If two people are meant for each other, it doesn't mean they have to be together right now, but they will eventually.
*******
Twisted's Pov
I've been standing here for 7 days straight. Hoping that i could have a glimpsed of her. Pero hindi siya lumalabas kahit isang beses man lang.
It's funny how the weather punished me since the day i stood outside her house.
Last time i checked, maganda ang panahon sa Paris. Pero simula noong inaabangan ko na siya sa labas ng gate ng bahay niya nagsimula ng umambon. And it's getting worst everyday.
I glanced on my wristwatch. It's lunch time. Babalik na naman ako sa kompanya para asikasuhin ang problema 'dun.
Minor problem lang naman ang kinakaharap ng business ko dito. Pero nang malaman kong dito pala itinago ni Trynd ang kapatid niya. Agad akong nagpabook ng flight hindi dahil sa problema ng negosyo ko dito kundi para makita siya.
That morning when i woke up, kinapa ko ang tabi ko. But she's gone, akala ko panaginip lang ang lahat ng mga 'yun. Some kind of my wetdreams, minsan kasi napapanaginipan ko si Lara and that we're making love.
But a familiar scent, filled inside my room. It was that girl on the train. I was confused dahil lasing ako nang gabing 'yun at si Lara ang napapanaginipan kong katalik ko pero naamoy ko sa katawan niya ang scent ng babaeng 'yun sa train. And its scent fills all over my room and i smell it on my bed. Nang hinawi ko ang comforter ng kama ko, I saw a blood stained on bedsheet.
That same day i rushed to Mi Casa and asked Zed about Mystique. Baka sakaling may malaman akong detalye tungkol sa kanya.
For 3 months, i spend my nights in Mi Casa. Digging some details, then one day i met Jessica and she told me everything. Lara is the girl on the train. Kaya pala sinabi niya dati na noong unang beses niya akong nakita pinagnanasaan niya na ako.
My life was in hell since she left me. I'm broken inside. I cleared things out between me and Lorraine. She got mad at hindi ko siya masisisi dahil ginawa ko siyang pampanakip-butas noong mga panahong inakala kong ibinahay ni Trynd si Lara.
But everything's fine now, wala ng complication sa buhay ko. Malaya ko na siyang minamahal at mamahalin ko siya ng higit pa sa pagmamahal niya sa akin.
I've been a jerk, a coward, an asshole and any names that best described myself. Kaya i talked to Trynd and he told me na magkapatid sila sa ama.
I was so happy knowing na all this time ang pinagseselosan ko at ang bestfriend ko ay kapatid pala ni Lara.
I stopped flashing some memories from the past months and stood up.
Nagdoorbell ako para isauli ang payong na ipinahiram ni Manong sa akin kahapon.
"Oh Pogi? andiyan ka pala. Akala ko tinangay mo na ang payong na ipinahiram ko sayo kahapon."
Tumawa ako sa tinuran niya.
"Nakalimutan kong isauli, at saka naisip ko kasi na baka uulan ulit ngayon. Kaya dinala ko muna sa bahay. At saka nagdala na rin ako ng sariling payong."
Ngumiti ito. "Teka, uuwi ka na? Pumasok ka na lang kaya muna at dito ka na magtanghalian."
Nangunot ang noo ko. Hindi niya naman ako inaalok dati ng tanghalian. At saka it's not a good thing to a personal driver like him to invite a stranger into his boss house.
Tatanggi na sana ako nang magsalita ulit siya. "Wag kang mag-alala pogi. Sinabihan ako ni Ma'am Lara kahapon na kapag makita ulit kita ngayon, papasukin raw kita sa loob." sabi niya na para bang nahuhulaan niya ang iniisip ko.
Tumango ako at ngumiti.
"Hali ka." pumasok kami sa isang pintuan sa gilid ng bahay at bumungad sa akin ang kusina.
"By the way I'm Drick."pakilala niya. "Hi Laurel, this is my friend Happy." pinakilala niya sa akin ang isang babaeng foreigner.
Happy? Napangiti ako. Naalala ko kasing Hapee 'yung sinabi ko sa kanya. Hindi happy.
Ngumiti naman ito ng matamis at nakipagshake hands.
"Excuse me, i will call Madame now for her lunch." at umalis na ito.
"Tamang tama nagluto si Ma'am Lara ng Caldereta. Ang sarap pa namang magluto 'nun. Miss ko na rin ang mga lutong pinoy eh." sabi ni Manong Drick.
Iginiya niya ako sa isang hapag kainan. Talagang sabay daw silang tatlong kumakain dito dahil umiiyak daw si Lara kapag hindi nila sasabayan. Natuwa naman ako sa narinig. Mas lalo ko siyang minahal.
Pero bakit naman niya nasabing umiiyak si Lara kapag hindi sinasabayan sa pagkain?
Kung sabagay dati pa man talagang iyakin 'yun. At ang laki kong gago dahil isa ako sa nagpapaiyak sa kanya.
Ngumiti lang ako kay Manong. Tahimik lang ako dahil sa sobrang kaba at nerbyos.
Natatakot akong makaharap siya. Paano kung hindi na niya ako mahal? Paano pala kung may boyfriend na ito? Or worst, may asawa na pala siya?
Bakit ngayon ko lang naisip 'yun?
Naninikip ang dibdib ko sa naisip. Paano nga pala talaga kung may iba na siyang mahal?
Tumayo ako para umalis na lang nang marinig ko ang boses niya.
"You mean the guy -what's his name again?" narinig kong sinabi niya.
"His name is happy madame. Now i know why you two laughed the last time." Laurel laughed na para bang may nakakatawa.
Narinig ko ang pagpasok nila sa dining hall. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko siya nakikita. Pero ramdam na ramdam ko ang presensya niya.
"Bakit Happy?" tanong ni Manong dahil marahil ay nagtataka siya sa ginawa kong pagtayo.
Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang boses niya.
"You must be Happy?" tanong niya.
Nakaramdam ako ng pananabik. Gusto ko siyang yakapin at halikan at sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
Dahan dahan akong lumingon sa kanya. Napasinghap siya nang unti-unti niyang masilayan ang mukha ko. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat.
Pero mas nagulat ako nang makita ko siya at bumaba ang tingin ko sa nakaumbok niyang tiyan.
Uminit bigla ang bawat sulok ng mga mata ko.
Could it be?
Am i too late?
May asawa na ba siya? Huli na ba ang lahat para sa aming dalawa?
Wala na bang pag-asa na magkaroon pa ng happy ending ang love story ng buhay ko?
Napalunok ako at pinigilan ang sariling yakapin siya.
"T-twisted?" sambit niya sa pangalan ko at napahawak siya sa tiyan niyang nakaumbok.
Mapait akong ngumiti pero bakas sa boses ko ang kasiyahan. Masaya ako dahil nagkita kami muli.
"L-lara." halos pabulong kong binibigkas ang pangalan niya.
********
Oh puhleeaasssseee...
;) vote!
*********End of chapter********
BINABASA MO ANG
Twisted's Love Story (Innocence #1) - Completed (Editing)
General FictionThey say, in life you should make a choice, take a chance, to change everything. I'm happy that mom choose her, to give me a chance, to change my whole life. -Twisted Pierce O. Fate
