TLS-10

20.4K 406 4
                                        

You know you're in love when you can't fall asleep because reality is finally better than your dreams.

*****
Lara's POV

"Pang. Kumusta na po si bunso?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Medyo okay na siya anak. Pero kailangan pa rin ng mahabang pagamutan." sagot ni Papang sa kabilang linya.

"Mabuti naman po kung ganun Pang. Pwede pakausap kay Mamang?"

Narinig ko ang boses ni Mamang. "Anak? Kumusta man ka diha?"

(Na ibig sabihin 'kumusta ka na diyan?')

"Okay ra ko Mang. Ayawg kabalaka nako dinhe. Kamu, pag-amping mo dinha ha?" sagot ko gamit ang unang lingwahe ko. Tubong bisaya kasi ako kahit na hindi ako ipinanganak 'dun.

(Na ibig sabihin 'Okay lang ako Mang. Wag kang mag-alala sa akin dito. Kayo, mag-iingat po kayo dyan ha?')

"Oo anak. Sige nak." paalam ni Mamang.

"Sige Mang." sagot ko.

At saka pinatay ko na ang tawag. Kailangan ko na talaga ng trabaho para pangtustus sa mga gamot ni bunso.

Humiga ako sa kama at nag-iisip. Pero hindi ako makapag-isip ng maayos. Mukha kasi ni Twisted ang nakikita ko sa kisame.

Tae na 'to!

Attractive talaga ako sa supladong 'yun!

Pero Lara. Attraction pa lang yan. Kaya hangga't maaga pa. Pigilan mo! Mayaman siya at gwapo. Kaya walang wala ka sa mga babaeng dumidikit 'dun!

Kung bakit kasi pinanganak akong mahirap eh! But... Yes i might came from a poor family but i'm proud of them. Dahil nabibiyaan naman ako ng isang mapagmahal na ina at ama. Kahit hindi ako tunay na anak ni Papang, itinuring niya pa rin akong parang isang tunay na anak.

Napapikit ako ng mariin. Saka tumagilid ng higa.

"Wala akong gusto kay Twisted. Tama Lara! Wala kang gusto sa kanya! Itatak mo yan sa isip mo!" sabi ko sarili at saka dahan dahan kong ibinuka 'yung mga mata ko.

"Pero bakit ganun? Nakikita ko pa rin ang mukha niya?" hopeless na sabi ko ulit sa sarili.

"Mukha nino?" rinig kong tanong ni Jessica na siyang nasa harap ko pala hawak hawak nya 'yung magazine. At tiningnan niya 'yung new cover ng magazine na binabasa niya.

Andun kasi yung mukha ni Twisted. Siya pala ang new cover ng isang sikat na magazine for the month of June.

Akala ko pa naman nababaliw na ako dahil lagi kong nakikita 'yung mukha ni Twisted. Yun pala!

Bumangon agad ako at umupo sa kama. Lintik na babae to! May lahing kabute talaga!

"Ows... Ito bang mukhang 'to ang nag-Fafagulo ng isip mo?" She teased me and she pointed Twisted's face na nasa cover.

Tumango ako. "Hindi ako makapag-isip ng matino."

"Ano ba kasing nangyayari sayo teh? Di ka naman dating ganyan after 'nung nag medication kayo ni Mr. Pogi.'' tanong niya.

"Meditation nga kasi... Aissh.. "

Napaisip ito. "Sorry, magkatunog kasi."

"Sabihin mo boplaks ka." At tumawa ako. Ganyan lang talaga kaming dalawa mag-asaran.

"Ouch naman. Its hurt." aniya at tumawa ulit ako.

"Ano na? Magsasabi ka ba, o kakalbuhin kita mamaya sa pagtulog mo?" pananakot niya sabay labas ng gunting niya. Gurlscout kasi 'to. Always ready.

"Kaya lagi kang iniiwan ng mga boylet mo eh. Dahil sa gunting na yan? Bakit kasi lagi mong dala dala yan kahit saan?"

"Sushi may... Alam mo namang ginagamit ko 'tong pangputol ng putotoy."

"Baliw ka talaga." tawa ko.

"Pero.. Gagamitin ko tong pangkalbo 'pag di ka pa rin magkukwento?" sabi niya at natakot naman daw ako.

Sinabi ko sa kanya 'yung nangyari sa train. Tapos 'yung sinabi ni Twisted sa akin noong nakaraang gabi at 'yung ginawa nitong paghalik.

"Ayyy... As in! Hinalikan ka niya?? For real?" tumitili ito.

"Oo nga! Paulit-ulit! Unli?" naiiritang sagot ko.

"Ehk... Kaya naman pala eh. Kung sa akin nangyari 'yun baka di lang ako makatulog. Kundi talagang mangingisay na ako sa sobrang kilig! O my G! Hershey kisses! Ang sarap niya sigurong humalik noh!" tili niya ulit.

Grabe siya oh.. Kung makatili wagas.

"Carry lang..." nagkibit balikat na sagot ko.

"Uyyy... May keri keri ka pang nalalaman dyan! Kaya naman pala last night nasa club si Mr. Pogi. Siguro inaabangan ka 'nun." sabi niya na nagpakunot ng noo ko.

"Bakit niya naman ako aabangan? At saka.. Hindi na ako babalik dun noh! Di ko pa rin makalimutan 'yung ginawang panghahampas 'nung isang manyak na kustumer sa pwet ko."

Noong palabas na kasi kami ng club. Biglang may bumastos sa akin at hinampas yung pwet ko. Buti na lang nagrespo agad 'yung bouncer.

Biglang tumunog 'yung cellphone ko. Kaya agad ko itong kinuha.

From: Madam

Lara. I know, pinag-iisipan mo pa rin 'yung inoffer kong trabaho. But, i'm just doing this for the sake of my son. Can you meet me tomorrow? At ****** restaurant. 10am.

Ano bang irereply ko? Hayst. Napag-isipan ko na talaga kasing itigil ko na ang panloloko ng kapwa. Hindi na nga rin ako tumatanggap ng kustumer na magpapahula. Napilitan na nga lang ako 'nun kay Twisted dahil tenext ako ni Madam na one of those days papupuntahin niya 'yung son niya.

Kaya 'nung panahon na yun kung may dadating na magpapahula, eni-entertain ko muna.

"Sino ba yan?" tanong ni Jessica.

"Si Madam." sagot ko.

"Ano? Nakapag-isip ka na ba?" naekwento ko na kasi sa kanya 'yung tungkol sa offer ni Madam.

"Hindi ko pa alam. B-bahala na. Makikipagkita na muna ako sa kanya bukas saka na ako magdedesisyon." sabi ko.

"Ikaw bahala Lara. Kung ano man ang magiging desisyon mo. Sana lang hindi mo yan pagsisisihan sa huli."narinig kong sabi niya bago lumabas.

Nagreply ako kay Madam na pwede kaming magkita bukas sa sinasabi niyang oras at lugar pero pag-iisipan ko pa rin ang ini-offer niyang trabaho.

**********

Please support my story.

Thanks!

Avrilidel

******* end of chapter*******

Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon