako at nagpaalam na papasok na ako sa loob ng building.
Dumiritsu ako sa elevator. I just hope he's here. Nalaman ko kasi na minsan lang siya umuuwi dito.
And Trynd told me before that even Lorraine doesn't know this place. Dahil noong lumipat si Twisted dito ay hiwalay na raw sila ni Lorraine 'nun.
I just want to talk to Twisted. I just want him to forgive me.
Gusto ko siyang makausap 'yung walang Lorraine na nakabuntot sa kanya. Nagbabakasakali pa rin akong dito siya uuwi sa condominium niya.
Alam ko ang number ng unit niya. I have my sources.
Nagdoorbell ako ng ilang beses pero walang nagbubukas sa akin. Kaya umupo ako sahig at sumandal sa pinto. Maghihintay ako sa kanya hanggang alas 12.
Matagal akong naghintay halos isang oras din. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko mag-aalas dose na, mukhang hindi dito uuwi si Twisted ngayon. Kaya dahan dahan akong tumayo.
Nag-aabang ako sa harap ng elevator nang bumukas ito at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Twisted.
Nagulat siya nang makita niya ako 'dun pero saglit lang 'yun dahil napalitan agad ito ng galit na ekspresyon.
"How did you know this place?" tanong niya agad nang makapasok na kami sa loob ng condo niya.
I was thankful enough at pinapasok niya pa ako sa loob ng condo niya.
"Trynd had mentioned-"
"Trynd? Oh... Right. I forgot, you guys are so closed. So closed." ulit niya at binigyan ng diin yung huling mga salita.
"T-twisted. I'm... Sorry. Gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng ginawa kong panloloko sayo." panimula ko. I dont want this time to go to waste.
"Wow. You just came here to ask for my forgiveness? Huh Lara? Akala mo ba mauuto mo ulit ako? Kahit kailan hindi na ako maniniwala sayo, you bitch!" galit niyang sagot.
Bitch. Uminit ang bawat sulok ng mga mata ko. Masakit pa lang marinig ang salitang 'yun galing sa bibig ng taong pinahahalagahan mo.
"Please... Twisted. Just this one, pakinggan mo naman ako." i begged for him to listen.
Umupo siya, sumandal sa couch at humalikipkip. Tinititigan niya lang ako na tila ba tinitimbang niya ang bawat sinabi ko.
"Alam kong nagkamali ako nang pumayag ako sa offer ng mama mo. Pero 'yun lang ang tanging paraan para mapagamot ko ang kapatid ko 'nun. God knows i dont want to fool you anymore.." sabi ko.
Tumayo siya at humalakhak. "Just leave. At pwede ba 'wag mong isali ang pamilya mo. Dahil gawain mo na talaga ang manloloko ng kapwa. Now Lara! Get out. O baka gusto mong kaladkarin pa kita palabas ng unit ko!"
Umiling ako habang panay ang agos ng mga luha ko sa pisngi ko. Ito ang huling beses na makikita ko siya. This will be the last time na mag-uusap kami. And i dont want to let this moment end without changing anything.
"T-twisted. I w-will do anything..para mawala 'yang galit sa puso mo. Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako. I won't stop Twisted. I won't go home hanggat hindi mo ako mapapatawad." matigas na sabi ko sa kanya.
Ngumisi siya ng nakakaloko. At napahilamos. "You're really are a one tough woman huh?"
Patuloy lang ang pag-agos ng luha ko.
"I b-begged you Twisted... K-kapag mapatawad mo na ako. U-umasa kang h-hindi na ako manggugulo sayo."
His gazed piercing on me.
Pierce. His name suits him.
"Titigilan mo na ako?" Biglang nagbago ang emosyon na nagmumula sa mga mata niya.
Tumango ako.
His eyes burning with anger and desire. "Fine! I will forgive you Lara.. but you'll have to spend the night with me!" then he walked closer. At tinititigan ako sa mga mata.
Napatingala ako. Naguguluhan ako sa sinabi niya.
"Have sex with me Lara...that's the only way I can forgive you. You've caused me too much pain in my heart. You can never erase those unless you do what i say." he said without breaking his gazed.
Nagkatitigan kami ng ilang segundo. He's serious. I can see lust on his eyes.
Of course! Lust. He likes me because he lusts me. He only wants to get inside me. Bakit nga pala ako nagpapakatanga sa paghanda ng lunchbox niya everyday? Gayong may mabilis na paraan naman pala para mapatawad na niya ako?
"Scared bitch? You even had sex with Clein and Trynd. At sa akin pag-iisipan mo pa talaga?" ngumisi siya.
"A-anong s-sinabi mo?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala sa mga lumalabas na salita galing sa bibig niya.
"You heard it right... Slut! Akala mo hindi ko alam na ibinahay ka na ni Trynd?"
I slapped him. Anong karapatan niyang pagsalitaan ako ng ganyan?
Nakita kong bumakat ang kamay ko sa mukha niya.
He glanced back at me and give me a deadly glare. He clinched his jaw and he bit his lips. Hinila niya ako at hinalikan ako ng marahas.
*******End of chapter*******
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
Ficción GeneralThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate
